Chapter 6

2.7K 85 4
                                    


Ng nakabalik ng silid ni Dominic si Faith ay nginitian sya nito ng sya ay makita.      

"Hi Dominic, nandito na ulit ako."     

"Halika kuwentuhan mo ako ng mga nangyayari sa labas." Nakangiting sabi ni Dominic.

Masayang naupo si Faith sa tabi ni Dominic, kahit ganon ang itsura ni Dominic ay di naging alintana kay Faith naging palagay ang kanyang loob dito at masaya silang nag kuwentuhan.

"Ano ang pakiramdam ng may kasintahan?" Tanong ni Dominic,

At ng sinabi ito ni Dominic ay naalala nya ang ex nyang si Brenton.

"Hmn, sa una napakasarap mag mahal,pero masakit din."

"Masakit bakit?" Nagtatakang tanong ni Dominic.

"Kasi kung malaman mo na yung taong mahal mo ay pinagpalit ka sa iba ay masasaktan ka."

"Matagal ko na nga gusto magkaroon ng girlfriend pero imposible na yun."

"Malay mo naman Dominic, mabait ka eh."

"Eh ikaw, posible bang magustuhan mo ako?"

"Ha eh, sa ngayon di ko masasabi, hindi kasi minamadali ang pag-ibig."

..........

Kinagabihan sa kanilang dinner.

Nakaupo si Don Pablo sa kabisera ng mahabang hapag kainan, sa kanyang kanan ay si Donya Matilda at katabi nito si Benedict at sa harap naman nila ay si Dominic at katabi nya si Faith.

Pinagsisilbihan sila ng mga katiwala.

"Mula ngayon ay lagi kayong makikinig sa bagong Governess, tuturuan nya kayo ng magandang asal at marami kayong malalaman tungkol sa outside world." Nakangiting sabi ni Don Pablo habang sila ay kumakain.

Habang nakaupo si Faith kaharap ang mga ito ay para pa din syang nananaginip, iba ang environment ng kapaligiran, Europian style at napakaraming pagkain ang nakahain sa lamesa.Pakiramdam ni Faith ay nasa ibang bansa sya.

"Ikaw Faith, ano ang iyong ginagawa bago ka napunta dito?" Tanong ni Don Pablo sa kanya.

"Ah katatapos ko lang po mag aral, naghahanap po ako ng trabaho at nakita ko po sa dyaryo ang tungkol dito."

"Mabuti at di ka umatras?" Sabi ni Donya Matilda.

"Ah hindi po, kailangan ko po talaga ng trabaho para matulungan ko mapag aral ang aking mga kapatid."

"Well mapag aaral mo na sila, good for you!" Sabi ni Matilda.

"Masaya ako at mayroon na akong kausap, alam nyo ba matalino si Faith at marami akong nalalaman sa kanya." Masayang sabi ni Dominic.

Hindi pa sila tapos kumain ngunit tumayo na si Benedict.

"Anak, tapusin mo na muna ang pagkain." Sabi ni Matilda.

"Wala akong gana!" Singhal na sabi ni Benedict at umalis na agad ito.

"Benedict!" Galit na Sabi ni Don Pablo.

"Hayaan mo na muna sya."

"Talaga po bang ganyan si Benedict?" Tanong ni Faith.

"Hay oo, mailap sya kahit kanino at parang galit sya palagi, pero mabait sya, kaya sana ay masanay ka sa kanya."

"Gagawin ko po ang lahat para magustuhan po nya ako."

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon