Kabanata 31

2.4K 27 29
                                        

This chapter is not edited.


Lara





"Aling kusing ,ang sisipag naman ng mga bago , aba ay halos wala na akong ginagawa ,lahat natatapos na nila?" Nagtatakong wika.

"Oo nga e ,ako nga rin halos wala ng ginagawa dahil sa bilis nilang gumawa ,baka nga kako ay dahil sa katandaan ay bumabagal na ako." Pagbibiro nito sa akin. Nakaupo kaming parehas sa upuan sa may halaman na malapit sa swimming pool ,napagdesisyunan lang namin na magmuni muni sa kalaliman ng gabi.

"Grabe naman ho ,haha."

"Oo nga ay." Dagdag niyang muli.

Parehas kaming nakatingin sa kalangitan .Maya maya pa ay ,nakita kong nakapikip na ito,mukhang nakatulog na ata.

"Aling kusing?Tara na, Lipat na po kayo sa kwarto kung inaantok na ho kayo." Aya ko ko sa kanya .

"Hindi pa ako tulog ineng ,nilalasap ko lang ang simoy ng hangin ,iba kasi ang hangin sa gabi ,malamig." Sabi niya habang nakapikit pa rin.

Halatang narerelax siya kaya hindi ko na siya pinakialamanan,ginawa ko na lang din ang ginagawa niya. Suminghap ako ng hangin at ibinuga iyon ng dahan dahan,confirmed, nakakarelax nga,parang gumaan ang ulo ko.

Nang buksan kong muli ang mata ko ay nakita kong mulat na rin si Aling Kusing ,pero nakatingin na ito sa madilim na kalangitan . Kita ko ang lumbay ng mga mata niya ,parang may malalim na iniisip.

Hindi ako mapakali dahil sa isipin na baka may problema ito na hindi sinasabi.Sa tuwing may problema ako ay may baon siyang mga payo,malaking tulong iyon para sa akin, kaya nais ko rin sanang suklian iyon ,hindi ko man sya mabigyan ng matinong payo , good listener naman ako.

"May problema po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

Natagalan bago itong sumagot ,akala ko nga ay nakatulog na ito ng tuluyan .Pero nagpakawala ito ng mahina at habang ungol na tila ba nag iisip.


"Ako? May problema? Ineng ,wala akong pamilya ,nag iisa lang ako sa buhay , dito na lang umiikot ang buhay ko sa mansyon at mga Villanueva. Matanda na ako para mamoblema pa." Wika niya habang nakangiti ,pero hindi pa rin natitinag ang mga mata sa kalangitan.

"Weee?" Biro ko sa kanya.

"Oo nga ineng,haha." Aniya saka tumawa .

Saglit na tumahimik.Hindi na rin ako nagbusisi pa at baka gusto lang talaga niyang magrelax tapos dadaldal pa ako.

Pumikit muli ako .Pero maya maya pa ay ito na mismo ang unang nagsalita.

"Mayroon akong iniibig noon, alam kong malayo ang agwat ng edad namin noo gayun din ang estado ng buhay pero hindi ako natakot ,sumubok ako at hanggang ngayon , isa iyon sa pinakamagandang desisyung ginawa ko." Nakangiti ito habang nagsasalita.

"Ay ,may love life po kayo dati? Nasan na ho sya ngayon?" Masaya kong tanong sa kanya.

Tumingin ito sa akin saka ngumiti," Hindi kami nagkatuluyan ineng ,dahil nga hindi ba , mayaman ito at hamak na anak lang ako ng hardinero noo. Nagpakasal ito sa iba, roon sa kasing taas ng estado niya.Pero kahit na ganoon ,masaya pa rin ako kasi kahit hindi kami nagkatuluyan sa huli ,ay naranasan kong umibig ng lubos at totoo.Nasaktan man ako ,tinanggap ko dahil alam kong sasaya siya ,nagpalaya ako dahil mahal ko siya ,ganoon kaganda ang pag ibig ,kayang magsakripisyo. " Pumikit muli ito saka nagpakawala ng malalim na hininga.

Ang sakit pala ng napagdaanan nito. Hindi ko naisip na mayroon itong ganoong karanasan.

Ang makita mong ikasal sa iba ang mahal mo , at ang pagtanggap nito ng buong puso,ni hindi ko ma- imagine ang proseso noon,bilib ako kay aling kusing.

Maid For The BILLIONAIRE Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon