Kabanata 2

3.9K 59 0
                                        

LARA




"HA? Teka magkakilala kayo?" Takang tanong ni Aling kusing.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon , 'yung tukmol na nakaalitan ko kanina lang ay nasa harap ko ngayon ,ang plot twist ay sya pala ang magiging amo ko! Tadhana naman o bakit naman ganito?!

Anong gagawin ko ngayon?!

"Y-you 're the--" ani ng tukmol sabay duro sa akin ." Aha..AHAHAHAHAHHA!"

Nagtinginan kami ni Aling kusing, parehas kaming nagtataka sa nagiging reaksyon ng tukmol. Para itong bata kakatawa, well kung siya ay natutuwa, p'wes ako , hindi, naiinis ako!Sa lahat lahat ng pwedeng maging amo ko ay ito pang tukmol na ito!

Nakakainis!

"A-ah, sir? Ayos lang ho ba kayo?" Tanong ni Aling kusing.

"Ahahah! O-oo naman Aling kusing ! Great, great Aling kusing! Pinatawa mo ako ng matindi ngayon !" Wala pa rin itong tigil sa kakatawa at halos maiyak na.

Anong great dito!ANONG GREAT! Ni hindi ko alam kung paano ako magrereact ! Gusto ko s'yang sapakin, pero paano? Wala na akong ibang kayang gawin ngayon kundi ikuyom ang kamao ko sa inis.Pinapainit nya talaga ang ulo ko!

"Sir,hindi ko maintindihan." Ani Aling kusing.

"D-don't mind it , Aling Kusing. Natutuwa lang ako sa iyo ngayon." Ngiti nito sa kanya, pagkatapos ay tumingin muli sa akin. " I think I want to have a word with this young lady, you know, just a little interview?" Ngumiti ito sa akin sabay nagka-gat labi.

Ew.

" Ah ,sige po sir,aalis muna po ako." Wika ni Aling kusing.

"H-ha?A-alis po kayo Aling kusing?Iiwan nyo po ako dito?" Kabado kong tanong dito.

"Oo ineng, kakausapin ka lang naman , gaya ng ibang mga trabaho, kailangan kang interview-hin."bulong nito sa akin.

"H-huwag po, di naman po siguro kailangang umalis kayo hindi po ba?" Tinitigan ko si Aling kusing na tila ba nagsasabi na 'huwag kang umalis,please..'

"Ahaha ano ka ba? Mabait iyang si sir." Kumpyansang sabi sa akin nito.

Naku po ,Aling kusing, pakiramdam ko po ay 'di ako ligtas dito!Huhu.

"Oo nga naman, MISS, Lara,I won't bite you." Nang aasar na wika ng tukmol.

Tinitigan ko ito ng masama, habang sya naman ay kumindat sa akin ,napangiwi ako sa ginawa nya.Napakahangin talaga!

"Ah sige na , Lara, sir, gagawa na po ako ng gawain ko." Paalam ni Aling kusing saka ngumiti sa akin ,sabay alis na.

'Huwag mo akong iwannnnn'

Napakagat labi na lang ako ng isinara ni Aling kusing ang pinto at tuluyan ng naiwan kaming dalawa ng tukmol na ito sa loob ng malamig na silid.Ramdam na ramdam ko ang nakakainis na ngisi ng lalaking ito kahit na nakatalikod ako dito.

"Soooo, hmm. Ikaw pala yung ipinasok ni Aling kusing? Miss Naked?"

Humarap ako dito at tama nga ako, suot-suot nya pa rin ang nakakainis nyang ngiti sa akin. "A-ako nga po. Ako nga po ang pinasok niya, pero ngayon po na alam n'yo na po ang pangalan ko, pwede pong huwag nyo na akong tawaging, 'miss naked'?" Lakas loob kong sabi dito.

"Pinapangunahan mo ba ako sa gusto kong itawag Sayo?" Tumayo ito kinauupuan ko saka nagpalakad lakad sa harap ko.

"Hindi po, sir, nagrerequest lang po." Walang emosyon kong sagot ko dito.

Maid For The BILLIONAIRE Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon