Kabanata 29

1.2K 17 16
                                    

Not edited ...

Lara



"Lara?"

Halos malaglag ang puso ko nang may narinig akong tumawag sa akin--- si aling Kusing.

"Ay ,b-bakit po?"

"E kasi , kanina mo pa hinuhugasan ang nag iisang plato na iyan hindi ka pa matapos tapos.." ika niya habang natatawa.

Nanlaki ang mga mata ko ng ma- realize ko na sa sobrang lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko namalayan na iisang plato na lang pala ang hinuhugasan ko." Pa-pasensya na ,hindi ko napansin,hehe."


Napabutong-hininga si Aling Kusing,"Halika  muna nga ineng mag usap tayo , kaninang umaga ka pa ganyan e." Aya nito sa akin saka pumunta sa dining area at doon umupo .

No choice naman ako kaya sumunod na lang ako, kahit alam kong pag sasabihan ako nito ,alam kong alam niya kung anong nangyayari.

Umupo ako sa kaharap na upuan nito habang pinaglalaruan ang aking daliri dahil sa kaba,para kasing nasa hot seat ako.

" Ano exactly ang meron sa inyo ni Sir ,Lara?" Seryoso nitong sabi.


Napasinghap ako sa prangkang tanong nito.Bigla tuloy kumalabog ang dibdib ko, alam ko kasing mali yung meron sa amin ni sir ngayon kaya kabang kaba ako na baka pagalitan ako  nito.

"Umm.."

Ilang saglit kaming  tumahimik, at nagpakiramdaman. Alam kong hinihintay ako ni Aling Kusing na sumagot,pero hindi ko kayang magsalita.

Maya maya pa aya narinig ko ang mahabang pagbuga ng hininga nito." Sabihin mo na sa akin Lara.." seryoso muli nitong wika.

Napalunok ako ,alam ko kasi na hindi matatapos ang interogasyong ito kung hindi ako magsasalita,halatang halata na gusto ni Aling kusing na marinig ang sasabihin ko ,hayy.

"S-sabi niya,mahal daw po niya ako." Mahina kong sabi.

Pinangsikatan ako nito ng mga mata," tapos?"

Napakagat ako sa aking labi,"m-mahal ko rin po siya,a-aling kusing."


Matapos kong magsalita ay napapikit ako ng mariin, hinihintay ko na lang ang katakot takot na sermon sa akin nito at inihanda ko na ang sarili ko.Pero lumipas na ang ilang sandali,ni wala pa rin itong sinasabi, sumama kaya ang loob nito?

"Pff..."

Pff?

Na-curious ako bigla sa kung anong reaksyon ni Aling kusing kaya bahagya kong binuksan ang mga mata ko.Pero nagulat ako ng makita ko ang ekspresyon niya! Nakatakip ang kamay nito sa kanyang bigbig ,halatang pinipigilan ang pagtawa , namumula rin ito! Anong nangyayari?

"A-aling kusing?Ayos lang po ba kayo.."

"Ahem.." aniya saka inayos ang sarili. " Mahal ka niya,mahal mo siya? Edi ,kayo na?" Derekta nitong tanong sakin.

Dapat ko bang sabihin? Nag aalangan pa rin ako e .." P-parang...Ganun po ,pero---"

"Yes!!!" Sigaw nito sabay tayo mula sa oagkaka upo at itinaas pa ang mga kamay!

Napanganga na lang ako sa kanya.

"Sa wakas! Sabi ko nga ba e!" Dagdag pa niya.

Napataas akong kilay sa kanya,"ah, hindi ba dapat po,pagsabihan niyo ako?"

Ngumiti ito sa akin saka muling bumalik sa pag kakaupo at hinawakan ang mga kamay ko," Anong pagsabihan? Akala mo ba ay sesermunan kita? Ano ka ba ,hindi ano? Ang saya saya ko nga eh at sa wakas ay kayo na!"

Maid For The BILLIONAIRE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon