Warning!! 18+ ,read at your own risk!! ಠ_ಠ
This chapter is not Edited! ♪~('ε` )
LARA
Matapos kaming ihatid ng isang security personnel sa isang private room dito sa mall ay agaran rin itong umalis.
Dahil sa kalasingan ni sir Kenzo ay hindi na kami hinayaan pa ni sir Sebastien na umuwi ,tutal naman daw ay may matutuluyan kami.Hindi na kami pa nasamahan ni sir Sebastien dahil rin sa sobrang busy nito kaya ang ending , kasama ko ngayon sa iisang kwarto ang aking amo para daw may magbantay.
Parang hotel style ang kwartong ito,malaki, mayroong living room, tapos may mini kitchen, may C.R at isang malaking kama.Nakabukas din ang kurtina na panakip sa napakalaking bintana ,kitang kita mula roon ang malaking tanawin ng siyudad.
Si sir naman ay nakahiga lamang sa kama , lasing na lasing ni hindi na kayang magpalit ng sarili niyang damit. Mayroon rin naman daw mga pampalit ng damit rito,para sa akin at para kay sir Kenzo,pero bago ako magbihis ay uunahin ko muna siya,mukhang hindi ito komportable e.
Kumuha ako ng puting tshirt mula sa dambuhalang cabinet ,pagkatapos ay tinungo ko na siya. Umupo ako sa kama malapit sa kanya ,at doo'y nasilayan ko na naman ng malapitan ang gwapong mukha nito.Namumula at halatang malalim ang tulog,medyo naghihilik pa nga. Napangiti ako ng bahagya habang pinamamasdan ko ito, maamong maamo ang mukha niya kapag tulog ,napaka inosente.
'Sana lagi ka na lang tulog ,sir.'
Hindi ko mapigilang mapahagikhik . Hindi ko namalayang gumalaw nang kusa ang aking kamay at hinaplos ang mukha ni sir Kenzo. Tulog naman ito, siguro nama'y hindi niya malalaman.
" Yawa naman,sir ang pogi mo.." mahina kong sabi sa kanya.
Nag-eenjoy pa ako sa paghaplos ng mukha nito nang bigla itong umungol .Nagulat ako at mabilis kong iniwas ang aking kamay . Pero huli na ang lahat, ang sumunod ko na lamang na nalaman ay hawak na niya ang aking kamay at nakatingin na sa akin ang mapupungay nitong mga mata.
Ay nako naman,patay!
"Hmm... touching me when I'm defenseless.Ang manyak mo naman." Garalgal ang boses nito na nakapagkalabog ng aking puso.
Uminit ang aking mukha dahil nakakaakit masyado ang mga tingin nito. Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magsalita dahil parang nalunok ko na ang sarili kong dila sa kaba.
"What are you doing?" Tanong nito sa akin.
Tumikhim ako at huminga ng malalim bago magsalita." A-ah,kasi sir papalitan ko sana ang pang itaas mo ,m-mukhang hindi ka komportable e." Sagot ko sa kanya,hindi pa rin ako makatingin ng deretso sa dito.
"Hmm,okay," ika nito sabay iniangat ang katawan para umupo sa kama." Goods, I can't change my clothes by myself, you do it." Utos niya sa akin.
Napaglakihan ko ito ng mga mata." A-ano sir? Bakit ako? G-gising ka naman na po."
" I can't move well, nanlalata ako,so please?" Ika nito habang nakangiti sa akin.
"S-sir naman e.." kabado na ako masyado.Bakit kailangan niyang magpabihis pa sa akin? Mukhang inaasar na ako nito.
" Please,Lara." Pasunod niyang sabi na sinamahan pa ng pagnguso.
Shemas.
Nagsalubong ang aking kilay dala ng pag iisip.Hindi ko alam kung sasakyan ko pa ang trip nito,pero sa totoo lang parang nagsasabi naman siya ng totoo,kung titignan ko ng maigi,halatang lasing na lasing pa ito at mukhang nahihilo ...Gagawin ko ba?

BINABASA MO ANG
Maid For The BILLIONAIRE
RomanceA simple probinsyana girl named Lara ,is the newest maid in Villanueva 's mansion.At first,her one and only goal is to work harder and give her family a good life...But being the personal maid for Kenzo Villanueva, what else will she earn? ----- N...