Chapter 7. Halik

11 5 0
                                    



     Chapter 7.
       Halik.








"Nasaan ka kahapon? Isang gabi ka atang nawala?" Nasa sala kami ni itay. Dalawa lang kami ang nandito dahil sa inay at Carlos ay pinaalis niya. Si Carlos ay nasa kanyang kwarto katabi ng kwarto ko. At si inay naman iwan hindi ko nakita dito.

Kumuha ako ng hamburger sa lamesa at uminom ng juice. Na gutom ata ako sa mga ginawa namin kanina ni Raphael. Wala pang isang oras ngunit na mi-miss kona siya. "Tay niyaya kasi ako ng kaibigan ko na uminom sa bar tapus nalasing ako at doon na umuwi sa kanila dahil may sasakyan sil-"

Hindi na tuloy ang mga sasabihin ko ng mag salita ito. "Hindi ka naman mahilig makipag kaibigan diba?" Putol niya. Naninigarilyo siya habang nilalaro ang baso na may lamang tubig. Simple lang siya ngayon. Sa sout niya ay hindi mo malalamang mayaman. May butas-butas ang kanyang damit kaya hindi kana magtataka kung bakit mahirap siya. Stk.. Palusot niyang bansot!

Sumubo ako ng hamburger at sinagot ang kaniyang tanong "yes tay. Nalaman ko naman kasi na mabait sila at-" bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa Kinauupuan ko.

Hinawakan ng kamay niya ang aking panga "Baka may gusto akong malaman Nathalia?" Maypag kakadiin ang mga salita niya. Tila nag babanta. Madilim na mata ang mga nakikita ko sa kanya. Tila nakitaan na ako ng takot.

Umiling ako at halus hindi na maka salita dahil sa kamay niyang nasa aking panga. Pilit kong kinalas iyon. Matagal niya din akong titigan ng madilim at matagal din bago niya pakawalan ang aking panga. "Tay anong pinagsasabi niyo? Totoo naman ang sinabi ko ha. Ano pa pobang gusto niyong malaman sa akin? Alam niyo tay, " umiiyak na ako. Ngunit umaarti lang ako para pasado sa kanya.

Tumingin ako sa mga mata niya na nakatitig sa akin. Pinunasan ko ang aking mga mata bago nagsalita. "Tay... Hindi ako naging masaya sa mga nagdaang taon, tay alam niyo naman na wala akong maalala? Alam niyong gustong gusto kong malaman ang mga alaalang iyon ngunit papano? Palagi ko nalang iniisip na, siguro mas masaya ako noon kesa ngayon." Humagulgol na ako kaka iyak. Sinimulan ko ng umiyak pa ng tudo para ma rinig iyon ni Carlos.

Hinihingal na ako kaka iyak. "Tay Hindi na ako naging masaya noong pag taasan mo ako ng kamay" habang ramdam ko ang luha sa aking pisnge ay nakita ko ang pagbaba ni Carlos sa hagdan. Ngunit hindi ko nakita ang mama niya

Sinusubukan ni itay na hawakan ang aking mga kamay ngunit nilalayo ko iyon. Gusto kong marinig at malaman nila na ako parin ang Nathalia na walang maalala "tay ang sakit na. Gusto kong mapag-isa, gusto kong maging masaya kahit isang gabi o isang araw manlang, tay wala naman akong kasalanan pero bakit niyo ginawa iyon? Bakit niyo nagawang saktan ako?"

Naramdaman ko na nasa aking tabi na si Carlos. "Bakit tay? Kaya ba Hindi niyo ako tunay na anak kaya nagawa niyo akong saktan?" Parang naging artista ako dahil sa mga pinag gagawa ko.

Naramdaman ko ang presensya ni Carlos. carlos rubs my back na parang pinapagaan ang aking loob. Parang nag tagumpay naman dahil gumaan naman talaga ang loob ko. Parang ayaw na tumulo ng mga luha ko. Tinatraydor na ako ng mga luha ko. Parang sila ang sisira sa mga plano ko. "Shsh..do not cry" he held my waist at pinaharap sa kanya.

Ang mukha niyang pinaka gwapo. Parang may naramdaman akong kakaiba? Nathalia fucos wag mong sirain ang sarili mong mga plano "Nathalia magpahinga ka muna, and I want to talk to you later, I miss you" he said and kissed my cheek. At hinila ako nito pa punta sa aking kwarto.

I Will protect Mine  (Mafia series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon