LEMUEL'S POV
Namalayan ko nalang ang aking sariling nakapark malapit sa aming gate. Habang patuloy na nakaupo sa aking sasakyan.
Malamig ang buga ng air-conditioning unit ng aking pickup truck, subalit hindi ako kayang i-relax nito this time.
Habang natatanawan ko ang aming bahay na patuloy na napakadilim pa din.
Napahawak ako ng mahigpit sa aking manebela. At nagpawala din ng malakas na paghinga.
Isa lang kasi ang ibig sabihin nito.
Wala pa din sa bahay ang misis ko. At ang sinasabi niyang nakauwi na siya ay isang kasinungalingan lang.
At isa ito sa matibay na dahilan marahil upang sabihin ko din na nagtataksil na nga yata siya sa akin.
SIGHS
Mabilis kong kinuha ang phone ko at muling nag text kay Selena.
"I'll be home late Honey, mauna kanang kumain siguro." text ko sa kanya.
Hindi naman ako nainip...
<Ting>
"Yes hon, what time ka pala makauwi kasi?" reply niya.
Sign number 2...
Never kasi siya nagtatanong ng oras sa akin kung kailan ba ako uuwi. Mas madalas na sagot niya dati ay "Ok" o kaya naman ay "Ikaw ang bahala."
Napahawak ako sa sentido ko. At may kung anong pakiramdam ang pilit na sumisiksik sa utak ko.
"Alam mo Lemuel, kung makakabuti sa kalagayan ang isiping yan. Hayaan mo lang mag benifit ka mula dito diba? Like you said na nakaka feel ka ng erection everytime na magseselos ka sa wife mo. Basta i update mo lang ako ok."
Naaalalang ko pang sabi ni Dic Enriquez sa akin kanina.
In fact, ay siya din naman ang may idea na huwag kong aawayan si Selena kahit may matuklasan ako sa pagtataksil niya.
Muli akong huminga ng malalim at muli namang nag text sa kanya.
"Baka mga 1:00 AM pa siguro honey, madami pa akong kailangan ayusin kasi." muling pagsisinungaling ko sa text.
Mabilis naman siyang nag reply.
<Ting>
"Ok Honey, matutulog na ako." reply niya.
Muli kong ibinaba ang phone ko.
At tama, ngayon ay nanginginig ng husto ang aking katawan.
Dahil ba ito sa kakaibang excitement at pagseselos ding nararamdaman.
Kailangan kong maghintay dito.
Kailangan ko ding makita kung sino ba ang ka-date niya. At kung tama nga ba ang lumalaro sa isip ko.
Ngunit susundin ko pa din naman ang payo ni Doc. Kung ito nga ba talaga ang makakabuti para sa akin, gaya ng sabi niya.
Aughhh bahala na!!
Muli akong huminga ng malalim at itinuon ang buong atensiyon sa aking target.
Umayos pa ako ng pwesto at pinatay ko na din naman ang ilaw mula sa loob ng aking sasakyan. Bagamat patuloy itong umaandar upang patuloy din namang gumana ang aircon ng aking sasakyan.
Madilim din naman ang paligid, at sa location ko ngayon ay sigurado akong hindi naman niya ako mapapansing nakaparada lang dito.
Pasalamat na din ako dahil black ang pickup ko, at sigurado akong humahalo lang ito sa dilim. At siguradong hindi niya mapapansin kung sakaling dumating siya.
BINABASA MO ANG
Thicker Than Blood ✔️
RomanceDahil sa isang car accident, 17 years ago ay nawalan na siya ng kakayahan pang magka-anak si Lemuel. Dahil sa naging pinsala nito. At makalipas din naman ang 17 years na paghihintay ay nag decide silang mag asawa sa muling magka-anak thru medical pr...