Chapter 56

1.2K 49 12
                                    

Kinagabihan, sa malaking Condo unit nila Don Pablo, naghihintay sila sa mga detective.

"Ang tagal naman nila? Nakita na kaya nila ang babaeng sinasabi ni Dominic?" Nag-aalalang wika ni Donya Matilda.

"Maghintay lamang tayo."

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang tatlong detective.

"Ano na ang balita, nakita ba ninyo?"

"Sir, pinuntahan namin sa club ngunit wala na doon ang babae."

"Ano?" Nag aalang sabi ni Don Pablo at nanlumo naman si Donya Matilda.

"Tinanong namin sa manager kung saan nakatira ang babae, at tiningnan ang kanyang bio data at binigay sa amin ang address."

"Ano nangyari?"

"Nung pinuntahan namin sa address na nakasulat sa kanyang biodata ay napag alamanan namin na hindi nito  totoong pangalan at address ang binigay nyang biodata sa Bar na iyon!"

"Kung ganon ay di nyo nakita ang babae?"

"Hindi pa Sir, pero kasabwat sya sa pagnanakaw, bigyan nyo kami ng panahon para makita namin ang babaeng iyon!"

"Ngunit kailangang makita sya sa lalong madaling panahon!" Nag-aalang wika ni Donya Matilda.

At nang nakaalis na ang mga detective ay nanlumo ang mag asawa at maya maya ay dumating na ang kambal.

"Ako ang hahanap sa kanya!" Sabi ni Dominic.

"Saan mo sya hahanapin?" Tanong ni Don Pablo sa kanya,

Nakaramdam ng kawalang pag asa si Dominic at nagpunta sa kanyang silid.

"Nalalapit na ang kaarawan nila, papano kung bumalik na sa dati ang kanyang anyo, papano ko sya maipapakilala sa mga tao, ito pa naman ang pinakahinihintay ko!" Nanlulumong sabi ni Don Pablo.

...

Sa silid ni Dominic ay naghihinagpis ito habang nakaupo sa kama.

Pumasok si Benedict sa silid ni Dominic.

"Tutulungan kitang hanapin ang babaeng yon!"

Ngunit hindi sya kinibo ni Dominic at nagtalukbong ito ng kumot.

At lumabas na lang ng silid si Benedict.

Makalipas ang isang oras ay di pa din makatulog si Dominic sa kakaisip, ilang beses ng tumatawag si Empress ngunit hindi nya ito sinasagot.

Lumabas ng silid si Dominic para uminom ng tubig at naabutan nya si Benedict na nakikipag video chat kay Faith sa laptop at nakaramdam ito ng selos.

Biglang nag isip ng di maganda si Dominic.

Pumasok si Dominic sa silid ni Benedict at hinanap nya ang benditas nito.

Ngunit di nya ito makita, at inalis nya ang unan at doon nya nakita ang nag-iisang talutot na lamang, hinawakan nya ito at minasdan.

"Kapag ginamit ko ito ay di na magbabalik ang aking anyo, patawad Benedict, ako na ang gagamit ng huling talutot na to, nasaktan na ako kay Faith at di ako makakapayag na laging ikaw na lang ang masaya, patawad Benedict!" Sabi ni Dominic sa kanyang loob.

At kinuha nito ng palihim ang huling talutot ng benditas.

.........

The Creepy Statue of Kasandra 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon