-Updates every week-
Waiting In The Rain
#1 on PPOP
#4 on mikha
#44 on aiah
#49 on BINI
🫶🫶🫶🫶
A MikhAiah gxg au, by anonymous143z
TagLish
If I miss you any harder, my heart might come looking for you.
Should i put some of the lines here?
-Nope...
(A/N: since I managed to reached Chapter 20..I've decided to publish a new story titled "What if". Maybe on Friday? [Jan. 12, 2024]..I'm not sure but I'll publish it!)
Hi Readers! Here's the Chapter XXII of Waiting In The Rain.
I hope you like it! Also, dont forget to vote hehe.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
GAIL's CONFESSION
Gail's pov:
"truth or dare?" tanong ni Maeve kay Savanna.
"truth" nakangiti namang sagot ni Sav.
"sino crush mo dito sa circle natin?" tanong ni Maeve at tinaas-baba pa ang kanyang mga kilay.
"ew. I mean, wala! 'di ba weird 'yon? Magkacrush sa friend?" sagot ni Savanna.
"ay hindi kami naniniwala Savanna Sevilleja! Sige na sino?" pangungulit ni Skylar.
"wala nga! Hindi ko kayo type, duh" at umirap.
Pass sa halata, tsk. Charot.
"sige na Sav! Kahit crush lang, unti lang naman eh..ganto lang🤏" si Maeve ulit.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tumawa naman kami sa inasta ni Maeve.
Umirap muli si Savanna, "fine, pero fyi ha straight ako and nagagandahan lang talaga ako sakanya kahit kamuka pa nya ung witch na nagbigay ng apple kay snowhite"
Witch pala 'yon?
"luh parang kilala ko na ah" sabi ni Calli kaya lahat kami napatingin sa kaniya.
Tinignan ko naman ulit si Savanna, may kung anong gulat sa mukha nya.
Shit.
"ih Calli..crush lang promise.." turan ni Sav. Lumipat muli ang aking tingin kay Calli na ngayon ay naguguluhan na.
"huh? Teka sino ba 'yung tinutukoy mo?" naguguluhang tanong ni Calliope.
"s-si ano, si...Jillian" pabulong nya lang sinabi yung pangalan pero sapat narin na marinig naming lahat.
"teka sino daw?" tanong ng sa'kin katabi ko, si Kenzie.
Napabungtong hininga ako at umiling..hindi pala lahat nakarinig.
"bff ko, si Jillian" sagot ko kaya nanlaki naman ang mata nya pero agad ding bumalik sa pagkaseryoso ang muka nya.
"huy ikaw Sav ha! May lihim na pagtingin ka pala sa'kin yieee!" parang wala lang sa kanya na crush sya ni Sav, nang-asar pa nga.