Nagising na sila Pablo at Donya Matilda at naupo sa dining area para mag almusal.
"Gisingin mo na ang mga bata para makapag almusal." sabi ni Matilda kay Lorena.
"Kinatok ko na po ang kanilang mga pinto at sasabay daw sila mag agahan sa inyo."
"Mabuti kung ganon." Sabi ni Don Pablo habang nagbabasa ng dyaryo.
"Parang isang panaginip ang nangyari kagabi, ang akala ko ay mawawala na si Benedict, nasasabik na akong makita sya," sabi ni Donya Matilda.
"Oo nga, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, ibang klase talaga ang benditas na yon!" Sabi ni Don Pablo.
"Salamat sa itaas! Ginamit nya si Kardo upang mabuhay si Benedict," masayang sabi ni Donya Matilda.Maya maya ay dumarating na si Benedict.
"Magandang umaga Papa, Mama!" Masiglang sabi nito.
Tumingin sila Don Pablo at Matilda at napagkamalan nilang ito si Dominic.
"Dominic, magandang umaga din sayo!" Nakangiting sabi naman ni Don Pablo.
"Maupo ka at hintayin na lamang natin si Benedict, magaling na sya." Sabi ni Donya Matilda.
"Mama, ako si Benedict!"
Napanganga ang mag asawa sa kanilang narinig.
"Ano? Dominic! huwag ka nga magbibiro?" Sabi ni Donya Matilda.
"Oo nga naman anak, ikaw talaga, huwag mo naman kami biruin ng ganyan, ikaw si Dominic diba?" Napailing na sabi naman ni Don Pablo.
"Ako talaga ito!"
"Kaya nga, ikaw si Dominic?" ulit na sabi ni Don Pablo.
At maya maya ay biglang dumating si Dominic.
"Ako si Dominic!" Biglang bungad na sabi nito at napatingin sya kay Benedict.
At namangha naman si Don Pablo nang nakita nya si Dominic, at di ito makapag salita sa labis na pagka mangha, at nang nakita naman ni Donya Matilda si Dominic ay biglang hinimatay ito.
"Matilda!" Nabiglang Sabi ni Don Pablo at binuhat naman ni Benedict si Matilda at inihiga sa couch. Pinainom nila ng tubig.
At maya maya ay nahimasmasan na ito. Nang dinilat nya ang kanyang mga mata ay nakikita nyang nakatingin sila Benedict at Dominic sa kanya.
"Mga anak?" Masayang sabi ni Matilda at pareho nyang niyakap ang mga ito, nakatulala naman si Don Pablo habang nakatingin sa kambal.
"This is really unbelievable!" Manghang sabi ni Don Pablo.
"Papa ang mga mata ko ay blue at si Dominic ay green!" Masiglang sabi ni Benedict.
"Yan ang palatandaan para di ako malito kung sino sa inyo si Benedict at Dominic!"
Masayang nakangiti ang kambal sa tabi ng kanilang ina.
"Pablo bakit nakatulala ka pa din dyan?" Nakangiting sabi ni Donya Matilda kay Don Pablo na kanina pa nakatulala.
"Wala akong masabi sa mga nangyayari!" Manghang sabi ni Don Pablo.
Pina alis na muna ni Don Pablo ang mga katiwala na nasa paligid maliban kay Lorena.
Pina alam ni Donya Matilda kay Lorena ang ginawa nitong pagtago sa libro at dahil sa kanyang ginawa ay sinuspinde na muna sya, at malungkot na umalis ng mansion si Lorena.
...........
"Di ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, magsasama sama tayong maglilibot sa buong mundo!" Masayang sabi ni Don Pablo.
"At pag hahandaan natin ang inyong nalalapit na kaarawan!" Masayang Sabi naman ni Donya Matilda.
Nakangiti ang kambal.
"Teka nakalimutan na nating mag breakfast!" Naka ngiting sabi naman ni Dominic.
"Oo nga pala haha!" Masayang sabi ni Don Pablo.
At masaya silang nag salu-salo ng agahan.
"Makakapaglibot na tayong magkakasama!" Masayang sabi ni Don Pablo.
"Kailan tayo aalis?" Tanong ni Dominic.
"Kailangan ko na muna bumalik sa Maynila para mapaayos ang inyong passport at isasama ko si Kardo, may ibibigay ako sa kanyang lupain."
"Sasama ako sayo sa Maynila Pablo, pinapapunta ako ng aking kapatid, hindi naman tayo magtatagal doon di ba?" wika ni Donya Matilda.
"Oo naman, at mga anak, huwag nyo isipin na iiwan ulit namin kayo ng mama ninyo, pagbalik namin ay aalis na tayo agad dito, magliliwaliw tayo sa buong mundo!"
"Sana Papa ay makabalik kayo agad, sabik na akong makalabas dito!" Ani Benedict.
"Sandali lamang kami, kailangan ko lamang matapos ang mga inaasikaso ko sa negosyo natin para kahit ilang linggo tayong magliwaliw ay walang problema, dumito na muna kayo delikado ngayon sa Syudad may mga gumagalang halimaw."
"Nabalitaan ko nga ang tungkol dyan, Nakakatakot!" sabi ni Matilda.
.........
At nakarating na sila ng Maynila.
"Kardo kailangang maayos mga passport ng dalawang bata, bukas aasikasuhin natin ang mga ipagkakaloob ko sayo." Sabi ni Don Pablo na nakaupo sa kanyang desk sa kanyang magarang opisina.
"Maraming salamat Don Pablo!"
"May kilala ka bang mga mag aalaga at makakasama ng aking kambal sa mansion? Para di sila mainip sa paghintay sa atin, ang gusto ko ay mababait at magaganda."
"Ah meron po, yung dalawang pamangkin ko, naghahanap nga po sila ng bagong trabaho eh."
"Ganon ba? Sige ipahatid mo sila kay Victor, ang gagawin lamang nila ay asikasuhin ang aking kambal para sila ay may makausap at malibang."
"Wala pong problema Don Pablo, pupuntahan ko na mga pamangkin ko ng maihatid ni Victor sa mansion."
"Syanga pala, alam mo ba kung saan makikita si Faith? Hindi mahanap ng mga inutusan ko, lumipat na daw ng tirahan."
"Nakita ko sya nung nakaraan, kami ni Faith ang nagdala kay Benedict sa ospital."
"Bakit di mo agad sinabi?"
"Pasensya na po, pero malapit sa Twin Tower sya nagtatrabaho, ako na ang hahanap kay Faith."
"Unahin mo na muna ang pamangkin mo dahil kailangan na nilang makapunta ng mansion, at saka mo hanapin si Faith, baka kasi pag awayan na naman nila eh,"
"Kayo po masusunod don Pablo."
............
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
HorrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!