Chapter 1.
Mysterious.kami ay nakatira sa isang probinsya sa cavite. Si tatay juanito ay trabahante sa isang palayan, si Nanay Milessa naman ay nasa bahay lamang at gumagawa ng gawaing bahay. At ako naman ay mag aaral sa darating na pasukan. Maaga akong nagising dahil aalis ako at mamimili ng aking mga gagamitin para sa pasukan, tinitigan ko ang orasan, it's already 6:45 am. kaya naghanda na akong bumaba. our house has a floor, gawa lamang sa kahoy ang aming bahay.
Pagkababa ko palang ay na amoy kona ang masarap na niluluto ni nanay sa kusina, at alam kong adobong manok iyon dahil iyon ang paborito ko sa mga luto ni nanay, lumapit ako doon at kinuha ang sandwich na naka handa sa lamesa.
"Oh Nathalia anak kumain kana, saktong sakto luto na itong niluluto ko" sabi ni Nanay at nilapag ang nilutong manok.Agad naman akong na upo at kumain, habang kumakain ay agad kong napansin na wala si tatay " Nay nasaan po si itay? "
"Maagang umalis anak" sabi niya at umalis kaagad na para bang walang gana pag si itay ang pinag uusapan. May mali ba? May hindi ba sila pagkaka intindihin.
Sa araw-araw na palagi akong maagang gumising ay maagang umaalis si itay sa bahay, maaga naman akong gumigising ha? Bakit ganun mas maaga pa siyang gumigising at umaalis? Ganun ba ka importante ang trabaho niya?. Umalis na ako pagka tapus kung kumain at parang ako'y maiihi.Habang papuntang banyo ay nakita kong umiiyak si Nanay, bakit? Bakit siya umiiyak? Nag away ba sila ni itay? Lumapit ako doon para mas makita kung ano nangyayari sa kanya. Nasa malapit na pintoan ng banyo siya, merong isang picture frame doon ni itay at isang babae at isang lalaki na parang ka edad ko din, hindi ko nga din kilala ang nasa picture na iyon. Sabi daw nila pamangkin ni itay iyan kaya hindi kona tinanong pa. Ilang beses ko na silang tinanong diyaan ngunit ayaw nila iyong pansinin. Parang ayaw nilang pag usapan.
Lumapit ako kay inay "Nay bakit ho kayo umiiyak?" Niyakap ko siya sa likod. "Nag away po ba kayo ni itay Nay? " tanong ko sa kanya na wala naman siyang imik. Pinunasan niya ang kanyang luha at humarap sa akin.Hinawakan niya ang malambot kong kamay at hinihimas iyon.
"Anak... Kung sakaling may malaman kaba sa amin ay...itatakwil mo kami?" Putol-putol na sabi nito, tila ba nahihirapan. "Anak pag nalaman moba ang katotohanan hindi ka magagalit sa amin?" Tanong niya ulit na para bang may gusto sabihin na hindi ko alam? Na hindi nalalaman? Bakit? Mayroon ba akong dapat malaman?. Nagtataka na ako at para bang biglang natakot? Hindi ko alam kung ano ibig sabihin ni nanay. Bakit siya umiiyak? Hindi nman daw sila nag away ni itay at wala naman siyang sinabi sa akin kung anong dahilan ng pag iyak niya.
Kailangan ko nang ma ligo dahil bibili pa ako ng mga kakailanganin ko sa pasukan. Pagka tapus kong maligo, magbihis at ano-ano pang pag aasikaso ko saking sarili ay humarap muna ako sa salamin. Nakita ko ang ganda nang kurba ng katawan ko. Ang mahabang buhok ko na subrang itim. May bigla akong napansin sa aking tiyan na siyang biglang pagsakit. Tinignan ko iyon at nakita ang aking peklat doon. Iwan parang iba ang nararamdaman ko sa peklat na ito, para bang hiniwaan ako doon. Kinabahan tuloy ako sa aking na imagine.
Naalala ko din ang mga sinab sa akin ni nanay kanina. Ano ba dapat ang pwede kong malaman? Ano bang tinatago nila. Bakit umiiyak si nanay. At isa pa, hindi kopa talaga kilala kung sino iyong pamangkin nila hidni kopa sila nakikita kahit isang beses. Bakit parang madami silang tinatago sa akin? Bakit wala akong maalala sa aking mga naka raan?.
Bumaba na ako ng aking kwarto at sa hagdan palang ay nakita kona agad si inay na nagwawalis"Nay aalis po ako, bibili lang po ako ng mga gamit ko para sa pasukan"
"Sige anak mag iingat ka" sabi nito, aalis na sana ako at bubuksan na sana ang pinto nang tawagin ako ni Nanay "Nathalia anak" lumapit siya sa akin at may Binigay na dalawang libo "ayan e dagdag mo"
Umiling ako at hindi ko iyon kinuha "Nay wag na madami pa akong pera, staka kasya naman itong pera ko, salamat nalang po nay" ngumite ako at hinalikan siya sa pisngi at umalis."Mag iingat ka anak" habol nito sa akin
Ngayon araw ay nabili kona lahat ng mga kailangan ko, napansin ko din na ilang oras na pala akong na mimili. 6am akong umalis at ngayon ay 12:35 na, parang naka ramdan ako ng gutom.
