Sa Mansion.
Nagmumukmok sa isang sulok si Benedict ng kanyang silid.
Nagsisisi sya kung bakit nya pinaalis si Faith.
Pumasok ng kanyang silid si Dominic..
"Ano ang ginawa mo bakit mo sya pina alis? May problema ka ba sa kanya!" Galit na sabi ni Dominic.
"Naka alis na sya, wala na tayong magagawa!"
"Ikaw ang nagpalayas sa kanya diba, kase naiingit ka dahil mas malapit sya sakin kesa sayo!"
Tumayo si Benedict at aaktuhan nyang sasaktan si Dominic ng biglang pumasok si Kardo.
"Tama na yan!" Sabi ni Kardo habang pinigilan nya ang dalawa na mag away.
"Pababalikin ko si Faith dito, at hinding hindi ko sya ipapakita sayo!" Galit na sabi ni Dominic.
"Sige gawin mo, huwag ka lang magkakamali na makita ko sya dito, dahil paaalisin ko sya!"
At lumabas na ng silid si Dominc, at sya namang dumating si Matilda.
"Anong kaguluhan na naman ito?"
Hindi pinansin ni Dominic ang kanyang ina at nagpatuloy itong maglakad palabas mg pinto.
Kinausap ni Matilda si Kardo.
"Bakit sila nag away?"
"Pareho silang umiibig kay Faith."
"Wala na si Faith at di ko na sya pababalikin dito! Kalimutan na nila si Faith!"
"Tama lang ang ginawa mo senyora, dahil lagi lamang nila itong pag-aawayan."
"At hindi rin sila mamahalin ni Faith, inalok ko sya ng malaking halaga mahalin lamang kahit isa aking kambal ngunit hindi nya ito tinanggap, hindi nya kayang mahalin ang aking anak."
"Malapit na sila mag 21, at naghahanap na sila ng babaeng magmamahal sa kanila, pero papano ko maibibigay iyon!" Patuloy na sabi ni Matilda.....
.....
Nang mapag isa si Matilda sa kakaisip sa kanyang kambal ay pumasok si Lorena.
"Donya Matilda, maaari ko na ba kayong kausapin?"
"Ano ba ang nais mong sabihin?"
"May kaibigan po ako na gustong makatulong sa kambal."
"At ano naman ang kanyang maitutulong?"
"Sinama ko po sya dito para po makausap po kayo."
"Sige papasukin mo."
Lumabas si Lorena at tinawag nya si Jonah na nasa labas ng silid.Sinabi na rin ni Lorena ang tungkol sa kambal kay Jonah,
"Eto na po sya, si Jonah po."
"Magandang gabi po!"
"Ano ang maitutulong mo sa aking kambal?"
"Mayroon po akong hawak na bulaklak na makakapagbago ng kaanyuan ng inyong kambal."
"Hindi kita maintindihan?"
"Ang bulaklak po ay tinatawag na benditas, kapag ginamit ng inyong kambal ay baka magiging normal ang kanilang anyo."
"Baka? Ibig sabihin ay di ka sigurado?"
"Nasubukan po ito ng aking anak na babae, at kitang kita ko ang malaking pagbabago nya."
"May kapansanan ba ang iyong anak?"
"Wala po."
"Wala naman pala, papano makakatulong sa kambal ko yang sinabi mong bulaklak na yan."
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
TerrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!