This Chapter is not Edited (✿ ♡‿♡)
LARA
Naglakad lang kami ng ilang sandali ni sir Kenzo sa pasilyo patungo sa event center ng mall na ito.Medyo nananakit na ang sakong ko kakalakad dahil sa heels,tapos ang bilis pang maglakad ng amo ko! Hindi naman ako makapag reklamo dahil syempre,anong karapatan ko? Malamang ay titiisin ko ito ng sobra ngayong gabi.
Iginala ko na lamang aking mga mata sa paligid upang malibang ang sarili,at wala akong ibang masasabi kung hindi napaka ganda at grande ng lugar na ito.Wala na kami sa may bandang shopping center, parang isang malawak at mahabang entrance na lamang ang dinadaanan namin ,puno ng iba't ibang uri ng mga palamuti at mga halaman.Agaw pansin din ang transparent na bubong na dahil gabi na'y matatanaw mo na ang mga butuin sa kalangitan,napangiti ako sa ganda noon.
Dahil sa pagkamangha ay natapakan ko ang laylayan ng aking suot at muntik na akong matumba,ngunit hindi ko alam kung bakit nalaman agad iyon ni sir Kenzo at agad akong nasalo! Pumulupot ang matipuno nitong braso sa aking beywang at ramdam ko ang higpit nang kanyang bisig.
Napatingin ako sa mukha nito na noo'y nakatingin din sa akin.
" You're so clumsy.." walang emosyon ang tono niya.
Nakagat ko ang aking labi saka tinulungan ang sarili na kumawala sa kanyang pagkakahapit at tumayo ng maayos.
"P-pasensya na sir.."
"It's okay,be careful next time," turan niya sa akin saka naglakad uli," tara na.."
"Ok sir.."
Nagpakawala ako ng buntong hininga saka nagsimula ng sumunod sa kanya.
Napansin kong habang patagal ng patagal ay dumadami na ang mga kasabay namin sa paglalakad . Naggagandahan at naga-gwapuhan ang mga ito sa kani-kanilang mga suot.
Hindi ko rin maiwasang magtaka kung bakit pinagtitinginan ako ng mga taong ito, may mali ba sa itsura ko? Hindi na tuloy maganda ang pakiramdam ko ,may kutob ako na alam nilang katulong lang ako ,malamang kasi kumalat na ang balita.
"Hey.."
Halos malaglag ang puso ko ng biglang may magsalita mula sa aking likuran.
"Ah, sorry if I scared you.." ani ng isang matangkad na lalaki,naka asul na tuxedo ito,blonde ang buhok ,matangos ang ilong at napakagwapo ,para siyang modelo.
Ano ang pakay sa akin nito? At bakit niya ako sinasabayang maglakad?
Ngumiti ito sa akin." I'm Arthur by the way,i heard date ka ngayon ni Kenzo,and you're he's maid. Akala ko ,nahihibang lang si Kenzo,why would he date his maid? " bahagya itong tumawa.
Napataas ako ng kilay, andito ba sya para ipahiya ako ? Ikinuyom ko ang aking mga palad , hindi ko alam kung anong isasagot o sasabihin ko sa kanya kung sakaling simulan niya akong hamakin.
" But now, I understand...If I have a maid like you, a goddess, panigurado ide-date din kita." Wika ni sakin sabay kindat.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Sinabi niya bang, goddess? Ako? Pinuri ako nito?Ayokong mag- assume pero otomatikong namula ang aking mukha.
Patuloy pa rin ako nitong sinasabayan, nagsasalita pa rin ito pero karamihan ay di ko maintindihan dahil masyado na siyang slang at malalalim na ang kanyang ingles,kaya nanatili akong tahimik..
" Ang sinasabi ko lang, gusto mo bang sa akin ka na lang magtrabaho , kung magkano ang sahod mo sa Villanueva,dodoblehin ko---- no ,triple." Alok nito sa akin ,medyo nang aakit na ang tono nito na kinakaba ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/138482882-288-k638412.jpg)
BINABASA MO ANG
Maid For The BILLIONAIRE
RomanceA simple probinsyana girl named Lara ,is the newest maid in Villanueva 's mansion.At first,her one and only goal is to work harder and give her family a good life...But being the personal maid for Kenzo Villanueva, what else will she earn? ----- N...