Chapter 55

758 7 4
                                    

Matapos ang halos 2 hours na byahe ay narating ko ang destinasyon ko. Isang matandang babae ang masayang sumalubong sa akin mula sa gate ng isang apartment compound sa Sampaloc Manila.

"Magandang umaga Hijo... Ikaw na marahil yung anak ni Sir Lemuel, tama po ba?" Masiglang tanong pa niya sa akin bago tuluyang ibinukas ang gate para sa akin.

"Yes po Nay. Saan po pala yung magiging Apartment ko dito?" Magalang na tanong ko pa matapos kong maalis mula sa ulo ang suot kong full faced helmet.

Muli naman siyang napangiti sa akin.

"Sa ikaapat na pintuan sana ang ini reserve sa iyo ng Papa mo, subalit... Bweno tingnan mo pa din dahil sa iyo pa din naman iyan naka reserved dahil bayad ang 2 months niya para sa iyo. Ako pala ang katiwala dito sa buong compound. Tara tuloy ka Hijo." sabi pa niya tsaka tumalikod sa akin.

Aaminin kong medyo napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Kaya naman mabilis akong bumaba sa Nmax ko at isinabit ang helmet sa side mirror nito at mabilis na sumunod sa kanya. Habang nasa likod ko pa din ang dala kong mwdyo may kalakihang backpack.

"Maganda ang unit na ito Hijo, ito ang pinaka malaki at kumpleto sa lahat ng apartment unit dito. May sarili din itong garahe at magandang banyo kumpara sa lahat ng pinto ng Apartment dito dahil ito ang pinakamahal sa lahat." Pagmamalaki pa niya bago tuluyang kinuha mula sa bulsa niya ang susi a binuksan ito para sa akin.

"Pasok pala tayo Hijo, para makita mo din ito." Sabi pa niya tsaka ito diretsong pumasok sa kalooban ng unit.

Tama naman ang sabi niya.

Maganda ito at halos kumpleto na masyado nga itong malaki para sa akin.

Malinis at mabango din ito. At nagbibigay ng kakaibang pakiramdam ang kulay nito na oat white na pintura ng wall nito sa kabuuan. Habang kulay wood grain naman ang flooring nito. Na halatang bago pa ang tiles na nakakabit dito.

"Pinaayos at pinaganda talaga ito ng Daddy mo, dahil nga daw dito ka muna titira habang nag aaral ka." Sabi pa niya.

Nagpatango naman ako, at aaminin kong namangha talaga ako dito. At masasabi kong pwedeng pwede na ito para sa akin.

Subalit may konting problema akong nakikita...

"Nasaan po pala ang mga gamit ko Nay? Ang sabi kasi sa akin ni Daddy ay naipa ayos na niya ito diba?" Nagtatakang tanong ko pa habang inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan nito.

At tama wala akong gamit dito kahit isa. At clueless ako talaga sa totoong plan nila.

Napangiti naman siya at napailing din.

"Ang totoo niyan ay maayos na ito lahat dati at ikaw nalang ang hinihintay ko. Subalit nagbago ang lahat ng biglang may dumating na mga tao dito at pinahakot muli ang mga gamit mo." Sabi pa niya habang napapailing.

"Ho? Eh saan po ako titira pala Nay, kung ganon?" Tanong ko pa sa kanya.

At aaminin kong nakaramdam ako ng pagkadismaya mula sa sinabi niya.

Napa butong hininga nalang siya at may dinukot na papel mula sa bulsa niya.

"Ang totoo niyan ay kay dumating dito na isang maganda babae, mukha siyang mayaman at tiningnan ang kabuuan ng magiging apartment mo. Until muli niyang kinausap si Sir Lemuel at sinabing babalik sila. At matapos nga ang ilang oras din ay bumalik nga sila upang sabihin nilang ililipat ka daw nila. Kaya naman pati ako ay nagulat din sa naging desisyon nila." Patuloy niya.

At aaminin kong medyo naguluhan ako sa kwento niya.

At sino naman yung magandang babae at mukhang mayaman na sinasabi niyang kasama ni Daddy?

"Kung ganon ay saan daw ako lilipat pala Nay?" Halos hopeless na tanong ko.

"Ang sabi kasi ng magandang babae ay siya ang hahanap ng titirahan mo. At siya din ang hahanap nito musmo."

Napaawang ang bibig ko sa huling sinabi niya.

Teka may ibang babae ba si Daddy?

At siya ba yung sinasabi ni Nanay na magandang babae na kasama ni Daddy dito?

"May tanong po pala ako Nay. Maari mo bang i describe sa akin ang itsura ng babaeng kasama niya?" Usisa ko pa habang kinakabahan din.

Bagamat sa tingin ko ay mas papabor sa akin ito na may ibang babae na su Daddy. To think na magkakaroon na kami ng pagkakataon ni Mommy diba.

Subalit nalulungkot pa din ako para dito. Dahil still ay masasaktan si Mommy kapag nalaman ito at ayoko ng ganon.

Napansin ko naman ang pagkabigla niya sa tanong ko. Ngunit sa tingin ko ay na-gets naman niya ang ibig kong sabihin.

"Maputi at makinis ang balat niya. May maliit ngunit napakagandang mukha. At gaya ng sabi ko ay mukha siyang mayaman dahil tingnan ko pa lang ay mukhang napakabango na niya.

Napa-isip ako sa sinabi niya.

————-

Hmmm... Sino nga kaya yung magandang girl na kasama ni Daddy? Mukhang di handa ang ating bida sa mga plans nila 🥹.

Comment po sana kayo 🙏🙏🙏 and also maki vote na din please.

Salamat

Katie ❤️

Thicker Than Blood ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon