Sumunod na araw ay nag umpisa ng magkaroon ng pagbabago sa balat ni Faith.
"Ano ang mga ito?" Kinakabahang sabi ni Faith habang nasa harap ng salamin sa loob ng banyo.
Pumasok si Dominic.
"Okay ka lang ba?"
"Ah oo, maliligo lang ako." Sabi ni Faith at tinakpan nya ng tuwalya ang kanyang latawan at kinukubli nya ang mga butlig sa kanyang likod, napansin ito ni Dominic.
"Ano yang tinatakpan mo?"
"Ah wala, baka na allergy lang ako."
Nilapitan sya ni Dominic, at nang nakita nya ito ay naalala nya si Clara na nagkaroon din nito, nakaramdam ng takot si Dominic ngunit di nya ito pinahalata.
"Tama allergy lang yan." Nakangiting sabi ni Dominic. Nang nakita nyang sumuong sa bath tub si Faith, sinabayan nya ito.
Nung hapon na iyon ay nakarating na rin sila Don Pablo sa Maynila.
Nagtungo sila sa kanilang condo unit.
"Saan natin sila hahanapin?' Nag aalalang sabi ni Matilda.
"Huwag ka mag alala makikita natin si Dominic."
"Baka ano mangyari sa anak ko!" Kinakabahang sambit ni Matilda.
"Tutulong ako sa paghahanap." Sabi ni Kardo.
"Kardo kailangan mong puntahan si Valentino, at ibigay ang librong ito sa kanya, para kanyang pag aralan, ito ang kanyang address."
"Ngayon din Don Pablo!"
"Nasabi ko na sa kanya ang tungkol sa libro na yan, iwan mo na lamang sa kanya yan."
"Nauunawaan ko po."
Samantala nakadungaw ng terrace si Benedict at nakakaramdam ng pagkabigo, si Faith lamang ang kanyang nasa isip.
"Anak, magpahinga ka na muna, halika at ituturo ko sayo ang iyong silid."
Pagpasok sa kanyang magandang silid ay nahiga agad si Benedict sa kama at inaalala si Faith,
.........
Lumipas pa ang ilang araw at dumadami na ang mga butlig ni Faith.
Nakamukmok si Faith sa isang sulok, nakaupo si Dominic sa kanyang tabi at nag aalala sya sa mangyayari.
"Bakit ako nagkakaroon ng ganito, bakit? Mangyayari na ba sa akin ang nangyari kina Minerva?"
Hindi makakibo si Dominic.
"Bakit pati ikaw, bakit?" Naghihinagpis na sabi ni Dominic.
Pumasok ito ng CR at humarap ng salamin.
"Babaeng Statwa magpakita ka?" Galit na sabi ni Dominic.
Ngunit tahimik ang Paligid at di ito nagpapakita sa kanya.
"Mangyayari din ba sa mahal ko ang ginawa mo sa ibang babae? Bakit si Faith? Layuan mo na kami!" Naghihiyaw na sabi ni Dominic ngunit hindi nagpakita ang statwa ni Kasandra.
.........
Sumunod na araw.
Nagkita si Don Pablo at ang eksperto sa kababalaghan na si Valentino.
Nabasa na ni Velentino ang libro.Nasa coffee shop sila.
"Ano ang iyong napag aralan tungkol sa libro?"
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra 5
HorrorThe Twin Tower Seduction Ang storyang ito ay malagim at mapusok. Enter at your own Risk! ? This is my original story. PLAGIARISM is a crime! Romance/Love Story/Love Triangle/Horror/Mystery PLAGIARISM IS A CRIME!