Chapter 45

2.1K 68 7
                                    

Nakatakip ng puting tela ang painting ng kambal, nasa kanan ang kay Benedict at nasa kaliwa naman ang kay Dominic.

Una nyang tiningnan ang ginuhit ni Dominic at nakita nyang sya yung babaeng ginuhit nito.

Ngunit nagimbal sya sa painting nito, ang painting ay nag sasaad na sila ay nagtatalik ni Dominic, nakahubad silang pareho at nakalabas ang kanyang dibdib at ang kanilang mukha ni Dominic ay may pagnanasa sa isat isa, nakahawak ang kaliwang kamay ni Dominic sa kanyang kanang dibdib at nakahalik sa kanyang leeg at nakataas ang kanyang kanang kamay at ang kabila nyang kamay ay hawak ang ulunan ni Dominic. Hango ito sa imahinasyon ni Dominic ang painting nito. Tinakpan agad ni Faith ng puting tela ang painting nang nakita niya ito.

......

At sumunod ay tiningnan naman nito ang painting ni Benedict.  Unti unti niyang inalis ang berdeng tela na nakatakip dito, at laking gulat nya sa kanyang nakita.

Nakaguhit dito na nakasuot si Faith ng damit pangkasal, at si Benedict ang kanyang groom, masaya silang nagtitinginan na puno ng pagmamahalan sa painting na iyon. Napalunok si Faith sa kanyang nakita, at doon lamang nya nakita na nakangiti si Benedict sa painting na yon. Nakaramdam sya ng labis na pagkakilig, masaya nyang minamasdan ang painting ni Benedict at nangangarap sya na sana isang araw ay mag katotoo ito, kinuha nya ang painting at kanyang niyakap-yakap, dinampi ang pisngi sa harapan nito.

"Benedict bakit ko nararamdaman sayo to? Bakit ikaw ang sinisigaw ng puso ko, oh Benedict!" Sabi ni Faith sa kanyang loob habang hinahaplos ng kanyang kaliwang pisngi ang painting na iyon.  Maya maya'y may narinig si Faith na nagbukas ang pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" nakakunot noong bungad ni Benedict. Nagulat si Faith at nakaramdam ng pagkahiya. Isinoli nya agad ang painting sa pinaglalagyan nito.

"Ha ah eh, di...di kasi ako makatulog, gusto ko lang ma...makita ang inyong ginuhit." malito litong sabi ni Faith.

Napayuko si Faith, di nya matingnan sa mata si Benedict, ngunit alam nyang ito ay si Benedict dahil lagi itong galit. Tinakpan nya ulit ng berdeng tela ang painting.

At nang kanyang natakpan ang painting ay nagmamadali na itong lumabas agad ng painting room na yon,  at dinaanan nya si Benedict sa harapan nito habang sya ay nakayuko dahil di sya makatingin ng diretso, natatakot syang pagalitan nito.

"Good night!" Sabi ni Faith nang natapat sya kay Benedict kahit di nya ito matingnan sa mata, ngunit biglang hinawakan ni Benedict ang balikat ni Faith.

"Faith sandali lang." maamong sabi nito. Nagtaka si Faith, naisip niyang baka si Dominic ito at nagselos lamang ito kaya nagalit ito nung una.

Napatingin si Faith sa kanyang mga mata, ngunit laking mangha niya nang nakita nya na kulay blue ito at ito nga ay walang iba kundi si Benedict at bakas na bakas ang kakisigang taglay nito.

Nang nagtama ang kanilang mga paningin ay di na maalis ang kanilang tinginan sa isa't isa, at di napigilian ni Benedict at hinalikan nya si Faith sa labi, at bigla na lamang napapikit si Faith at nagparaya sa ginawa ni Benedict na paghalik sa kanya, dahil di niya ito nakayang pigilan.  Nakaramdam naman si Benedict ng kakaibang akit sa paghalik kay Faith, malayo kesa kay Minerva, hinaplos nya ang buong katawan ni Faith at hinubad nya isa isa ang damit nito.

Napapapikit na lamang si Faith sa kanyang nararamdaman at di nya mawari kung bakit pinapabayaan nyang gawin ni Benedict ang gusto nitong mangyari.

Hinalikan ni Benedict ang lahat ng parte ng kanyang katawan at walang kasing ligaya ang kanyang nadarama ng mga sandaling iyon at ganon din si Benedict sa kanya.

At binuhat ni Benedict si Faith at dinala sa may couch at doon naganap ang kanilang Pag iibigan. Matapos nito ay nakatulog agad si Faith. Di naman mapalagay si Benedict. Kinakabahan ito na baka magaya ito kina Minerva at Clara. "Ayon kay mang Kardo, hindi nya kinuha yung enigma, kaya hindi ako makakapinsala, maliban kay Dominic, sana ay matapos na ang misteryong bunabalot sa kambal ba bulaklak na yon!" Sambit ni Benedict sa kanyang loob.
...

Magkayakap silang nakatulog sa painting room nung gabi na iyon.

Naalimpungatan si Benedict at nakita nya ang mukha ni Faith at hinalikan nya ito sa noo.

"Mahal na mahal na kita Faith, hinding hindi na kita pakakawalan!" Wika sa loob niya. Naniniwala si Benedict na walang masamang mangyayari kay Faith dahil nagmamahalan sila, di gaya ni Dominic na pinaglalaruan lamang ang mga babae at pinapaasa, iyon ang akala niya, ngunit talagang walang mangyayari kay Faith kahit hawakan niya dahil wala syang hawak na enigma.

At nung gabing iyon, habang natutulog sila sa couch, nang biglang pumasok si Dominic.

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon