Kabanata 25

1K 18 5
                                    

This Chapter is not Edited.

LARA

Habang kumain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay sir Kenzo. Bigla kasi siyang nagalit sa akin kanina , hindi ko alam ang dahilan.May nagawa ba ako? O dahil pumasok ako sa bahay na basa pa? Pero sapat ba iyon na dahilan para sigawan at pagalitan niya ako ng ganoon, at sa harap pa talaga ni Chester?

Speaking of Chester, pagkatapos kong magbihis kanina ay nalaman kong umalis na rin ito. Hindi na ako nagtaka pa , siguro ay nag-angilan na naman ang magkapatid .Kaming dalawa lang ang  nasa hapag ngayon ,si kuya Romeo ay may kailangan lang daw asikasuhin kaya hindi siya sumabay sa tanghalian, bagay na ikinalumo ko dahil napaka awkward ng atmosphere sa aming dalawa ni sir ngayon . Kanina pa siya hindi nagsasalita , hindi ko rin naman mapilit ang sarili ko na unang magsalita dahil sa sitwasyon.

Tanging ingay lang ng mga kubyertos namin ang gumagawa ng ingay sa aming dalawa.

Ughh... Ano kayang problema ni sir? Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil hindi mawala sa isip ko na baka may ginawa akong di maganda.E pano ,ganito na lang kami? Hindi magkikibuan?

Napabuntong hininga ako , hindi naman aakto ng ganito si sir kung wala akong nagawa,dapat matanong ko na siya para agad akong makahingi ng tawad.

Nilakasan ko ang aking loob saka lumunok ng ilang beses bago maglabas ng salita.

"M-may ginawa po akong hindi maganda sir?" Pagtanong ko.

"What?" Walang emosyong balik-tanong nito at hindi pa rin natitinag sa kanyang pagkain.

Napangiwi ako , mukhang may nagawa nga ako..

" G-galit po ba kayo sa akin?" Tanong kong muli sa kanya.

Ilang saglit ang lumipas bago nito ibaba ang kanyang kutsara ,saka nagpakawala ng malalim na hininga. " I-I'm sorry ... Sorry dahil nasigawan kita. I was just irritated,a-alam mo naman siguro kung ano ang meron sa aming dalawa ni Chester,right? "

Tumango ako .

So , hindi naman pala talaga galit sa akin si sir? Salamat naman ,parang nabunutan tuloy  ako ng tinik !

"Again ,sorry." Dagdag niya pa .

" N-nako sir ! Ayos lang po , akala ko po kasi galit kayo sa akin kaya..."

" No, of course . First, wala ka namang ginawang mali, you were just walking around looking so fin---- I-I mean , basang basa ka kanina , nabasa mo yung sahig , paano kung nadulas ka ? " wika niya.

Luh,nag aalala sakin si sir Kenzo?Napataas ang aking kilay , " N-Nag-alala kayo sakin sir?"

Bahagyang namulat ang mga mata nito ," H-ha? No--- I mean ,yes! Paano kung ma injured ka rin? Edi parehas tayong naka- wheelchair na?" Sabi niya.

Ay, nag assume ako, oo nga naman may point siya ... Bigla tulog akong nahiya.

"Hehe ,o-oo nga po ano? Haha!" Sabi ko habang pilit na ngumingiti upang hindi halata na napahiya ako. Akala ko ba naman nag alala siya sa akin e.

Okay lang , atleast alam ko na hindi galit sa akin si sir, hindi na ako mag aalala!

Kapwa na lang naming ipinagpatuloy ang aming pagkain. Hindi na rin pa ako nagsalita dahil busy ang bibig ko sa kakanguya. Ang sarap kasi ng mga pagkain na inorder ni sir!  Grabe , lalo na yung caldereta ,ang sarap!

"Mukhang nag eenjoy ka ah? How was the food?" Nakangiting tanong ng aking amo.

" Nangusurmaserup shupur!" ( a/n: 'Nako sir,masarap super !' )

Maid For The BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon