Chapter VI

2.8K 88 3
                                    

Hi Readers! Here's the Chapter VI of Waiting In The Rain.

I hope you like it! Also, dont forget to vote hehe.

(Chapter VII Later. I'll revise it first)
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __

10th of November, 2019.....

Sunday.....

Astrid's pov:

Hindi kami natuloy kahapon sa gala namin nila Jill redflag kaya ngayon nalang kami gagala.

Nakita ko sila Mommy sa living room kaya magpa-paalam narin ako.

"Mommy aalis ako ah" pagpapaalam ko.

"sinong kasama mo?" tanong ni Mommy.

"si Jill at Gail po" sagot ko naman.

"susunduin po nila ako" dagdag ko.

"sige, ay isama mo narin si Kenzie at Skylar, tutal ay ikaw lang din ang makakasama nila bukas" sabi ni Mommy.

What! Heck naurr.

Napatingin naman sila Mackenzie at Skylar kay Mommy.

"p-po? H-hindi napo tita. MaO-op lang po kami don" sagot ni Mackenzie.

Kaya nga Mommy. Ayaw din naman nila.

Tinignan lang ako ni Mommy na parang may gustong sabihin.

Hay.

"hindi, okay lang Mackenzie, sumama na kayo, friendly naman sila" sabi ko.

Napaka friendly nila, oo, lalo na si Jill, baka nga wala pa kayong 1 hour magkasama bestfriend na kayo eh.

Tinignan naman ako ng masama ni Mackenzie, parang sinasabihan ako na itigil ko pinagsasabi ko eh HAHAHA. Kakatakot naman ng mga tingin mo.

"hayaan mo na Kenzie, sumama na kayo" sabi ni tita Maureen.

Wala na sumali na si tita Maureen, talo tuloy kami! Hehe.

"ok." mahinang sagot ni Mackenzie, labag pa ata sa kalooban.

Ito namang si Skylar abot tenga ang ngiti.

"kahit wag na kayo magbihis, okay na yang suot nyo" sabi ko sakanila.

Tinanguan lang naman nila akong dalwa.

Agad namang nag-text si Jill sa akin na nasa tapat na daw sila ng bahay namin.

"um tara na Mackenzie, Skylar, nandyan na daw sila Jillian" pag-aya ko sa kanila.

Nagpaalam narin kami kay Mommy at tita Maureen na aalis na kami.

Paglabas namin ng gate nakita namin sila Jillian at Gail na naghihintay sa labas ng sasakyan ni Jill. Ang alam ni Mommy ay driver ni Jill ang magddrive, hindi nya alam na si Gail pala. Hindi pa kasi gaanong marunong si Jill even though its her car.

Ito namang si Jill kung makatitig kay Mackenzie wagas.

"um Jill, Gael, sila Mackenzie at Skylar nga pala, mag-pinsan sila"

(Author: "Gael" is Gail's nickname. Pronounce as Ga-el.)

"Hi! You must be Mackenzie! I'm Jillian, just call me Jill for short!" masayang sabi ni Jill.

"Mackenzie Janna Lim, call me Kenzie for short" seryosong sabi ni Mackenzie. Okay Kenzie nalang, ang haba ng Mackenzie.

Yung isa puno ng enthusiam yung isa naman nagkulang HAHAHA.

Wating In The Rain | MikhAiah au Where stories live. Discover now