Kabanata 5

3.1K 47 3
                                        

LARA



MADALING araw ng magising ako, 4:00am to be exact.Ewan, siguro ay di ako pinatulog ng bangungot ko sa nangyari sa amin ni sir Kenzo kahapon.At tutal ay di naman na ako nakatulog ay bumangon na lang ako ng mas maaga, ang oras kasi namin ng start ay 5:30 pa naman ng maaga.


Dito ay di naman kailangang magpakapagod ka at kailangan pang gumising ng maaga para magtrabaho, may specific na oras, bagay na ikinatuwa ko dahil sa ibang kasambahay siguro ay obligadong gumawa ng kahit anong oras sa bahay na pinatatrabahuhan nila.Dito, pansin ko na kahit papaano ay priority pa rin ang mga trabahador,lalo sila Aling Kusing.

Para mabawasan ang gawain mamaya ay napagdesiayunan kong magdilig ng mga halaman.


Sa lawak ng halaman dito ay inabot ako ng higit isang oras sa kakadilig.Pero hindi naman ako nahirapan dahil nag enjoy ako sa kakatingin ng mga iba't ibang uri ng halaman , at maraming makukulay na bulaklak.


Napaisip tuloy ako , kung andito si mama ay tiyak na matutuwa iyon, certified plantita kasi sya. Ang bahay namin ay punong puno ng mga halaman , natutuwa naman ako at kahit papaano ay nalilibang s'ya doon at kung minsan ay napagkakakitaan.


Napangiti tuloy ako ng mapait, ilang araw pa lang ang lumipas ng mapunta ako dito ay talagang nami-miss ko na sila mama ,pati ang mga kapatid kong makukulit.Sana ay ayos lang sila doon at sana ay nag - aaral sila ng maayos,magsusumikap ako dito para sa kinabukasan nila.



Napabuntong hininga ako at sinabing , " Kaya mo ito, Lara." Sabay hagikhik.


Nang inayos ko na ang mga ginamit ko sa pagdidilig ay nag hanap naman ako ng pwede ko pang gawin.Hanggang sa napadpad ako sa may swimming pool.Napansin ko rin na tila may tao roon ,at ng mas lumapit pa ako ay napagtanto ko na tama ako.


Pero hindi na ako nagtaka kung sinong nandoon----- si sir Tukmol slash manyak. Mukhang busy ito sa kakalangoy kaya  di ko na sya inistorbo pa,at isa pa, kahit papaano ay sana , di muna magtagpo ang landas namin.Balak kong umiwas ng umiwas sa kanya hanggang sa makaalis na ito para sa trabaho n'ya. Aalis na sana ako.


Pero....PERO!


Nakita ko na naman ang matipuno nitong katawan habang nasa pool! Sus  naman Lara! Bakit kailangang titigan mo pa sya?! Hindi ba dapat naiinis ako sa kanya? Bakit gusto ko pa ring makita ang masasara---- I mean, ang katawan nito!


Pero sa bagay, di pa naman ako nag aalmusal, mukha namang nakakabusog ang mga pandesal n'ya eh,baka pwedeng mag stay muna ako saglit ,hihi.


Nagtago ako sa dilim at tila nababanat na ang aking leeg sa kakanakaw ng tingin sa kanya. Hindi naman siguro masama na tumingin di ba? Single naman ako, saka natural na sa mga babae na maakit sa mga matitigas at bato-batong katawan 'di ba? Habang pinapanood ko ito ay tila ba lahat ng kilos n'ya ay nasa slow-mo,hindi talagang mapagkakaila na napaka hot at sexy nya----manyak nga lang.



Ilang minuto rin akong naninilip kay sir Kenzo,at napansin ko na parang lumiliwanag na,tanda na lalabas na ang haring araw, kaya huminto na rin ako sa ginagawa ko at nagaimula ng maglakad.


"Nagustuhan mo ba ang view?" Rinig ko sa malayo.


Para naman akong nanigas sa narinig ko. Si sir Kenzo iyon, alam ko. Pero paano nya nalaman?Kanina pa ba nya alam na tinitignan ko sya?! Teka,paano?Patay ka na namang babaita ka!Gumawa ka na naman ng bagong kahihiyan!


"Hey!" Tawag nito sa akin.

Napapikit ako ng mariin at unti-unting humarap sa kanya.Nung nakita ko sya ay kasalukuyang nasa tubig pa rin ito ,at sa totoo lang ay namula talaga ako ng makita ko ang mukha nya.Kailangang makapag isip ako ng dahilan kung bakit nandito ako at makumbinsi sya na hindi ko sya sinilipan.


"S-sir,b-bakit po?" Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko!


"Come here." Utos nito sa akin na agad ko namang sinunod dahil wala naman akong choice.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya para magkaroon ako ng time makapag isip ng kung anong idadahilan ko sa kanya.Peri nyemas,naba-blangko ako!


"Why are you so slow? Come here faster." Utos muli nito at otomatiko namang sumunod ako,hanggang sa nakarating na ako sa harapan nya.

Napalunok ako ng ilang beses dahil aa kaba at kahihiyan.

"So, did you enjoyed the view while you were hiding?" Nakangisi nitong tanong sa akin na nakapagpainit ng mukha ko.

"A-ahem, a-ano pong sinasabi ninyo sir?" Maang-maangan kong tanong.


"Oh come on," patawa nitong turan at pagkatapos ay sumisid at lumangoy patungo sa sulok ng swimming pool dahilan para mas lalo pang mapalapit ito sa akin.Napalunok tuloy ako ng makita ng malapitan ang mukha nito at ang basang basa nitong buhok! Maging ang maliliit na butil ng tubig sa katawan nito ay tila kumikinang na nakakapagpadagdag ng hotness nito!

" How's the view?"sarkastikong tanong nito.

"A-ay sir, mali po kayo ng iniisip no---"

"So bakit ka nga nandito? To be honest ay kanina pa kita nakikitang pasilip-silip sa akin,kulang na lang ay mabali ang leeg mo,haha." Sabi nito sabay tawa na tila ba nang aasar.

"Ahmm, ano kasi sir ahh.."

"What?"

"Naghahanap po kasi ako ng palaka."

Nanlaki ang mga mata ko at ako mismo ay nagulat sa sinabi ko. Talaga, Lara?Palaka?Hibang ka na Lara,hibang.

Kulang na lang ay maiyak ako sa sarili kong katangahan , bakit ba kasi ako binigyan ng ganitong bibig at utak?Minsan iniisip ko na may pagka-abnormal ako.


"Palaka?" Takang tanong nito.

Napangiti ako ng pilit sa kanya at patagong kinurot ang sarili para sana parusahan ako sa kabobohan ko, at aaminin kong masakit iyon.


"Ah..Hehe,opo, Hahaha ,palaka po ahahah." Sige tawa ka lang Lara, kahit na alam mo sa sarili mo naiiyak ka na dahil sa katangahan mo..

"Pft! Seriously ? Ahaha, parang kahapon lang lamok ,ngayon palaka naman ? " Tawa ito ng tawa sa akin.

Napakagat-labi ako bago ulit ako magsimulang magsalita.

"Ka-kasi sir ganito yan, sa probinsya kasi namin, kapag umaga daw, maghanap ka ng palaka , tapos ibulong mo kung anong gusto mong mangayari ngayong araw ,magkakatotoo raw."


Boom! Galing ko mag isip ng dahilan,pero paniniwalaan kaya nya?Sana naman!


"Hmm, that's weird.." Ani nito.

"Ahh.ha.ha. weird po no?Pero i-ilang beses ko ng ginawa yon , effective naman po haha." Todo ngiti ako sa kanya para makumbinsi sya, at ng di nya paniwalaan na nandito ako kanina pa at sinisilipan sya.

"Akala ko ,if you want to wish or you want something , you can simply ask it to the stars right? Bakit sa inyo ,palaka? That's funny." Nangingiti nitong sabi.

"Ah,well , probinsya sir eh ,haha." Mukha namang nakumbinsi ko sya, tahimik akong bumuntong hininga.

"Ok, sabi mo eh. Hmm, let's continue our chat later, I need to go to work early."Sabi nito sabay akyat sa ng dahan sa hagdan ng swimming pool ,at ng makaahon na sya ay napigilan ko ang aking paghinga at nanlaki ang aking mga mata ng makitang naka-fitted na boxer lamang ito  ,at dahil doon ay kita ko kung gaano kalaki ang kanyang alaga na nakaumbok sa baba n'ya.


Bakit ang laki naman masyado n'yan sir!?

Muli ay namula na naman ako na paniguradong kita ni sir Kenzo.

Kinuha lang nito ang kanyang tuwalya na nakasabit sa isang upuan at dahan dahang pinunasan ang sarili nya,pagkatapos ay dahan dahan itong lumapit sa akin at bumulong..


" Hey lady,eyes up here, not 'there' ." 

_______
Not edited.

Maid For The BILLIONAIRE Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon