CHAPTER 34

14.5K 332 12
                                    

Agad siyang lumapit sakin at hinapit ako sa baywang, agad niya akong siniil ng halik at pilit na tinatanggal ang suot ko. Tinulak ko siya dahil nag-iinit parin ang dibdib ko dahil sa inis.

Pagkatapos niya magparaos sa babae niya ay ako na naman ang mamanyakin niya!

“Bitawan mo ako!” nagpumiglas ako sa kaniya dahil binuhat niya ako papasok sa isang silid, agad niya akong inatake ng halik at nanghihina ako dahil sobrang lakas niya. Pakiramdam ko dinudurog ng paunti-unti ang puso ko dahil sa ginagawa niya.

Hinalikan niya lahat ng parte ng katawan ko at hinahaplos ito, agad ko siyang pinigilan nang akmang huhubarin niya na ang belt niya. Hindi ko kakayanin kapag ginalaw niya ako habang magkagalit kami at may sama ng loob sa isa't-isa.

Hindi ko kakayanin kapag ginawa niya ito sakin dahil ayoko nang may mangyari pa sa pagitan namin pagkatapos niyang magparaos sa ibang babae.

“H-Helcurt tama na” humihikbi na sabi ko dahil wala na akong saplot. Napatigil siya at napatitig sakin, napayakap ako sa sarili ko dahil sa ginawa niya.

“Wife, mag-usap tayo”

Sinampal ko siya nang hinawakan niya ako sa kamay, nang makabawi ako ng lakas ay agad akong nagsuot ng damit. Paano niya magagawang puwersahin ako?

“Harumi, please I'm so sorry. Huwag mo naman akong hiwalayan”

“Huwag mo akong hawakan! Nandidiri ako sayo” tinabig ko ang braso niya at agad akong naglakad papuntang pinto. Pinihit ko ang door knob ngunit nakalock, marahil naka auto lock ang lahat ng pinto niya rito dahil nga demonyo siya.

“Buksan mo ito ngayon din at huwag mo akong hawakan!” pero ang kapal talaga ng mukha niya. Lumapit parin siya sakin at hinawakan ako sa kamay. Tinabig ko ito dahil nadidiri talaga ako sa kaniya.

“Please, huwag mo akong iwan. Handa kong tiisin kahit si Val ang mahal mo” garalgal na sabi niya. Parang totoo kung magdrama siya sa harap ko. Pero ayokong makipag-usap sa kaniya ngayon.

Punong-puno ng kaguluhan ang isip ko at inis sa mga ginawa niya sakin. Wala na akong pakialam pa kung na misinterpret siya sa mga narinig niya noong nag-uusap kami ni Val. Gusto ko ng space, ginawan niya na ako ng kapangahasan ngayon kaya ayokong makinig sa anumang sasabihin niya.

“Huwag mo akong kausapin! Buksan mo ito ngayon din! ”

“Please wife, mag-usap muna tayo. Sabihin mong hindi mo siya mahal at ako ang mahal mo”

“Ano ba! Huwag ka sabing lumapit, doon ka sa mga babae mo. Pagkatapos mong magparaos sa babae mo ay pupuwersahin mo ako? Nakakadiri ka!”

Napatitig siya sakin dahil sa mga salitang binitiwan ko.

“Wala akong babae Harumi, hindi ko ginagawa ang iniisip mo”

“Alam ko namang hindi ka aamin, pero aamin kaman o hindi ayoko na! Akala ko ba wala akong puwang sa buhay mo at hindi mo na ako kailangan? Kaya pwede ba? Buksan mo na ito dahil ayaw ko na ring makita 'yang pagmumukha mo!”

Matagal siyang nakatitig sakin at maya-maya ay nag-iwas ng tingin. Parang tinutusok ako sa dibdib nang makita kong nagpahid siya ng luha. Ang galing niya lang magdrama, samantalang ako ay durog na durog na dahil sa ginawa niya.

Narinig ko ang pagsinghot niya nang idinikit niya ang isang palad niya sa wall at narinig ko ang tunog na nagmula sa pinto. Agad ko itong binuksan at naglakad palabas.

Napahagulhol ako ng iyak nang makarating ako sa kotse, nagtaka ang driver sakin at sinabi ko nalang sa kaniya na huwag niya nalang akong pansinin. Pinaandar niya ang kotse at wala paring tigil ang mga luha ko sa pagkakaagos.

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon