LARA
"I'm Chester, by the way.. " pagpapakilala nito sa'kin pagkatapos at humakbang pa ito ng bahagya upang mas mapalapit sa aking kinatatayuan.
"You, what's your name? " Tanong nito sa akin.
Ilang beses pa akong napalunok bago ko sagutin ang kanyang tanong, " A-ako po si Lara. "
Bakit nanginginig ang boses ko? Dala ba ito ng nerbyos o kilig? Pakiramdam ko ay parehas! Hindi lang ako makapaniwala na may makikita pa pala akong kasing gwapo ng amo ko dito sa mansyon! This is my day talaga!
"Nice name. " tipid na tugon nito sabay ngiti sa'kin.
Ay nako! Wala na, finish na! I'm already melting na! Bakit ang gwapo gwapo nya? Tapos, ang palagay ko at mabait ito, kitang kita ko sa maamo nitong mukha, kumbaga, para siyang literal na anghel, sa itsura at sa ugali!
Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong ayusin ang mukha ko pati ang buhok ko, kaso nahihiya naman ako. Paano kung isipin niyang nagpapa-cute ako? Eh baka ma-turn off siya eh, magpakadalagang pilipina tayo for today's vidyoww!
"So, you're new here? " Tanong nito na nakapagpabalik sa aking wisyo.
Bahagya akong ngumiti bago ki s'ya sagutin. "Ah, opo. "
"Hmm, good. I always feel bad for Aling Kusing, she's the only one who's left here, I'm glad may kasama na sya. " Aniya at napansin ko rin ang biglang paglungkot ng ekspresyon nito.
"Oo nga po, kasi umalis na daw po yung iba niyang mga kasamahan. " tangi ko na lang nasabi dahil, hindi ko naman na alam kung ano pang sasabihin, he's just too handsome!
"Yeah, dahil na rin sa katandaan ng iba niyang mga nakasama, they resigned. I always telling her na, she need to rest and go home, to her family, pero sinasabi niya na lang na wala naman na siyang pamilyang mauuwian, so she chose to stay here. At isa pa, pamilya naman na raw ang tingin nya sa mga nakasama nya dito, so it's okay for her. " malumanay nitong kwento sa akin.
Tama nga ang hinala ko, mabuting siyang tao, ngayon ko lang s'ya nakilala, pero sa tono ng pananalita niya? At concern niya kay Aling Kusing, alam ko na mabait ito.
Wala akong masabi kaya nanatili akong tahimik, dahil rin siguro sa lalim ng iniisip ni Chester ay pinili ko na lang na huwag magsalita. Ayokong magambala ito.
Lumipas ang ilang segundo ng katahimikan ay nabulabog ito ng boses ni Aling Kusing.
"C-chester? " Nanginginig ang boses nito at ng napansin ko ang kanyang mga mata at tila ba papatak na ang mga luha nito.
Dahan dahan namang nilingon ito ni Chester at ngumiti sa kanya. "Hayst! It supposed to be a surprise, pero ito na eh haha, hi Aling Kusing! " Masayang turan ni Chester sabay lakad patungo kay Aling Kusing na ngayo'y naluluha na.
"Bakit hindi mo sinabing uuwi ka na pala hijo mula America?! " galit na sabi nito.
"Ehhh, surprise nga po hindi ba? Hehe, I missed you Aling Kusing! " sabi ni sabay yakap sa matanda na nakapagpatunaw ng puso ko.
"Welcome home hijo! " sagot ni aling Kusing pagkatapos ay gumanti rin ito ng yakap.
Para silang mag ina kung titignan, ina na matagal na nanabik sa kanyang anak. Kahit saglit ko pa lamang na nakilala si aling kusing ay napalapit na rin ang loob ko sa kanya, dahil na rin siguro tinuring ko na rin siyang isang ina, at tinuring rin naman niya ako bilang isang anak. Kaya kahit alam kong umiiyak siya ngayon ay alam kong sobrang saya naman nito, at dahil doon ay masaya na rin ako.
~~~~~~~
"Oo ineng! Talagang parang anak ko na si Chester, eh sa akin na lumaki ito eh! " masayang turan nito habang pinaghahanda ng makakain si Sir Chester.
BINABASA MO ANG
Maid For The BILLIONAIRE
RomanceA simple probinsyana girl named Lara ,is the newest maid in Villanueva 's mansion.At first,her one and only goal is to work harder and give her family a good life...But being the personal maid for Kenzo Villanueva, what else will she earn? ----- N...
