PROLOGUE

38K 545 52
                                    

Nanginginig ang mga tuhod ko at dali-daling binuksan ang cabinet kung saan nakatago lahat ng pera ko. Mabilis kong isinuot yung backpack ko ngunit ganoon nalang ang kabang naramdaman ko nang marinig ang tunog ng ilang sasakyan sa labas ng bahay.

Pakiramdam ko katapusan ko na, alam na ni sir Helcurt na isa ako sa mga tauhan na ipinadala ng kalaban niya upang pabagsakin ang company niya at upang maagaw ang limang hospital na pagmamay-ari niya.

Agad akong bumaba sa basement at nilock ang pinto. Mayroong maliit na lagusan pababa ng tunnel kaya madali akong makatakas. Bago ko naisara ang maliit na bakal ay narinig ko na nakapasok na sila ng bahay.

Puno rin ako ng pangangamba at takot habang tinatahak ang daan palabas ng tunnel. Kahit naiiyak ay kailangan kong magpakatatag.
Mabilis akong nakalabas at agad na hinanap ang daan patungong kalsada.

Nakasuot ako ng facemask at sombrero dahil baka may makakita sakin. Ilang buwan din akong nanilbihan sa kaniya at ang totoo talagang nakakatakot siya at napaka mysterious.

Agad akong sumakay ng jeep patungong bus station at nanginginig ang mga tuhod ko nang makaupo na ako.

Ang misyong ibinigay sakin ay magpanggap na kasambahay ni Doctor Helcurt Belcher upang alamin kung saan niya itinatago ang memory card na naglalaman ng mga ebidensya laban sa kaniya upang maituloy ang kasong pagpatay niya sa asawa ng amo ng mga magulang ko na si Don. Egnacio Decador.

Bata pa lamang ako ay naninilbihan na ang mga magulang ko sa mansion ng mga Decador sa probinsiya noon. Si Don Egnacio ay isang politician at ang asawa naman niya ay isang Doctor si Doc. Amelia.

Labing tatlong taon nanilbihan ang mga magulang ko sa mga Decador. Naalala ko noon mismong graduation ko sa senior highschool pinaslang si Doc Amelia, labing walong taong gulang pa lamang ako noon at six years na ang nakalipas.

At ang pumatay sa kaniya ay ang anak ng matalik na kaibigan nyang si Doctor Elizabeth Belcher. Ngunit hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya dahil mabangis at makapangyarihan daw ang mga Belcher, 'yon ang dinig ko minsan kay nanay.

Headshot ang ikinamatay niya dahil magaling daw itong sniper. Ang kaguluhan daw na ito ay tungkol sa agawan ng kompaniya at hospitals ng mag best friend na sina Doc Elizabeth Belcher at Doc Amelia Decador.

Kaya minsan naisip ko na mas mainam nang wala kang tinuturing na best friend dahil pagdating ng araw iyon din ang tatraidor at magpapahamak sayo.

At nang makaluwas ako ng Maynila buong akala ko isa itong sundalo o di kaya secret agent, 'yon pala ay isang sikat na Doctor rin. Ang totoo, unang kita ko palang kay sir Helcurt ay halos manginig ako sa kaba hindi ko akalaing makakaharap ko ang taong pumatay kay Doc. Amelia.

Malaki ang utang nina nanay at tatay sa mga Decador noong magkasakit ang kababatang kapatid ko na si Harry, nagkaroon siya ng leukemia kaya hindi narin ako nakapagpatuloy sa kolehiyo.

Agad akong naghanap ng trabaho upang makatulong sa pangangailangan, magaling akong magpinta kaya kahit isa akong cashier sa isang fastfood ay nagpipinta ako upang ipanlaban sa mga exhibit.

Ngunit ang pinakamasakit na nangyari sa buhay namin ay noong maaksidente sina nanay at tatay. Si nanay ang nakatokang mag grocery noon at dahil driver si tatay ay magkasama silang nahulog sa bangin. Nawalan daw ng preno ang sasakyan.

Apat na taon na rin ang lumipas ngunit masakit parin sa akin ang pagkawala nila. At sa edad na twenty-five, imbis na ang pagpapaaral kay Harry ang inaatupag ko ay itong misyon na binigay sakin.

Umabot ng isa at kalahating milyon ang utang ng mga magulang ko sa mga Decador dahil sa pagpapagamot noon sa kapatid ko at kaunti palang ang nabayaran ko ni hindi nga iyon umabot ng two hundred thousand dahil ako ang nagpapaaral kay Harry at hindi rin malaki ang sahod ko.

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon