Chapter 12 Alejandro

11 6 0
                                    


    

         Chapter 12.
           Alejandro



"So what's your plan Angelica? " tanong sa akin ni Raphael.

"Babalik ako sa bahay at magkukunwaring walang alam" tila naging madilim ang titig sa akin ni Raphael ng sabihin ko iyon.

"Sa tingin mo tanga si juanito?, Angelica pag bumalik ka doon baka kung anong gawin niya sayo" pag kukumbinsi sa akin ni Raphael.

"Hindi ko naman sinabi na tanga si juanito. At alam ko ang ginagawa ko Raphael"

Bigla siyang nag iwas ng tingin. Naririnig kung nag mumura pa siya. Tumingin siya sa akin at nag salita

"Angelica hindi kita na protektahan dati kaya sana ngayon ay huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo.."

Siniklop niya ang aking dalawang kamay "pakiusap" sabi niya na parang Nagmamaka-awa.

Ayaw ko man sanang gawin ito ngunit naka sasalalay ang aming anak. "Raphael... Alam ko.. Pero sana bigyan mo din ako ng pagkakataong tumulung na makuha ang anak natin.."

Naiiyak na ako sa harapan ni Raphael "Wala akong nagawa noon nong kunin siya sa akin.."

Yumuko at at umiyak na parang bata "subrang nagsisi ako dahil sa pagkawala niya kaya... Sana kahit ngayon lang mapagbigyan mo ako Raphael"

Bumuhos ang napaka daming luha sa aking mga mata. Kinulong ng dalawang palad niya ang aking pisnge at pinunasan doon ang dumadaloy na mga luha.

Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Nangungulila na ako ng subra sa aming anak. Nagaalala ako para kay natasha.

"Kukunin natin siya Angelica." Sabi sa akin ni Raphael.

Habang yakap ako ni Raphael ay may pumasok sa utak ko. Bakit pala alam ni Raphael kung nasaan si Natasha? Parang alam niya kung saan tinatago ni juanito si Natasha.

Kinalas ko ang pagkakayakap ni Raphael sa akin "Raph.. May hindi kaba sinasabi sa akin?"

Tila nalito siya sa aking mga sinabi "what do you mean" he said.

"Raph paano mo nahanap ni Natasha? Bakit alam mong tinatago siya ni juanito? Raph paano-" he pulled me to him faster. Kaya hindi na tuloy ang aking tanong sa kanya.

"I'll explain later. I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo" tumango ako habang nakayakap sa kanya.

Dito kami sa harap ng mansyon. Kasama ko si Raphael.

Tahimik ang mansyon at parang walang tao.

Papasokin ko ang mansyon. Pumayag si Raphael sa aking mga plano.

Bumaba ako sa sasakyan ni Raphael at naglalakad patungo sa bahay.

Kinakabahan man ako pero pinagpatuloy ko padin ang paglalakad patungo sa bahay.

Nanginginig ang aking mga paa bawat hakbang. Binuksan ko ang gate at gumawa iyon ng ingay.

Ngunit kahit maingay iyon ay walang lumabas o kahit may sumilip ay wala.

I Will protect Mine  (Mafia series 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon