EPILOGUE

23.5K 470 55
                                    

Hindi ko akalain na manganganak ako rito sa gitna ng daan at kagubatan. Kanina ko pa iniinda ang sakit at namamawis na ako. Kanina noong papaalis kami ni Curt ay nakaramdam ako ng pangangalay ngunit mabilis lang naman at hindi ko naman akalain na manganganak na talaga ako. Next week pa kasi ang due date ko.

At buti nalang may mga gamit siya rito sa loob ng kotse niya katulad ng surgical gloves. Ang ginawa niya ay binuksan niya ang likod ng kotse niya at pinababa ang sandalan kaya nagmukha itong higaan. Pinasandal niya ako sa likod ng nasa unahang upuan at nilagyan ng damit sa bandang hita ko.

Ang sakit, namimilipit ako sa sakit ng balakang ko at maya-maya lang ang mawawala na naman. Tumitigas rin ang tiyan ko at parang gusto kong maglakad, o di kaya maglambitin.

"Damn! Bakit walang signal rito" rinig kong sabi niya at kanina pa ako dumadaing sa sakit ngunit wala parin. Hindi niya rin maayos ang gulong dahil naiwan niya raw sa isang sasakyan ang mga tools niya. Maya-maya lang ay hinaplos niya na naman ang tumitigas kong tiyan.

"Breathe in, breathe out. Isa pa Mahal para mabawas bawasan ang sakit come one" napailing ako kasi namimilipit ako sa sakit. Bakit ganito, pabigla-bigla ang panganganak ko. Buong akala ko sa susunod na linggo pa.

"Wife, I will do an Internal Examination so that malalaman ko at masukat kung ilang cm ka na. If you feel pain or discomfort just tell me okay? Don't worry saglit lang siya" kaagad akong napapikit dahil parang sasabog na ako.

"Shh. Saglit lang ito" sabay haplos niya sa tiyan ko.

"My babies? Don't be stubborn huwag na pahirapan si Mommy okay?" rinig kong sabi niya at ang sabi niya ay ibuka ko na raw ang mga hita ko.

"M-Mahal" nanginginig kong sabi at hindi niya pa nasimulan ang gagawin niya ay bigla nalang may pumutok sa loob ko at napadilat ako at nakita kong may dumaloy na tubig sa hita ko.

"Shit! They're coming wife, come on, come on! Relax Mahal ko, if I say push you have to push right away okay?" napatango ako sa kaniya at napakapit ako sa bag na nasa gilid ko.

"One, two, three... Now push, nakikita ko na ang ulo ni baby. Just push and don't stop" pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at ginawa ang sinabi niya.

"Another push wife" hindi ako makapaniwala nang nakarinig ako ng iyak ng isang bata. Napatitig lang ako sa kaniya nang makita kong hawak-hawak niya na ito. Napaiyak ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong saya.

"Shh, my little girl. Behave ka muna baby Hailey ha? Kukunin pa natin si brother" binalot niya ito ng doctor gown na naiwan niya rito sa kotse at inilagay ito sa tabi ko. Nabahiran rin ng dugo ang uniform niya at muli na naman ako nakaramdam ng pangangalay.

"Mahal, lalabas n-na yata si Helrumi" tukoy ko sa baby boy namin. Mabilis naman siyang bumalik sa puwesto niya kanina.

"Oh right, relax wife. Again breathe in, breathe out. Huwag kang magpigil sa pagpush sa kaniya" napapikit ako nang marinig ang iyak ni Hailey sa tabi ko at sa bag parin ako nakakapit.

Binuhos ko lahat ng lakas ko at pakiramdam ko nawala lahat ng laman na nasa loob ng tiyan ko nang lumabas siya. Malakas din ang pag-iyak niya at para silang nakasali sa crying contest. Napatingin rin ako sa kaniya nang binalot siya ng Daddy niya gamit ang jacket na suot ko kanina.

"Shh. Heto na si Mommy" pagpapatahan niya at napangiti ako kahit nanghihina na ako. Napaiyak ako nang hinalikan niya ako sa labi.

"Thank you so much Mahal ko, I'm so proud of you"

"Thank you din Mahal ikaw ang nagpaanak sakin eh" ngumiti siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Ilalagay ko siya sa tabi mo ha? Aayusan muna kita and maghahanap ako ng mahihingan ng tulong. Kailangan mong malinisan sa hospital, at kailangang maputol rin ang pusod nila. Kulang ako sa gamit rito" tumango ako sa kaniya at pagkatapos ay inayos niya ang pagkakasandal ko.

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon