Kabanata 30

1.1K 12 0
                                        

A/n:

Oh,di ba nawala na naman ako ng pagkatagal tagal? Please sisihin nyo ang cellphone ko! Bigla na lang nasira huhu !

Pero seryoso , sorry talaga...para makabawi , double update tayo ngayon !


This chapter is not edited..





Lara




Ilang linggo matapos magkaroon ng 'kami' ni sir , ay hindi pa rin ako makapaniwala,parang panaginip pa rin ang lahat.Ngayon nga't kahit busy ako sa pag wawalis sa bakuran ay nangingiti pa rin ako , dahil syempre sa saya at kilig tapos ay biglang sisimangot dahil hindi pa rin nga mawala sa isip ko na , normal lang ba talagang makaramdam ako ng saya sa ganitong paraan?'

Hay , para na nga akong mababaliw , naroon nga at masaya ako pero andon pa rin talaga yung guilt,dahil wala nga  akong maipagmamalaki.

Napabuga na lang ako sa hangin.Kesa mag isip pa ng mag isip at maloka pa,magpapaka-abala na lang ako sa ibang bagay.

"Hays, as I expected..."

Rinig ko sa pamilyar na boses na nanggagaling mula sa aking likuran, nang lingunin ko ito ay tama ako ng hinala, si sir nga! Naka-krus ang mga braso nito at nakakunot-noo habang seryosong nakatingin sa akin.

"Sir---"

"Oh comeon, do you really want me to bite those disobedient lips of yours? One more 'sir' Lara , you 'll see." Pagbabanta nito sa akin.

Napakagat tuloy ako sa aking labi,hanggang ngayon kasu ay habit ko pa rin na tawagin siyang sir dahil nga nakasanayan ko , "Sorry po."

Bumuntong hininga muli ito," Drop the word 'po' baby please."

Napasinghap ako sa sinabi niya ,"O-okay.." pag sang-ayon ko na lamang.

Naglakad ito patungo sa akin at hinawakn ang balikat ko saka hinila ako  at kinulong sa kanyang mga bisig.

"I'm not mad okay? Ayaw ko lang na maging masyadong formal ka sa akin , I'm your boyfriend now remember? " Aniya habang hinihimas ang likuran ko .

Nakasubsub lang ako sa matipunong dibdib nito ,kaya ang tanging nasagot ko lang ay tango.

Ahh,ang bango talaga ni Kenzo ,lalaking lalaki ! Hindi ako magrereklamo kung ilang oras o ilang araw akong nakasubsub sa katawan nito,langit talaga!

Maya maya pa ay kinalas niya ang yakap niya sa akin at hinawakan ako sa aking pisngi ,tinitigan ako nito at maya maya pa ay binigyan ako ng mabils na halik sa aking noo.

"At maraming beses ko ng sinabi sayo ,na hindi mo na kailangang gumawa ng gawaing bahay." Malumanay na sabi niya saka hinagod hagod ang ulo ko.

"Pero p... Ah, pero nga kasi ano ng gagawin ko sa maghapon? Saka pumasok ako dito para magtrabaho , kailangan kong gampanan ang trabaho ko. Saka si aling kusing pa ,hindi ko naman maatim na hayaan lang siya sa mga gawaing bahay." Pagpapaintindi ko sa kanya.

Ngumiti sa akin si Kenzo saka hinalikan akong muli sa kabilang pisngi.

Grabe ,kagaling lumandi ni Kenzo ,napaka epektib,nag iinit na mukha ko.!

" If you're worried about your salary and family , ako na ang bahala. I'll support you , and I'll support them ." Pagmamalaki nito sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya ,"H-hindi naman pwede iyon, kailangan kong pagtrabahuhan ang kikitain ko Kenzo , please." Pagsusumamo ko dito.

Maid For The BILLIONAIRE Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon