Sumunod na araw, pag gising ni Donya Matilda ay doon nya nalaman na wala si Benedict
"Nasaan na ang aking anak?"
"Hindi po namin nakita," Sabi ni Lorena at mga katiwala habang hinahanap nila ito sa buong mansion.
"Tawagin nyo si Victor, madali!"
"Eh wala po si Victor at ang helicopter!" Sabi ng isang katiwala na galing sa labas.
"Ano?"
"Siguradong kasama si Mang Kardo!" Sabi naman ni Lorena.
At maya maya ay may narinig silang dumarating na helicopter.
"Nandyan na ang helicopter!" Sabi ng lalaking katiwala at naglabasan sila ng mansion upang abangan ang pagbaba ng helicopter.
At paglapag ng helicopter ay panay ang tanaw ni Matilda para masilip kung nasa loob ng helicopter si Benedict, ngunit si Victor lamang ang nag iisang bumaba.
"Nasaan ang anak ako?"
"Senyora patawad po, nagpahatid sya sa Maynila."
"Saan sa Maynila? Saan?"
"Baka nagpunta kay Don Pablo?" Sabi naman ni Lorena.
"Hindi doon." Sagot naman ni Victor.
"Saan naroon ang aking anak?"
"Nagpababa sila ni Kardo sa bakanteng lote, narinig ko na pupunta sila sa bahay ni Kardo, nakita kong sumakay sila ng taxi,"
"Alam mo ba kung saan nakatira si Kardo?"
"Hindi ko po alam,"
Nangamba si Matilda.
"Dalhin mo ko ngayon sa Maynila! Ngayon din! Lorena ayusin ang aking mga gamit at sasama ka!"
"Opo senyora!"
At nang nakarating sila ng Maynila ay doon nalaman ni Don Pablo na umalis ng kanilang mansion si Benedict.
"Nasaan na kaya ang batang iyon, natatakot ako para sa kanya!" Nag aalalang sabi ni Matilda, habang nakaupo sa hapag kainan ng kanilang penthouse sa condo.
"Babalik din sya sa ating mansion, hindi nya makakayanan na mamuhay ng si Kardo lang ang kasama at wala silang mga pera, lalo na sa kanyang anyo, mararanasan nya ang lupit sa mundo,"
"Hanapin mo sya Pablo, maawa ka sa anak mo!" Nagmamakaawang sabi ni Matilda.
Maya maya ay dumating si Dominic.
"Mama nandito pala kayo?" Nakangiting sabi nito at nang sya ay makita ni Matilda ay niyakap nya ito.
Di pa rin makapaniwala si Matilda sa kakisigang taglay ni Dominic.
"Anak, nawawala ang iyong kapatid, umalis sya ng mansion."
"Mama, babalik din sya, huwag na kayong mag alala," wika ni Dominic at tumingin ito kay Don Pablo. "Papa, aalis tayo ngayon diba?"
"At saan kayo pupunta?" Sabi ni Matilda.
"Sa Cruise ship natin, gusto ni Dominic na mag scuba diving.,"
"Nakukuha mo pang magsaya ng wala si Benedict?"
"Anong gusto mong gawin ko magmukmok? sya ang lumayas! Matuto syang bumalik, halika na Dominic!" Sabi ni Don Pablo at sila ay umalis na, naiwang naghihinagpis si Matilda.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
HorrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!