3rd PERSON
Flashback (1995)
Bayan ng Sta. Maria"At ano na naman yang ginawa mo sa mga halaman ha Selena? Diyos ko ka namang bata ka." Galit na sita ng Nanay niya sa batang si Selena.
Mabilis naman itong napakamot sa mahaba niyang buhok habang kita din naman ang takot mula sa napakagandang mukha nito.
"Pulutin mo yang mga dahon na pinaggugupit mo diyan at maligo kana tuloy doon." Sabi pa ng Nanay niya.
Mabilis naman niya itong sinunod at isa isa ngang itinapon sa basura ang ikinalat niyang dahon sa mini garden nila.
"Ano ba kasi ang naisipan mo at pinaggugupit mo yan ha? Nanahimik ang mga halaman diyan diba?"
"E kasi Nanay, nakikita ko Mang Isko kapag tini trim niyan diba? Eeehh ginaya ko lang naman yung ginagawa niya eh." Katwiran pa ng batang si Selena
"Hayy kasi nga ay gardener talaga siya kaya naman magaling siya sa pagti trim at ginagawa niya yan para lalong silang yumabong at hindi para kalbuhin mo!" Inis na sabi pa ng Nanay niya.
Tatalikod na sana ito ng may mapansing isang drawing mula sa mesa ng garden. At mabilis niyang dinampot ito.
"At ano naman itong dino drawing mo Selena pala?" Muling usisa naman nito sa kanya.
Muli namang napakamot ito sa ulo niya.
"Ano yan kasi Nay, eeehhh ako nag drawing niyan. Maganda ba huh?" Pagyayabang pa ng batang Selena.
Muli naman itong pinagmasdan ng kanyang Ina at ngumiti sa kanya.
"Teka sino ba itong lalakeng ito huh?"
"Aahh siya po ang imaginary boyfriend ko." Pagmamalaki pa nito.
Agad namang natawa ang kanyang Ina sa sinabi niya.
"Hay nako napakabata mo pa Selena para sa ganyang kalandian ok. At teka parang ikaw lang ito eh, naging lalake lang. Kamukhang kamukha mo kaya." Natatawang sabi pa niya.
"No! Siya ang pangarap kong maging boyfriend kapag dalaga na ako Nanay."
"Hay ewan ko sa iyo. Parang ikaw lang din yan eh. Tumangos lang ilong at naging lalake lang."
Sumama naman ang loob ng batang si Selena.
"Alam mo Anak ang pag aaral mo muna ang isipin mo bago ang boyfriend boyfriend na yan ok. At saan mo naman mahahanap ang imaginary boyfriend mo na yan aber?"
"Bata pa ako Nanay kaya naman hindi ko pa alam diba." Sabi pa niya.
"Hay nako wala kang mahahanap na lalakeng kamukha mo din naman Selena. Ang mabuti pa ay itago mo na yang drawing mo sa tokador, dahil kapag nakita yan ng Tatay mo ay magagalit pa yon sa iyo."
Humaba naman ang nguso ng batang si Selena.
"Bakit naman siya magagalit e imaginary boyfriend lang naman siya no." Katwiran pa niya.
Napakibit balikat naman ang Nanay niya at mabilis din namang niyakap ni Selena.
"Nay sorry pala huh?" Malambing na sabi pa niya.
Napakunot naman ang noo ng kanyang Nanay.
"Sorry saan naman huh Selena?"
"Sorry dahil sinira ko yung halaman mo, tapos sorry din dahil ang bata ko pa may imaginary boyfriend na ako diba."
Napayakap naman sa kanya ang kanyang Ina at ginulo pa ang kanyang mahabang buhok.
"Alam mo Selena, lahat naman tayo ay nagkakamali. Normal lang yon. Ang mahalaga ay hindi na natin uulitin ang pagkakamaling iyon, hindi ba?"
Tumango tango naman kanya si Selena.
"Tatandaan ko po yan Nanay."
"Yes Anak, kasi kung lahat ng pagkakamali ay madadaan sa sorry ay hindi na tayo magtatanda dito at patuloy lang natin itong gagawin kahit mali naman diba?"
"Sige Nanay, binabawi ko na sorry ko sa iyo."
Nagulat naman ito sa kanya.
"At bakit?"
"Kasi sabi mo diba? Kaya naman kesa mag sorry pala ako ay isipin ko nalang palagi na hindi ko siya dapat ulitin pa diba?"
"Tama Anak, kaya naman pakatandaan mo ito Selena."
"Opo Nanay."
END OF FLASHBACK
.
.
.
Present time
MARKNakangiting kumakaway sa akin si Mommy habang ngayon ay nakatayo sa harapan ko matapos ko din naman kumalas mula sa mahigpit naming pagkakayakap sa isa't-isa.
"Iingatan mo ang sarili mo Mark. At iisipin mo palaging mahal na mahal na mahal kita ok." Sabi pa niya habang muling pinipigilan ang isang pag-iyak.
Malungkot naman akong muling yumakap sa kanya.
"Ikaw din Mommy, sana ay hindi pa ito ang huli diba? At naniniwala akong darating ang araw na muli ay magiging masaya ulit tayo diba?" Humihikbi pang sabi ko sa kanya.
Umiling-iling naman siya.
"Salamat sa pitong beses ng kaligayahan ibinigay mo sa akin Mark. At babaunin ko ito saan man ako makarating. At sana din ay dumating din time na posible ng mangyari ang lahat ng imposible diba?"
Kumalas ako sa kanya, matapos din namang pahirin ang mga luha ko. At mabilis na tumalikod sa kanya. At mabagal na lumakad palayo sa kanya.
At ng malayo ma ako ay muli naman akong humarap sa kanya at muling kumaway sa kanya.
At tama, marahil ay wala pa akong idea kung kailangan nga ba kami muling magkikita ni Mommy. Lalo pa at nakiusap siya sa aking huwag ng babalik kahit anong mangyari.
Bagay na labag man sa loob ko ay wala naman choice kundi sundin ang gusto niya.
Muli naman akong lumingon kanya, subalit ngayon ay nababalot na ng makapal na fog ang paligid. At ang malabo niyang imahe kanina at tila nilamon na din mapuputing tila ulap.
"Paalam Mommy. Salamat sa mga masasayang sandali. At salamat sa isang napabusilak na pagmamahal na marahil ay hinding hindi ko makakalimutan habang ako ay nabubuhay."
Muli na akong sumakay sa aking sasakyan at mabilis kong pinaharurot ito palayo sa babaeng buong puso ibinuhos ang sobra sobrang pagmamahal sa akin mula palang sa sinapupunan hanggang sa lumaki ako.
Tama, ang napakgandang si Selena.
Ang aking Mommy Selena.
BINABASA MO ANG
Thicker Than Blood ✔️
RomanceDahil sa isang car accident, 17 years ago ay nawalan na siya ng kakayahan pang magka-anak si Lemuel. Dahil sa naging pinsala nito. At makalipas din naman ang 17 years na paghihintay ay nag decide silang mag asawa sa muling magka-anak thru medical pr...