Kabanata 13

2.3K 53 2
                                        

A/N: Nagkaroon ng problema sa mga chapters .. kung mapapansin nyo medyo mahaba ang update na ito, because i accidentally deleted chapter 12... nagka- rumbled ang mga chapters ,so pinasama ko na lang yung chap 12 sa 13, I just made the chap 12 shorter para di masyadong mahaba ang chapter 13..nakakalungkot lang kasi pinagpuyatan ko iyon tapos mawawala ರ⁠╭⁠╮⁠ರ  

By the way,this chapter is not Edited...Again..


LARA




"This is Jess, our greatest make up artist here at Glamóurs Salon " pagpapakilala ni sir Sebastien sa isang babae matapos kaming pumasok sa isa sa mga salon dito sa kanyang mall.

Mas maliit ang babae sa akin ng kaunti ,straight ang buhok nito na lagpas balikat lang ang haba at naka-full bangs din na halos matakpan na ang kanyang mata, kaya hindi ko gaanong makita kung anong itsura nito.Nakasuot ito ng kulay violet na uniform na parang sa mga nurse,pa-pants at blouse.Napaka simple lang ng kanyang aura.


"Jess ,this is Lara. I'll leave her to you." Nakangiti nitong turan kay Jess.

"Y-yes , boss." Medyo mahina nitong sabi.

Napakahinhin ng boses nito .Napansin ko rin ang biglaang pag iwas nito ng tingin kay sir Sebastien.Anong meron?

" Sige , alis na ako.Lara , please make yourself comfortable,okay?" Pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin ay tinuon naman niya ang kanyang pansin kay Jess." Good luck,and after her ,make your schedule free for later ,ako naman ,got it?"


Tumango lamang si Jess ,nginitian naman siya ni sir Sebastien,at saka umalis na rin ito.


Naiwan kaming dalawa sa loob ng silid.

"Ahm,hello! Ako po si Lara." Pauna kong salita.

Bahagya itong yumuko sa akin,"J-Jess.Assitant make up artist po dito sa salon .."

Pagkatapos noon ay bigla na namang tumahimik . Sa tingin ko ay napaka mahiyain nitong si Jess,napaka tipid magsalita.

"S-simulan na natin?" Tanong niya sa akin.

Napangiti ako sa kanya ." Sige.."

Muli ako nitong tinapunan ng ngiti bago maglakad patungo sa isang pinto,sumunod na lang din ako.Pagpasok ko ay agad na tumambad sa akin ang loob ng isang silid  na tulad ng mga salon na alam ko ,mas pinagarbo nga lang ng sobra.

Napaka liwanag at may mga malalaking salamin.Ang palid ay punong puno ng mga pampaganda tulad ng make ups,mga pang hairstyles at iba-iba pa,sa unang sulyap pa lamang sa mga kagamitan ay garantisadong mamahalin ang mga ito.

Napansin kong inaayos ni Jess ang upuan kung saan niya aayusan.At nang matapos ito ay agad niya akong tinawag.

"Ma'am,dito po, please have a seat."aniya.

"Sige ,salamat.."

Agaran akong tumungo at umupo sa upuang inihanda niya.Sa aking harapan may isang malaking salamin na pinalilibutan ng mga ilaw sa frame nito,sa sobrang liwanag ay kitang kita ko mga pores ko!

"Magsimula na po tayo?" Mahinang paalam nito.

"Ah,p-pwede bang huwag mo na akong i-po  ,o ma'am? Kung nakikita mo ay hamak lang akong katulong dahil sa suot ko.."Nahihiya kong wika.

"P-po? E kayo po ang date ngayon ni Mr.Villanueva hindi po ba? "

Napakamot ako," Bale kasi ,ginawa niya lang a akong date para iwas hussle,gan'on .."

Maid For The BILLIONAIRE Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon