Kumatok si Dominic sa silid ni Don Pablo, at laking gulat nya nang nakita niyang babae ang nagbukas ng pinto, at nakatapis ng puting tuwalya ang katawan nito, at ito ay ang sekretaryang si Roxane.
"Tuloy ka!" Nakangiting sabi ni Roxane.
"Nasan ang aking Papa?"
At biglang lumabas ng banyo si Don Pablo suot ang kanyang silk na kulay blue na bathrobe.
"Papa bakit kayo magkasama?" Nagtatakang sabi ni Dominic.
Umalis si Roxane, nagtungo ito ng bathroom, at nang nakaalis si Roxane ay nagpaliwanag si Don Pablo kay Dominic.
"Anak, singkuwenta anyos na ako, at kailangan ng aking pagkalalaki ang isang babae, hindi na gaanong naibibigay ng iyong ina ang aking pangangailangan, sana maunawaan mo, pero ang mama mo lamang ang mahal ko." Sagot ni Pablo.
Hindi makapaniwala si Dominic sa ginawa ng kanyang ama ngunit wala syang nagawa.
"Kamusta na ang mga bababaeng dinala ko sayo?" Nakangiting sabi ni Don Pablo.
"Bakit ganon papa, pumayag sila ng may mangyari sa amin pero ngayon ko lang sila nakilala?" Nagtatakang tanong ni Dominic.
"Haha, gusto mong malaman ang mundo diba? Kailangan kang mamulat sa mundong ito, at isa na ang tungkol sa mga babae." Nakangising sabi ni Don Pablo.
"Natatandaan ko, sabi ni Faith ay hindi ito minamadali pero ang mga babaeng yon ay...."
"Dominic, iba ang pagmamahal sa one night stand ok! Dapat malaman mo yan."
"Gusto ko si Faith, gusto ko sya makita."
"Pinahanap ko na sya, maghintay lamang tayo."
......
Samantala.
Nagising si Jamilla at Alexa, nakita nilang may nakahandang wine sa may lamesa, at sinuot nila ang kanilang bathrobe na puti. Umupo sila at kanilang ininom ang wine na may enigma.
"Napakasarap ng pakiramdam, mahal ko na si Dominic, ayoko na syang pakawalan!" Sabi. ni Jamila.
"Ano? Hindi maaari yan, sino ka ba para magustuhan ni Dominic! Kami ang bagay, ako ang gusto nya at di ko din sya pakakawalan!" Sabi naman ni Alexa.
"Mas gusto nya ako, kanina nung nagsisiping tayo ako ang madalas nyang halikan kesa sayo, kaya huwag ka ng mag ambisyon!" Sagot ni Jamilla.
At nag umpisa na silang mag away.
Habang nag aaway sila ay biglang pumasok si Dominic, at naabutan nyang nag tatalo ang mga ito."Akin sya, akin sya!" Mariing Sabi ni Jamilla.
"Hindi ako papayag! Akin si Dominic!" Sabi naman ni Alexa.
At napatingin sila kay Dominic nang naramdaman nilang dumating ito. Balak nila itong lapitan ngunit umatras si Dominic.
"Maaari na kayong umalis!" Biglang sabi ni Dominic.
"Hindi, hindi maaari! Akin ka lang! Akin ka lang!" Mabaliw baliw na sabi ni Jamilla.
At sabay nilang lalapitan si Dominic.......ngunit inaatrasan sila ni Dominic. "Umalis na kayo!" Utos ni Dominic. Ngunit ayaw umalis ng mga ito. Maya maya lamang ay biglang napahinto ang dalawang babae at tumitig sa kanya ng masama. "Bakit nyo ko tinitingnan ng ganyan?" Nagtatakang sabi ni Dominic. At bigla na lamang yumuko ang kanilang ulo, at lumugay ang kanilang mahahabang buhok mula sa pagkapusod nito, at biglang nag salita ng nakakatakot na tinig.
"AH-aaaa-aa-aa!"
Nagulat si Dominic sa ikinilos ng mga ito.
"Ano nangyayari sa inyo?" Nagtatakang tanong ni Dominic, ngunit nakayuko pa din ang dalawang babae. At maya maya ay nagbaling baling ang ulo ng mga ito, unang bumaling sa kanan at sumunod naman ay sa kaliwa, at biglang nagkakapilipit na ang kanilang mga daliri, sumunod ay ang kanilang mga katawan at nagkakabalubaluktot na rin ang mga ito, at biglang lumaylay ang kanilang ulo sa kanan.
Napaatras sa takot si Dominic sa kanyang nakita at napahiyaw sya.
"GUARD!!" Malakas na sabi ni Dominic, at narinig sya ng mga guard na nasa sa labas ng silid, at pumasok ang mga ito.
Laking gulat nila nang lumantad sa kanilang harapan ang nagkakapilipit na katawan ng dalawang babae.
Hindi makatinag ang mga guard, pati na rin si Dominic sa kanilang kinatatayuan, nakatulala lamang sila sa kanilang nakikita.
"Ano nangyayari sa kanila?" Natatakot na sabi ni Dominic.
"Sir, tumawag tayo ng doktor, baka may epilepsi ang mga yan?" Sabi ng isang guard."Pero bakit sabay sila?" Nagtatakang sabi naman ng isang guard.
Hindi sila agad makakilos dahil sa kanilang nakikita, at maya maya ay biglang may tumubong mga butlig sa mukha ng dalawang babae at nangitim ang mga balat nila. Maya maya pa'y nangulubot na ang mga balat nila kagaya ng balat ng puno, at biglang dumapa sa sahig na animo hayop, at nanlisik ang mga mata sa kanila.
"GRRRRR!"
At biglang dinamba ng dalawang babae ang dalawang guard. Bumunot ng baril ang isang guard at kanyang pinaputok kay Jamilla at kay Alexa, ngunit hindi tinatablan ng bala ang mga ito.
Natakot si Dominic at sya ay agad lumabas ng silid at nagtungo ulit sa silid ng kanyang ama.
"Papa buksan mo ang pinto!"
At binuksan ito ni Don Pablo.
"Bakit anak?"
"May nangyayaring masama sa dalawang babae!"
"Ano?" Sabi ni Don Pablo at balak nya puntahan ang mga ito ngunit pinigilan sya ni Dominic.
"Huwag papa, delikado!" Sabi ni Dominic at ni locked nya ang pinto.
"Ano ba ang nangyari?"
Hindi agad nakapagsalita si Dominic, at sumilip sya sa may bintana. Nakisilip na din si Don Pablo at Roxane at laking takot nila nang nakita nilang may lumabas na dalawang halimaw sa silid ni Dominic at gumapang ito ng malayo.
"Anong nilalang iyon?" Nagtatakang sabi ni Don Pablo.
"Ayoko na dito Papa umalis na tayo!" Sabi ni Dominic.
At nung mga oras na yon ay nagmadali nilang nilisan ang resort.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
HororThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!