May nakita akong restaurant sa tapat lng ng pinagbilhan ko ng mga gamit kaya parang gusto ko doon pumasok. Pumasok ako sa isang mamahaling restaurant, iwan ko ba't dito ako hinila ng mga paa ko na kusa akong dinala dito na para bang alam na alam ko ang lugar na ito.
Mangha na mangha akong ng maka pasok, umupo ako at tumingin sa menu, ang sasarap ng mga pagkain at ang mamahal pa ng pagkain dito, tanga! Syempre, dahil sikat at mamahaling restaurant ang pinasukan mo. Kinuha ko ang walet ko at gosh, saktong sakto ang aking pera para sa pamasahe at kain ko dito.
Nagtataka din ako kung bakit hindi ako nagugupit kahit mahirap kami, kahit madami akong winawaldas na pera ay hindi ako na uubusan ng pera? At naalala ko pala na hindi ko parin alam kung bakit dumadami at dumadagdag ang mga pera ko sa bank accounts ko?. Wala kayang may alam na may bank account ako. Kahit si inay at itay hindi alam iyon.
Habang kumakain ay may nakita akong lalaki na hindi kalayuan sa aking pwesto. Ito ay naka tingin sa akin, hindi ko alam ang expression ng mukha niya kasi nga may cap siya, staka bakit kinakabahan ako? Anong meron sa lalaking ito. Kanina pa titig ng titig sa akin ito, may gusto ba itong lalaki na ito sa akin? Hay! Ayuko pa naman sa torpe!
Tapus na ako sa pag kain. Nang paalis ako sa restaurant ay siya ding pag alis ng lalaking titig ng titig sa akin kanina. Nasa pintuan palang ako at naghahanap ng masasakyan nang makitang lumabas siya at naka tingin sa akin habang naglalakad. May humintong sasakyan na magara sa harapan niya at mukang may bodyguard pa siya ha... Bago siya pumasok sa sasakyan niya ay tinitigan niya muna ako ng matagal. Para bang sinusuri ang aking kabuuan. Aba't parang manyakis pala ito ha. Maka tingin sakin parang gusto akong lamunin.
Umuwi ako ng busog, habag pasakay ako ng trysicle ay may nakita akong isang sasakyan na itim sa harap ng bahay namin. "Manong dito nalang po ako, ito ho yong bayad salamat!," bumaba ako ng hindi kalayuan sa bahay. Hinay-hinay akong naglakad para hindi ako makita o mapansin nang kung sino man ang lalaking nagmamay-ari ng sasakyang iyan, huminto ako sa paglalakad ng makitang si itay ang bumaba sa itim na sasakyan.
I was shocked, hindi ko pinansin ang sasakyang magara, mukang mamahalin, pero hindi iyon ang naka agaw ng aking atensiyon kundi ang hawak na baril sa kamay mismo ni itay. My ghad! Ngayon ko lng siyang nakita na humawak na ganyang bagay, ang suot niya ay mukang mayaman, teka! Mahirap naman kami ha? Bakit siya mukang mayaman sa pananamit niya ngayon? May hindi ba ako alam? Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni nanay kanina ng nasa bahay. Parang kailangan ko atang mag ingat at magmasidmasid para naman may malaman? Gusto ko din sila tanongin sa naka raan ko ngunit ayaw nila iyong pag usapan.
Tila na himasmasan ako ng humarurut ang sasakyan paalis. Hindi kona nakita si itay, baka pumasok na, pero bakit ganito, bigla akong kinabahan.
Patungo na ako sa aming gate at bubuksan kona sana ito ng may humintong sasakyan sa likod ko, nang hinarap ko iyon ay may nakita akong isang lalaki sa loob, seryuso siyang naka tingin sa akin, ngunit hindi ko ma klaro ang muka niya dahil naka cap na itim siya, akmang lalapitan ko siya ng pinaandar niya ang sasakyan at pinaharurut iyon.
Wierd! Natatakot na ako ha...First my father, isa lang siyang trabahante sa palayan! At ganon talaga ka ganda ang suot niya? at may sasakyan pa? bakit siya may baril? Pumapatay ba siya? Second, the man na kanina ko lang nakita, anong meron sa kanya nang ganon nalang ang kaba ko? Bakit niya ako tinignan ng ganon? At... Teka... Siya din yong lalaki sa restaurant kanina? Oh my god sinusundan niya ba ako?
MYSTERIOUS!
![](https://img.wattpad.com/cover/359446420-288-k513894.jpg)
BINABASA MO ANG
I Will protect Mine (Mafia series 1)
Mystery / ThrillerShe killed the woman because of his jealousy. so the girl's family made a way to take revenge a woman named nathalia. She's rich. until she is in danger. because of the incident she lost everything. She lost his memory. even the man she love the mos...