Sa kanyang silid
Pinagmamasdan ni Dominic ang matitinik na bulaklak ng enigma, ang pagkaka alam lamang nya ay pampapangit ito, iyon lamang ang sinabi ni Jonah sa kanila ni Matilda.
"Ano kayang klaseng bulaklak ito? Bakit sa tuwing tinatapon ko ang mga ito ay nagbabalik pa din sa akin, at laging katabi ng benditas?" Nagtatakang tanong sa kanyang sarili, "Ngunit sinabi ng babae na kakambal ito ng benditas kaya hindi ito maaaring itapon, pero bakit hindi sinasabi ng babaeng iyon ang tungkol sa katotohanan sa enigma na ito?"
Hiniwalay na lamang ito ni Dominic at isinilid sa loob ng zipper ng kanyang clutch bag, at binalot naman nya ang benditas sa isang puting panyo at sinilid din nya sa loob ng kanyang clutch bag.
Nag bukas ng laptop si Dominic at inaral nya ang pag gamit ng internet, ayon sa kanyang nababasa ay maaring makita ang isang taong gustong makita sa social media, at doon ay nag open sya ng account ng isang apps at nang nakagawa sya nito ay hinanap nya ang pangalan ni Faith.
FAITH LORENZO
Tipa nya sa kanyang laptop at marami syang nakita magkakapareho ng pangalan hanggang nakita nya ang picture ni Faith.
......
Nakarating ng Maynila si Kardo at Benedict, ibinaba sila ng helicopter sa isang malaking bakanteng lote, at tumawag ng taxi si Kardo. Dinala nya si Benedict sa kanyang maliit na bahay. Mag uumaga na nang sila ay nakarating doon.
Binuksan ni Kardo ang pinto.
"Pagpasensyahan mo ang aking maliit na bahay."
Pinagmasdan ni Dominic ang bahay at puro luma ang mga gamit ngunit malinis ang paligid.
"Ok lang mang Kardo."
Maya maya ay may babaeng bumaba ng hagdanan.
"Tiyo Kardo nandito po pala kayo, mano po!" Sabi ni Minerva, pamangkin sya ni Kardo at caretaker sa kanyang bahay.
Nang nakita ni Benedict si Minerva ay nagtago agad ito sa ilalim ng lamesa.
"Dito na muna kami, wala kaming ibang mapupuntahan." Sabi ni Kardo.
Habang nakatago sa lamesa si Benedict ay nasisilip nya ang mukha ni Minerva at napakaganda nito.
"Benedict, lumabas ka na dyan, ipapakilala ko sayo ang aking pamangkin."
"Nakita ko na may kasama kayong bata, nasaan na sya?" Tanong ni Minerva.
Hindi agad makakibo si Kardo.
Ayaw pa rin lumabas ni Benedict.
Nagtataka si Minerva kung bakit nagtatago si Benedict sa ilalim ng lamesa, nilapitan nya ito at sinilip nya si Benedict na nagtatakip ng mukha.
Kinausap sya ni Kardo.
"Benedict, lumabas ka na dyan, ikaw ang may gustong umalis ng mansion, kailangan mong harapin ang kagustuhan mo, kailangan mo maging matapang," pakiusap ni Kardo. At doon ay lumabas na si Benedict. At kanyang tinanggal ang kanyang hoodie at nagkatinginan sila ni Minerva."Ahhhhh!" Napasigaw na sabi ni Minerva nang nakita nya ang kaanyuan nito.
"Huwag ka matakot!"
"Sino sya bakit ganyan ang itsura nya?"
"Sya si Benedict ang matagal ko ng inaalagaan bata pa lang sya, Pinanganak na syang ganyan."
"Yung sinasabi ninyong may malaking malaking mansion sa bundok?"
"Oo."
Napatingin muli kay Benedict si Minerva at sa sobrang takot ay nagmadaling umakyat ito sa taas.
Pag akyat ni Minerva ng silid at kinikilabutan sya sa kanyang nakita, nagising ang kanyang pinsan na si Clara.
"Ate Minerva bakit parang natatakot ka?"
"May mukhang halimaw na kasama ang Tiyo Kardo."
"Ano?"
"Oo, at mukhang dito sila magtatagal."
"Hindi kita maintindihan?"
"Ewan ko ba kay Tiyo Kardo, kung bakit nagdala pa dito ng hmp! At kung makita mo lang ang itsura ay para ka nyang kakainin ng buhay, nakakatakot syang tumingin at nakakadiri ang kanyang kaanyuan."
"Natatakot tuloy akong bumaba." Sabi ni Clara, at biglang pumasok si Kardo.
"At bakit kayo natatakot?"
"E tyong naman sino ba naman ang di matatakot sa itsura nya." Nagmamaktol na sabi ni Minerva.
"Wag kayo matakot, mabait sya." Pagkasabi ay bumaba na ito.
Pagkaalis ni Kardo ay nag usap ang mag pinsan.
"Diba mayamang mayaman ang amo ni Tiyo Kardo, may pag aari daw ng malaking kumpanya ng langis sa mundo?" Sabi ni Clara.
"Oo, at isa sila sa pinaka mayaman sa mundo, Don Pablo ang pangalan ng boss ni Tiyo Kardo,"
"Talaga bang nakakatakot ang itsura?"
"Oo, parang Alien!"
"Hmn? Pero sabi ni Tiyo Kardo dati, inborn na daw yon at mabait daw ang mga inaalagaan nya." Ani Clara.
"Oo nga pero nakakatakot talaga ang itsura, di ko matatagalan tingnan."
"Ano kaya kung magkagusto sya sayo, aba kapag nagpakasal ka sa kanya, magiging bilyonarya ka na!" Nagbibirong sabi ni Clara.
"Hmm, pero di ko kaya itsura nun, tingnan ko nga lang babaliktad na sikmura ko eh, yun pa kayang makakasiping mo gabi gabi ewe!" Sagot ni Minerva.
"Tiisin mo na lang kapag mayaman ka na, e di hiwalayan mo na."
"Hmn ikaw talaga, puro ka biro, ikaw na lang kaya, pero diba may kakambal yun? Ano kaya kung sayo na yung kakambal," pabirong sabi naman ni Minerva.
"Di bale na lang!" sabi naman ni Clara.
.......
Sinamahan ni Kardo si Benedict sa kabilang silid sa taas.
At nang napadaan sila sa silid ng magkapatid ay nasilip nila ito at nakita nilang nagtatawanan ang mga ito.
"Magpanhinga na muna tayo."
Hindi kumikibo si Benedict at iba ang kanyang nararamdaman.
...........
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
TerrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!