Kabanata 3

3.1K 55 4
                                    

LARA

HINDI ko maiwasang maikuyom ang aking mga kamao ng nalaman kong pinapatawag na ako ng aking amo sa kanyang kwarto.Naiinis pa din ako dahil sa sinabi niya sa akin kagabi.

'I want you to be my personal maid...'

Phwe!

Personal maid daw? May ganoon pa pala ngayon?

Hindi naman ako nagrereklamo, ang akin lang ay alam ko kung bakit niya ginawa iyon, 'yon ay para pag-tripan ako! Sa unang pagkikita pa lang namin ay alam kong wala na itong magagawang maganda sa buhay ko, syempre bukod sa pagpapasahod sa akin! Pakiramdam ko sa pananatili ko dito ay puro sama ng loob ang ipaparamdam niya sakin, nakakainis!

Maaga akong nagising para sana makagawa ng dapat kong gawin at matulungan si Aling Kusing dahil nag iisa lang siya dito.Nakwento.nita rin kasi sa akin na yung mga kasamahan niya dati ay nagsipag-retiro dala na rin ng katandaan.Kaya ng umalis yung kahuli-hulihan niyang kasama ay di siya nag atubilang tawagan si mama.Ayaw ko namang malayo si mama sa kapatid ko kung siya ang magtatrabaho dito kaya nagprisinta na lang ako na ako na ang luluwas.

Sa pag iisip ay di ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng kwarto ni sir Kenzo.Iba pa 'to sa kanyang office room,pero halos magkatabi lang.

Bago kumatok ay ilang beses kong kinumbinsi ang sarili , wag akong magpadala sa mga pang aasar ng amo ko at baka mapatulan ko pa ito ,mawalan pa ako ng trabaho.Inayos ko rin aking uniporme para maging komportable ako.

Napaka-lalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at nag sign of the cross ,pang- extra protection dahil malakas ang loob ko na impyerno ang papasukan kong kwarto.

Kumatok ako ng tatlong beses at nagpakilala sa kanya.

Laking gulat ko ng wala pang ilang segundo ay biglang bumukas ang pinto nito,automatic! Umawang ito ng kaunti, kaya kailangan ko pa ring itulak ito.Pagpasok ko ay lumingon-lingon ako sa paligid at saka hinanap si sir Tukmol, pero parang wala siya.

Iginala ko pa ang aking paningin sa kabuuan ng kawarto niya. At muli ay namangha pa rin ako ,pero hindi ko na hinayaang magtagal pa ang paghanga ko.Mabilis kong binaling ang atensyon ko sa mga dapat gawin , at agad ngang napukaw ng atensyon ko ang kama ng Tukmol.Ang nasa isip ko lang ay matapos ko lahat ng dapat kong gawin dito para mabilis akong makaalis.

Tinungo ko ang kama at inayos iyon ng inayos.Magmula sa unan ,kumo't ar kobre-kama.Maging ang bawat sulok ng kawartong ito ay di nakaligtas sa akin.At saka, mukhang malinis naman sa kawartong ito si sir kaya di ako gaanong nahirapan.

At dahil focus ako sa ginagawa ko,inabot lamang ako ng ilang minuto at agad ay natapos ako.

"Ayos!" Nakangiti kong wika dahil pakiramdam ko ay na-satisfied ako sa aking nagawa. Ganoon kasi ako, gusto kong natatapos ng maayos ang lahat ng ginagawa ko , kapag nagiging maganda ang resulta ay natutuwa ako.

"Good job."

Halos atakihin ako sa puso ng sandaling makarinig ako ng tinig mula sa likod ko.At ng lingunin ko ito at mapagtanto kong si Tukmol iyon ay agad na nag init ang ulo ko------- pati rin pala ang mata ko!

Basa ang buhok nito pati ang katawan, nakatapis lang ang bandang baba nito kaya nakahain sa akin ngayon ang kanyang six-pack abs at matipunong dibdib.At dahil nga basa sya na tila ba parang bagong ligo , ay nakapagdagdag pa iyon ng init sa akin. Shemas ang bango niya pa!

Oo,literal na nasa impyerno ako, dahil sobrang hot niya----- HA?!

Teka! Mali mali,di tama to! Galit ako sa kanya di ba? Di ba Lara, galit ka sa kanya? Bakit ganito?

Maid For The BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon