A/N: Hello minna-san!!! I'm back...Sorry kung natagalan , sobrang nakaka stress para sa akin yung mga nagdaang araw,pano ba naman sunod sunod ang ang problema ng ateng niyo! Financial, family, work , friends and health problem ,yan ang mga dahilan kaya medyo na late ako...so sorry kung natagalan ,sana maintindihan niyo ಥ‿ಥ
Thank you sa mga naghihintay , so sorry again༼;´༎ຶ ༎ຶ༽This Chapter Is not Edited ༎ຶ‿༎ຶ
LARA
Niyakap ko ang aking sarili nang humaplos ang malamig na hangin sa akin.
Nakaupo ako ngayon sa damuhan ,sa hardin ng mansyon at nagmumuni-muni. Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina,nasagot ko si sir Kenzo,hindi ko na kinaya ang pagbubuntong niya sa akin ng galit ,sabayan pa ng pagmamaliit. Pero kahit na pinagsabihan niya ako ng ganoon, na- guilty pa rin ako.
Hindi ko rin sigurado kung bukas ay may trabaho pa ako,baka matanggal na rin ako dahil sa pagsagot ko sa kanya. Inaasahan ko naman na iyon, at tatanggapin ko naman. Kaso, mawawalan na naman ako ng trabaho,hindi ko na naman alam kung saan at paano ako magsisimula.
Napabuntong hininga ako saka napakamot. Dapat bang hinabaan ko muna ang pasensya ko? Kung sakali,baka hindi ako namomoblema ngayon. Pero ,masyado akong nasaktan sa mga sinabi niya ,tagos sa pagkatao ko,ang mas masakit pa , nanggaling pa iyon sa taong gusto ko. Iba pala talaga ang sakit , pag minaliit ka ng taong tinitingala mo.
Inayos ko ang aking pagkaka- upo at tumingin sa kalangitan.Punong puno iyon ng mga bituin. Napatanong tuloy ako sa aking sarili , ' Bakit kasi may mahirap at mayaman pa?' Gumuhit ang ngiti sa aking labi,ano ba itong naiisip ko? Lumalalim na ang gabi , kailangan ko na sigurong magpahinga dahil bukas , baka kailanganin ko ng energy.
Nagdesisyon na akong tumayo na at dumeretso sa kwarto para makatulog na.Pumasok na ako sa mansyon , at naglakad patungo sana sa kusina upang uminom muna ng tubig. Kape sana ang gusto pero nagdalawang isip ako,baka lalo akong hindi makatulog.
"Ineng.."
Halos mabitawan ko ang baso na hawak ko ng marinig sa aking likuran ang boses ni aling kusing.
"Aling Kusing?" Gulat kong wika saka harap sa kanya,pero lalo akong natakot ng makita kong balot ng puting papel ang mukha nito, mga mara ,ilong at bibig lamang ang nakikita," A-ano 'yan?"
"Ano ba naman ,ineng ,ako ang natakot sayo ,grabe ka magulat!" Biro niya sa akin.
Napakamot ako sa aking noo," E kasi naman po, bigla po kayong sumulpot ,tapos...ano po ba iyang nasa mukha mo?"
"Ah? Ito ba? Ay ,hindi mo ba alam ito? Bigay ito sa akin ng kaibigan ko sa kabilang mansyon , beauty mask daw ito, nakaka refresh ng skin! " Masaya niyang sagot sa akin.
"B-beauty mask?"
"Oo, hindi mo ba alam ito? Skin care ang tawag dito." Ika niya sabay marahan na hinahawakan ang mukha nito na may balot ng beauty mask kuno.
" Wow naman, ikaw na Aling Kusing! " Sabi ko sabay tawa.
" Syempre,need din natin itong mga ganito 'no! " Aniya ," Nga pala, tumawag si sir sa akin, pinapapunta ka niya sa kwarto niya."
Napataas ako ng aking kilay aa narinig," Po? B-bakit?"
Nagkibit balikat ito," Hindi ko alam e."
BINABASA MO ANG
Maid For The BILLIONAIRE
RomanceA simple probinsyana girl named Lara ,is the newest maid in Villanueva 's mansion.At first,her one and only goal is to work harder and give her family a good life...But being the personal maid for Kenzo Villanueva, what else will she earn? ----- N...