Samantala sa Maynila sa silid ni Jonah.
Pinagmamasdan nya ang kambal na bulaklak.
"Ayon sa libro ang matitinik ang enigma at ang mga benditas ang walang tinik, ito ang nakakapagpaganda at nakakapag paibig ng wagas at ang enigma ang pampapangit, ngunit nakakatakot naman kung ako ang gagamit nito, may kaakibat na panganib kapag ginamit ko ito.
Maya maya ay dumating si Fred.
"Jonah, nasan na ang sinasabi mong pagbebentahan? baka abutan ako ng kabilugan ng buwan, natatakot na ako."
"Ilang araw pa lang sa atin ito, at isang beses lang nagpakita ang estatwa, kapag ginamit kung sinoman sa atin itong benditas ay doon mag uumpisa ang lagim,"
"Kaya kailangan ng maibenta yan, kung hindi ay sabay ko ng susunugin yan!" Sabi ni Fred.
"Huwag! nakabalik na si Lorena nung isang araw pa, kayalang di ko matyempuhan sa kanila, sabi ng nanay nya di daw magtatagal ay babalik na agad sya sa kanyang trabaho, bukas pupuntahan ko ulit."
"Siguraduhin mo lang dahil hangga't nandito ang kambal na bulaklak na yan ay di ako mapapalagay." Balisang sabi ni Fred.
"Oo bukas na bukas din."
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
HorrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!