Tumakbo ang magkasintahan sa kalye at hinahabol sila ng mga lalaking nakatingin sa kanila.
Hinihingal na si Page sa kakatakbo at biglang nadapa ito.
"Page tumayo ka maaabutan na nila tayo!" bulalas ni Andrei.
Maya-maya ay naabutan na sila ng limang lalaking humahabol sa kanila.
At sila ay hinuli.
"Huli kayo! Nagtatangka pa kayong tumakas ha!" wika ng mga pulis.
"Saan ni'yo kami dadalhin?"
"Basta sumama kayo sa amin!" Sabi ng isa sa mga lalaking dumakip sa kanila.
At isinakay sila sa sasakyan ng mga ito.
...
Samantala sa Dining Area ng kanilang unit sa Twin Tower. Nag didiner si Don Pablo at Donya Matilda. "Naka schedule na ang ating pag alis sa isang Linggo, mabuti at mabilis naayos ang passport ni Faith, at hinihintay na lang natin ang kanyang mga visa." Nakangiting sabi ni Pablo.
"Isang pangarap na di ko akalaing matutupad, salamat sa Panginoon." Masayang wika ni Matilda.
Maya-maya ay dumating ang kambal kasama sina Faith at Empress at nakisalo sila sa hapag kainan. Habang masaya silang nag sasalu-salo ay biglang may tumawag kay Don Pablo sa cell phone nito.
"Don Pablo, nadakip na ang mga magnanakaw!" Sabi sa kabilang linya.
Napangisi si Don Pablo.
"Dapat mabigyan ng leksyon ang mga taong yan, nang dahil sa kanila ay nag-alala kaming lahat!" Galit na sabi ni Don Pablo.
"Dadalhin namin sila sa inyo ngayon Sir," sabi ng pulis, dahil iyon ang utos ni Don Pablo dati.
Naisip ni Don Pablo na hindi na kailangan ang mga ito, ngunit gusto niya makita kung sino ang mga taong muntik ng sumira sa buhay ni Dominic.
"Oo, dalhin nyo sila dito bago sila makulong, gusto ko makita ng personal ang mga taong muntik ng sumira ng aming buhay! Nang sa gayon ay matandaan ko ang mga mukha nila!"
Mariing saad ni Don Pablo."Patungo na kami sa inyong tower Sir," sagot ng pulis sa kabilang linya.
...
Makalipas ang halos isang oras ay dumating na ang mga pulis kasama sina Page at Andrei. Nasa lounge nung mga sandaling iyon sila Don Pablo at sila ay nagkakasiyahan.
"Heto na po sila!" sabi ng pulis habang piniprisinta ng mga pulis sina Andrei at Page kina Don Pablo. Nakayuko ang mga ito at di sila makatingin. Nakatingin lamang sina Benedict at Dominic, di nila alam ang gagawin, pinabayaan na lamang nila ang lahat kay Don Pablo.
"Hmm, sila pala ang kumuha ng bag?" Nakakunot noong sabi ni Don Pablo.
"Yes Sir, dapat silang makulong, tandaan ninyo ang mga mukha nila, napakalaking halaga ang ninakaw nila sa inyo," sabi ng pulis.
Nang narinig ito nina Andrei at Page, lumuhod ang mga ito sa harapan ni Don Pablo at nagmakaawa.
"Patawarin nyo na po kami!" Nagmamakaawang sabi nina Page at Andrei.
"Huwag nyo na po kami ipakulong, gusto na namin magbagong buhay!" Nakikiusap sa sabi ni Andrei.
"Iwan nyo muna kami," sabi nito sa mga pulis, at nagsilabasan ang mga ito.
Tiningnan sila ni Don Pablo ng malalim. Nakatingin ang dalawa sa mga mata nya, humihingi ng awa.
"Alam nyo ba, nang dahil sa ginawa nyo ay muntik ng masira ang buhay naming lahat!" Sabi ni Don Pablo.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
HorrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!