CHAPTER 40

14.9K 311 9
                                    

"Damn, who's that asshole?" sabay kaming napalingon kay Curt at para siyang kakain ng tao ngunit nagbago ang expression niya nang makita niya si Hiro.

"Hoy mas asshole ka, ano? Bawal ko na yakapin si ate?"

"Tsk." Kaagad siyang bumalik sa loob at nakita ko siyang nakatitig parin sa akin. Pati ang doctor na gumagawa ng therapy sa kaniya ay wala nagawa.

"Loko-loko talaga 'yang doctor mong asawa, porket siya ang nagmamay-ari ng hospital na ito? Akala niya siguro lalaki mo ako" pati ko ay napatawa dahil sa sinabi niya. Napatitig ako sa kaniya sa loob at seryoso ang mukha niya.

Baka nga inakala niyang may kayakap akong ibang lalaki rito dahil hanggang balikat lang ang makikita mula sa loob at nakasuot pa ng black cap si Hiro at nakatalikod sa window.

"Babalik na ako sa trabaho ate, mag-ingat ka lagi lalo na doon oh" tukoy niya kay Curt.

"Hiro lagi nalang ba kayo magbabangayan ng asawa ko?"

"Siya din naman nagsisimula ah? Bye" napatitig ako sa kaniya nang maglakad siya paalis at napasinghap ako nang may nabangga siyang nurse sa unahan. Nahulog ang gamit na  bitbit nito at kaagad naman itong pinulot ni Hiro. Narinig kong kapwa silang nagsorry sa isa't-isa.

Ngunit nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin ang babae sa kaniya nang magtama ang mga paningin nila at sinundan niya pa ito ng tingin nang bigla na lamang itong umalis.

"Hiro, hindi ka kasi nag-iingat. Sino 'yon?"

"Pinsan ng ex-fiance ko" napaangat ang kilay ko at napalingon sa nurse na naglalakad papalayo.

"Sige na, pumasok ka na doon" napatango ako sa kaniya at ginulo niya pa talaga ang buhok ko bago umalis. Pagpasok ko sa loob ay tapos na ang laser therapy at nakahiga parin si Curt sa hospital bed.

"Nasaan na ang kapatid mo?"

"Bumalik na sa trabaho niya, tapos na ba Mahal? Masakit?"

"It's not, kaunting hapdi lang"

"Bakit ka naman lumabas kanina kahit hindi pa tapos?" napaiwas siya ng tingin sa akin.

"Tsk, akala ko kasi kung sino eh" napatawa ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

Pagkalipas ng ilang minuto ay pinayagan na siyang lumabas, kaagad kaming umuwi ng bahay at namiss ko ang mansion pati narin ang mababait na kasambahay. Napangiti ako nang batiin nila ako, at kaagad ko ring inaya ang asawa ko na puntahan ang room ng baby namin.

"Slowly wife hindi 'yon tatakbo"

Hindi ko siya pinansin at mas nauna akong naglakad at pumunta sa ikalawang palapag. Katabi lang raw ng kuwarto namin, kaya kaagad ko itong nahanap at pinihit ang siradora. Napasimangot ako dahil nakita ko siyang natatawa habang papalapit sakin. Nakalock kasi ang pinto at siya lang ang makakapagbukas.

"Bakit ganyan? Paano kung gusto kong pumasok?"

"Don't worry makakapasok ka parin naman, nilock ko lang 'yan dahil umalis ako. Go on, you can check it" unti-unti akong pumasok sa loob at iginala ang paningin ko.

Namangha ako dahil sa ganda nito sa loob, nakaayos ang lahat ng mga gamit at halos kompleto na ang mga gamit. Naramdaman kong hinapit niya ako sa baywang kaya napayakap ako sa kaniya.

"Thank you Mahal, siguradong natutuwa rin si baby"

"I'm glad to hear that wife, unisex ang mga gamit na pinabili ko dahil hindi pa natin malalaman ang gender niya" kapwa kaming napatitig sa higaan niya at sa crib at hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement.

"Nakikita ko na ngayon ang mukha ng baby natin Mahal, green eyes din siya pero sayo nagmana ng shape ng lips at sobrang ganda niya tulad mo" napalingon naman ako sa kaniya at napatawa nalang ako.

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon