Kabanata 10

1.9K 29 1
                                    

LARA



"SIR may kailangan ho ba kayo? " tanong ni Aling Kusing.

Umiling si sir Kenzo. "Ah, yes. May pupuntahan ako ngayon, and Lara, sumama ka sa akin. " baling nito sa akin, agad na lumuwa ang mga mata ko.

"A-ako sir? " duro ko sa sarili ko.

"Did you not heard what I said? Ang sabi ko, Lara, hindi ba? " sarkastikong turan nito.

Napakagat labi na lang ako sa inis. Kung may kapangyarihan lang ako ay baka nabato ko na siya ng kung ano!

"E-eh sir bakit ako? " takang tanong ko.

"Nakalimutan mo na ba, Lara? You're my personal maid hindi ba? And I need you to come with me, now" seryoso nitong sagot.

Ay nako, oonga pala! Bakit ko nakalimutan iyon? Shete pesos naman ! Bakit naman kasi ako naging personal maid?

"Ha? Personal maid? " singit ni Aling Kusing sabay lingon sa akin.

"What? Hindi niya sinabi sayo? " taas kilay na tanong ng amo namin.

"Hindi sir eh.. " nangingiting sagot nito sa sabay nilakihan ako ng mata. Ako naman ay binigyan siya ng pilit na ngiti.

Alam ko ang nasa isip nito, at alam ko ring deep inside ay kinikilig ito.

Naman!

Maya maya pa ay narinig namin ang mahinang buntong hininga ni sir. " Okay, Lara get ready. "

"P-po... Ah, ano ano po ang kailangan kong dalhin, ganoon? "

"I'll text you " tipid nitong turan sabay ngiti sa akin at saka umalis.

Naging tahimik ang buong kawarto. Ang daming tumatakbo sa isip ko, pino-problema ko pa 'yung nangyari kagabi , tapos ay nadagdagan pa! Ano bang nangyayari naman kasi sa akin? Nagkarambol-rambol na lahat! Hindi lang utak ko, pati rin pala nararamdaman ko, arghhh!


Napasabunot na lang talaga ako sa sarili ko.

"Ahem... " pagpapapansin ni Aking Kusing.... Oo, isa pa nga ito.

"Ngayon hija, personal maid? Hmm? "

"He he he.. " pilit akong ngumiti sa kanya.

Yawa naman o...

~~~~~~

"LARA! " sigaw ng mahangin pero pogi kong amo.

"Ay sir! Ito na! Ito na! Wait! " sigaw ko pabalik.

Nakalimutan ko kasing kunin yung ibang folder na pinapakuha niya! Ang sabi niya kasi nasa ibabaw lang ng desk niya eh wala naman! Nasaan ba kasi!


"Lara, I'm late! Nasa ibabaw lang naman kasi ng desk ko, bakit hirap na hirap kang hanapin?! " sigaw muli nito, nasa baba na kasi ito kaya nagsisigawan kami.

Hayst! Napakadaming folder dito, paano ko malalaman eh ang binigay niya lang naman na clue ay ang 'short folder lamang iyon'. Paano ko malalaman aber? Tatlo ang short folder dito?!


"Lara! "

Hay nako, dalhin ko na nga lahat! Bahala na!

Pagkatapos kong ilagay ang mga folder sa kanyang suit case at agad akong tumakbo pababa, at doon nga'y naabutan ko si sir Kenzo na pa ulit-ulit na tumitingin sa kanyang relo.

Maid For The BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon