Chapter 28

2.5K 52 3
                                    

Nakalabas ng mall si Benedict at tinakpan nyang mabuti ang kanyang mukha,

Hirap na hirap syang maglakad gamit ang saklay, hanggang naliligaw na sya.
.......
Mag gagabi na ay di pa din makita ni Kardo si Benedict at labis syang nag aalala para dito.

Hanggang umabot na ng alasdose ng hating gabi. Napilitang tawagan ni Kardo si Don Pablo sa cellphone nito, ngunit naka off ito.

...........

Nagpapakasarap ang mag ama sa kanilang malaking yate at maraming nag gagandahang mga babae ang nakapaligid sa kanila.....

Minamasahe ng dalawang babae si Don Pablo sa salas ng malaking yate nila.

At nasa isang silid naman si Dominic at tatlong babae ang kinakasiping nya.

At halos mabaliw baliw ang mga babaeng ito kay Dominic.

"Oh Dominic you are so extra ordinary!" Sabi ng isa sa tatlong babae at walang humpay ang kanilang pagtatalik. Parang mga hayok sa laman ang mga babaeng ito, at dahil nahaplos nila ang balat ni Dominic ay para na silang nababaliw.

Matapos nilang magtalik ay nakaramdam na sila ng pagod at sila ay nakatulog, nakayakap sila kay Dominic.

Makalipas ang ilang sandali ay tumayo si Dominic habang natutulog pa din ang mga babae.

Nagtabing sya ng puting tuwalya sa kanyang ibaba.

At uminom sya ng tubig at habang umiinom ay bigla na naman nyang narinig ang himig ng piano, kinilabutan si Dominic sa kaniyang naririnig, alam nyang makikita na nya ang estatwa. Binuksan nya ang pinto at tinanaw nya ang kanyang ama na nakahiga sa sofa habang minamasahe ng mga babae. Sinara nya ulit ang pinto, at maya maya'y nawala na ang himig. Alam na nya ang susunod na mangyayari. At umpisa na nyang narinig ang kakaibang yabag, at nang sya ay lumingon ay nagpakita na sa kanya ang istatwa ni Kasandra.

Hindi makatinag si Dominic sa kanyang kinatatayuan, tanging takot ang kanyang nararamdaman,  walang boses na lumalabas sa kanyang bibig kahit sumigaw sya, at papalapit ng papalapit ang istatwa sa kanya, hanggang sa nahawakan ang kanyang braso nito at doon ay biglang nawala sa sarili si Dominic. Gaya ng unang nangyari, nilagyan ni Dominic ng enigma ang tatlong baso na may wine at iniwan nya sa may lamesa, matapos nya ito gawin ay bigla na lamang naglaho na parang bula si Kasandra. At nang natauhan si Dominic, tiningnan nya ang tatlong babae na mahimbing pa din na natutulog. Hindi na nya namalayan kung ano ang kanyang ginawa. Lumabas na sya ng kanyang silid at pinuntahan ang kanyang ama na abalang hinahaplos ng dalawang babae.

At hinahalik halikan nila si Don Pablo, at nang nakita ng mga babae na papalapit si Dominic ay napakagat na lamang sila ng labi dahil sa sobrang kisig nito.

"Son, are you okay?" Tanong ni Pablo nang nakita nyang may kakaibang emosyon ang mukha nito, hindi kumibo si Dominic. Lumabas sya ng deck at nagpahangin, malalim na ang gabi at di pa rin nya makalimutan ang kanyang nakita.

"Babaeng istatwa? Sino sya? Bakit nagpakita sya ulit?" Kinikilabutang sabi ni Dominic sa kanyang loob.

Samantala nagising na ang tatlong babae at nang nakita nila ang wine na nakapatong sa lamesa ay ininom nila ito. At habang nag-iinuman ay nagkaroon sila ng pagtatalo, nag aaway away sila, pinag aawayan nila si Dominic. At maya maya lamang ay biglang nagbago ang kanilang ginagawa, nagyukuan ang ulo ng mga ito at lumugay ang kanilang mahahaba na buhok.

Samantala ay naisipan ni Dominic na bumalik sa silid para kunin ang kanyang clutch bag at nais nya sa ibang silid na lamang matulog.

At nang kanyang binuksan ang pinto ay laking gulat nya nang nakita nyang nakayuko ang mga ito.

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon