Hinatid sila ng bellboy, at Pagpasok nila ng kanilang silid ay niyakap agad ni Dominic si Faith, na inaakala niyang ito ay si Benedict.
"Faith, hindi na muna tayo maaaring lumabas dito, baka makita nila tayo."
Tumango lamang si Faith sa kanya.
.....
Kinaumagahan...
Samantala sa mansion.
Nakarating kay Don Pablo na wala na si Faith sa kanyang silid, at nang pinuntahan nila si Dominic sa silid ay wala din ito, nakita naman nilang mahimbing na natutulog pa din si Benedict gawa ng kalasingan.
Bumaba sila sa may grand staircase.
"Saan sila nagpunta?"
"Don Pablo tiyak maaga silang umalis, di ko sila namalayan!" Sabi ni Kardo na sumalubong sa kanila.
Maya maya ay dumarating si Benedict, kagigising lamang nito at nalaman niyang wala yung dalawa. Humahangos itong bumababa ng grand staircase.
"Nasaan na si Faith?" Kinakabahang sabi ni Benedict habang bumababa ng grand staircase.
"Itinakas sya ni Dominic!" Sagot ni Kardo. Napahawak sa kanyang ulunan si Benedict sa takot na maaaring mangyari kay Faith. "Nanganganib si Dominic sa tabi ni Faith, kailangan natin syang makita sa lalong madaling panahon!" Wika ni Don Pablo.
"Nag aalala ako para sa anak ko!" naiiyak na sabi ni Matilda.
"Pero bakit sumama si Faith sa kanya?!" Nagtatampong sabi naman ni Benedict.
"Anak baka pareho nya kayong gusto?"
"Hindi Papa, ako lang ang mahal ni Faith!"
Maya maya ay dumating si Melba.
"Don Pablo may nakita ako sa silid ni Dominic!"
"Ano yon?"
"Eto po." Sabi ni Melba at kanyang pinakita ang lalagyan ng contact lenses na kulay blue.
"Ginamit nya to para mapagkamalan sya ni Faith na sya si Benedict?"
"Ganon na nga po Don Pablo."
Nakaramdam ng matinding galit si Benedict kay Dominic.
"Bakit nya nagawa to? Papa, hanapin na natin sila!" Galit na sabi ni Benefict.
........
Kinagabihan.
Sa Hotel.....
Magkayakap silang nakahiga sa kama. At gumapang ang mga kamay ni Dominic sa katawan ni Faith. Ngunit parang may naramdaman si Faith na kakaiba kay Dominic. Bigla sya nitong hinalikan, nagtataka si Faith dahil iba ang kanyang kilos, mas mapusok ito. Niyakap sya nito ng mahigpit, buong akala ni Faith ay sya si Benedict kaya hindi sya tumutol dito, hinalikan sya ni Dominic na parang sabik na sabik sa kanya.
"Benedict sandali lang, dahan dahan." Malumanay na sabi ni Faith, ngunit di sya pinakinggan ni Dominic at lalo itong naging mapusok at agresibo sa pagkahawak sa kanya, mas mapangahas si ito.
Hinahalikan sya ni Dominic sa kanyang leeg habang hinihimas ng kanang kamay nito ang kanyang dibdib, napapakagat labi na lamang si Faith sa ginagawa ni Dominic dahil may akit syang nararamdaman sa bawat ginagawa nito sa kanya. At nung gabi na iyon ay naganap ang kanilang pag iibigan, habang sila ay nagniniig ay sinasambit ni Faith ang pangalan ni Benedict."Oh! Benedict! Mahal kita!" ungol na sambit ni Faith habang napapapikit ito sa ligayang nararamdaman.
Minamasdan ni Dominic ang kaakit akit at mapanuksong mukha ni Faith habang sila ay nagniniig."Oh Faith, mahal din kita! Hindi na kita pakakawalan."
Napatingin si Faith sa kanya at sila ay nagkatitigan at pareho silang naaakit at natutukso sa isa't isa.
.....
Matapos nila magsiping ay tumayo si Dominic at nagtungo ng terrace, nalulungkot ito dahil si Benedict ang binabanggit ni Faith at hindi sya.
"Kahit ano mangyari hindi ko sya ibibigay kay Benedict, akin ka Faith!" Sabi ni Dominic sa kanyang sarili.
Nilapitan sya ni Faith at niyakap sa kanyang likuran.
"Mahal na mahal kita Benedict." Makarinyong sabi ni Faith.
Napapikit si Dominic habang niyayakap sya ni Faith at naiisip nya na bakit si Benedict? Ngunit nagtimpi na lamang sya, naisip ni Dominic na ipaparamdam nya kay Faith na talagang mahal nya ito at sya ang karapat dapat para makalimutan na nya si Benedict, humarap sya kay Faith.
"Paliligayahin kita Faith, ako lang ang mamahalin mo."
Ngumiti si Faith at sila ay nagyakapan. Makalipas ang ilang sandali ay biglang narinig ni Dominic ang himig ng piano at napatingin sya sa paligid at kanyang hinigpitan ang pagkakayakap kay Faith. Muling nangyari ang ginawa ni Dominic kay Clara at Minerva. Sinapian sya muli ni Kasandra upang ihasik ang enigma kay Faith.
Kinabukasan.....
"Hinahanap na tayo ng Papa at Mama mo, papano kung makita nila ako baka kung ano ang gawin nila sa akin?" Sabi ni Faith habang nakayakap sya kay Dominic na nakahiga sila sa kama.
"Hindi ka nila magagalaw, wala na silang magagawa sa pagmamahalan natin."
"Pero natatakot ako baka magaya ako kina Minerva? Bakit nangyayari yon?"
"Hindi ko alam pero kahit ano mangyari hindi kita iiwan Faith."
.......
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
HorrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!