Chapter 32

2.1K 55 1
                                    

Nung gabing iyon ay di mapalagay si Benedict, naalala nya ang pagtatagpo nila ni Faith at di na ito maalis sa kanyang isipan, maya maya ay pumasok sa kanyang silid si Minerva...

"Hello!" Nakangiting sabi nito, suot ang maikli at manipis na puting kamison.

"May ibibigay ako sayo, binilhan kita ng T-shirt, para sayo yan sana magustuhan mo."

Binigay nya ang t-shirt kay Benedict at nang nahawakan ito ni Benedict ay natuwa sya.

"Ngayon lang may nag bigay sa akin ng regalo galing sa ibang tao, salamat,"

"Talaga? Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman!" Nakangiting sabi ni Benedict at sinuot nya agad ito.

Nilapitan sya ni Minerva at hinalikan sya sa kanyang labi.

Hinalikan din sya ni Benedict at doon ay muling nag alab ang damdamin ni nito habang niyayakap nya si Minerva at naganap muli ang kanilang pag iibigan.

At nang nakatulog na si Benedict ay nakayakap ito sa hubad na katawan ni Minerva. Dahan dahan namang inalis ni Minerva ang mga kamay ni Benedict na nakapalupot sa kanya.

"Kung di ka lang bilyonaryo ay di ko gagawin to, pinipilit ko lang sarili ko, pero kailangan kong gawin to, gusto kong yumaman." Sabi ni Minerva sa loob nya habang inaalis ang mga kamay ni Benedict na nakayakap sa kanyang katawan.

At lumabas agad sya ng silid na iyon at nagmadaling nagpunta ng banyo upang maligo. At habang nakatapat ang katawan nito sa shower, panay ang kuskos nito sa kanyang katawan.
"Nandidiri ako sa ginagawa ko! Pero kailangan!"

Sumunod na araw......

Isang hapon ay tinatawagan ni Kardo si Don Pablo ngunit naka off pa din ang cellphone nito hanggang sa nag expired na ang kanyang load.

"Benedict lalabas lang ako, magpapaload lang ako."

Nakaupo lamang si Benedict sa sala at malungkot itong nakatalungko.

Pagkalabas ni Kardo ay dumating naman si Clara,

"Ikaw? Normal ba ang pag iisip mo?" Tanong nito sa kanya.

Ngunit hindi sya kinikibo ni Benedict.

"Kung ako sayo kung may natitira pang kahihiyan sa iyong sarili ay bumalik ka na lang sa pinaggalingan mo." Nandidilat na mga mata na sabi ni Clara.

"Umalis ka na dito! Sabi ni Tiyo Kardo mayaman ka daw, pero hindi na ako naniniwala, siguro isa ka lang alila doon, mabait lang talaga si Tiyo Kardo kaya kinupkop ka nya dito, umalis ka na!" Sabi ni Clara.

"Umalis ka na!" Paulit ulit na sinasabi nito at naririndi si Benedict sa paulit ulit na sinasabi ni Clara.

Tumayo si Benedict at pa ika ikang lumabas ng pinto.

"Huwag ka ng babalik halimaw ka!"

At pagkalabas nya ay sinara agad ni Clara ang pinto. Nasa trabaho si Minerva at di nya alam na pinaalis na si Benedict ni Clara.

Nang nakalabas si Benedict ay di nya alam kung saan sya pupunta, naglakad sya ng naglakad. Pinag titinginan sya ng mag taong nakakakita sa kanya, at sa tuwing nakikita sya ay nag lalayuan sa kanya sa takot.

Naglakad ng naglakad si Benedict kahit wala itong direksyon.

Mahigit isang oras na syang naglalakad at napadpad sya sa mataong lugar, ramdam ni Benedict ang mga taong natatakot sa mga nakakakita sa kanya.

Kahit may hoodie sya ay napapansin sya dahil sa kakaibang lakad nya, kaya nasisilip ang kanyang mukha.

At sa di inaasahang pangyayari ay nakita nya ulit si Faith na nakatayo sa isang kalye upang tumawid, hinihintay na lamang nito ang go signal ng traffic light.

Habang naglalayuan ang mga taong nakakakita sa kanya ay bigla nyang tinawag si Faith.

"Faith!" Sambit ni Benedict ngunit hindi sya naririnig nito, hinabol nya si Faith at saktong nag go signal at tumawid si Faith, kaniyang sinundan si Faith ngunit naabutan sya ng stop signal, hindi marunong si Benedict tumingin ng mga traffic lights kaya kahit 'stop' ay tumawid pa rin sya at tamang may kotseng paparating at sya ay nahagip.

Napalingon si Faith nang narinig nyang parang may nasagasaan, at nang sya ay lumingon ay nakita nyang may na hit and run, kanyang nilapitan ang nakasadlak sa gitna ng kalsada at laking gulat nya nang nakita nya na ito ay si Benedict.

"Benedict!"

Humingi ng tulong si Faith sa mga tao, ngunit walang lumapit para tulungan sya, at nagkataon na nakita sila ni Kardo na naghahanap kay Benedict ng mga oras na iyon.

"Benedict?! Ano nangyari?!" Nag aalalang Sabi ni Kardo.

"Na hit and run po sya!" Naiiyak na sabi ni Faith.

Tumawag ng taxi si Kardo at dinala nila si Benedict sa pinaka malapit na ospital.

..........

Pagdating sa ospital ay agad syang ginamot sa ER.

Nagulat ang mga nurse at doktor sa kakaibang anyo nito.

......

Makalipas ang isang oras.

Nag aalalang nakaupo si Kardo at Faith sa waiting area at maya maya ay lumabas ang doktor.

"Kamusta na sya?"

"Medyo napuruhan sya at kailangan pa syang ma obserbahan." Sabi ng doktor.

"Sino po ba ang mag aako ng magagastos, malaking halaga ang kailangan dahil ilalagay sya sa Icu."

"Walang problema sa magagastos, tatawagan ko ang kanyang ama, di ko
lang makontak sa ngayon."

"Sino po ba ang kanyang ama?"

"Ang kanyang ama ay si Don Pablo Delfonozo."

"Don Pablo Delfonozo?" Nagtatakang sabi ng doktor, kilala ng doktor si Don Pablo dahil malaki ito mag donate sa ospital na iyon.

"Oo."

"Kailangang malaman nya agad ito." Sabi ng doktor at nag utos ng tao ang doktor na puntahan ang address ni Don Pablo para malaman nya ang nangyari sa kanyang anak.

..........

Bandang hapon nang nalaman ni Matilda at Don Pablo ang nangyari kay Benedict ay nagmadali silang nagpunta ng ospital ngunit hindi sumama si Dominic.

.........

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon