CHAPTER 10

19.4K 414 5
                                    

Pumasok ako sa isang room kung nasaan ang vault na pinaglagyan niya dati ng memory card. Ginamit ko ang code na nakita ko dati sa isang painting.

Nanginginig ang mga kamay ko nang mabuksan ko ito. Nakita ko ang maliit na box sa loob at pati yung phone ko. Dinampot ko ito at agad na hinanap ang phone number ni Don Egnacio, agad ko itong isinara at lumabas ng kuwarto.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at pumasok agad ako sa room ko upang iwan ang phone ko dahil may access siya sa system nito. At kapag ginamit ko ito paniguradong malalaman niya kaagad na tumakas ako. Agad kong hinanap ang scaffolding dahil iyon ang gagamitin ko upang makatakas ako. Lumabas ako papuntang sala at tiningnan kung ilang guards ang nakabantay sa labas.

Tatlo ang nakita kong tao sa labas ibig sabihin ang tatlo ay nasa likod at naglalakad lakad. Naglakad din ako patungong kitchen at napatitig ako sa isang pinto kung merong device na naka connect doon kay Sir Helcurt. Napalinga-linga ako dahil sa itaas noon ay may bakal na tulad sa main door sa harapan na iilaw kapag bubuksan. Mabilis akong napatakbo pabalik nang maalalang may hagdang pababa sa garden ang isang mini living room sa second floor.

Nakasara ang sliding door at nang buksan ko ito ay wala akong may nakitang bagay na umilaw sa kahit saang parte nito. Napakabog ang dibdib ko nang makitang hindi nakabukas ang ilang ilaw sa garden. Bumaba ako ng hagdan na tila hindi kinakabahan kahit may nagsisitakbuhang mga kabayo sa loob ng dibdib ko.

Siguro kapag nakita ako ng guard, maghahanap nalang ako ng palusot pero hindi ko maiwasang kabahan sa gagawin ko. Naestatwa naman ako nang makita ang isa sa guard na nasa garden, nakatingin siya sa phone niya. Maya-maya ay tumalikod na siya at naglakad paalis kaya mabilis akong naglakad papuntang pool.

Nagtago ako sa isang halaman nang muli itong bumalik. Gumapang ako papunta sa isang puno at doon muling nagtago. Hindi ko bitbit ang scaffolding dahil mahahalata ako, napatitig ako sa isa pang puno ng kahoy na malapit lamang sa pader at maaari ko itong akyatin upang maakyat ko rin ang pader.

Nang magkaroon na ako ng pagkakataong akyatin ito ay hindi na ako nag aksaya pa ng oras, kahit nanginginig ay inakyat ko ito at lumipat sa pader. Napakapit ako sa pader dahil mataas pala ito at wala akong malipatang puno o kahit ano mang bagay na maaaring apakan. Napabitaw ako kahit alam kong masasaktan ang paa ko.

At hindi nga ako nagkamali, napatakip ako sa bibig ko dahil muntik na akong mapadaing dahil sa sakit, pakiramdam ko magkakapasa ako nito. Gusto kong maiyak dahil nakatama ang tuhod ko sa magaspang na mga batong nakapaligid sa pader. Parang binugbog ang katawan ko dahil sa pagkalaglag ko mula doon sa itaas.

Sobrang dilim ng dinadaanan ko at naiiyak ako dahil wala man lang akong makitang highway o kahit sasakyan man lang para atleast malaman ko kung saang banda mayroong sementadong daan.

Naglalakad ako sa isang kakahuyan at natatakot ako dahil baka may mababangis na hayop na nakatira rito. Malayo narin ang nilakad ko at dapat kasi doon ako dumaan sa harap hindi dito sa likod ng bahay niya.

Totoo palang nakatago ang bahay niya dahil nang makalayo na ako ay nag-iisa lamang ito sa malayo. Agad na nanindig ang balahibo ko nang may narinig akong kaluskos. May kakaibang huni rin akong narinig at pakiramdam ko papalapit ito sakin. Napatakbo ako ng wala sa oras dahil unti-unti ko nang nakikita ang dinadaanan ko dahil sa sinag ng buwan.

Parang gusto kong tawagin ang pangalan ni sir Helcurt kahit pa na alam kong ikakapahamak ko. Halos mapahagulhol ako ng iyak nang mapatigil ako ng takbo sa mismong gilid ng highway. Ngunit wala akong nakikitang sasakyan na dumadaan kahit isa. Naglakad lakad ako at mabilis akong napalingon nang marinig ang huni ng isang motorcycle.

Natatakot akong pumara dahil baka masamang tao yung mahihingan ko ng tulong. Pakiramdam ko kasi nandito ako sa isang liblib na lugar. Ngunit alam kong hindi ito nalalayo sa City dahil nakakarating nga si Val rito. Gusto ko siyang tawagan at hingan ng tulong ngunit wala man lang akong phone, hindi ko ma imagine ang madilim na kakahoyang dinaanan ko bago nakarating rito.

Kahit masakit ang paa ay mabilis akong naglakad nang makita ang kabilang daan, para itong crossing highway at maraming sasakyan ang dumadaan kaysa rito at patungong City na yata 'yon. Pumara ako sa dumaang sasakyan ngunit hindi man lang ako pinansin. Naiiyak na ako dahil wala akong makitang kahit isang building, meron akong nakita ngunit sobrang liit na dahil sa sobrang layo.

Naglakad-lakad ulit ako dahil baka may madaanan na akong bahay o kahit store man lang. Halos maiyak ako nang sa di kalayuan ay may nakita akong bahay. Para na akong pulubi dahil sa hitsura ko, dali dali akong tumakbo kahit wala na akong lakas ngunit napatigil ako nang may nagkasalubong akong sasakyang at huminto ito sa mismong gilid ko.

"Harumi?" gulat na tanong niya at naestatwa ako nang makita ko si Val. "My goodness, what happened? Where are you going?" napaiyak ako at napayakap sa kaniya.

"Come here, get in" pinagbuksan niya ako ng pinto at wala akong choice kundi pumasok sa loob ng kotse niya. Wala narin akong choice kundi sabihin sa kaniya ang katotohanan kung bakit nandoon ako sa bahay ng pinsan niya.

"Shh. Saan ka galing? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong niya habang inaayos ang magulo kong buhok. Kitang-kita ko ang pag-alala sa mukha niya. Nararamdaman ko ring humahapdi ang mga tuhod ko.

Hindi ko alam kung may sugat ang dalawang tuhod ko dahil nakasuot ako ng loose pants, at nakasuot rin ako ng jacket.

"V-Val pwede ba akong s-sumama___"

"Wait a minute, hello kuya?" napakabog ang dibdib ko nang marinig ang sinabi niya habang may kausap siya sa phone.

"God, I saw her walking in the street. Yeah, Don't worry she's with me... Oh right" agad niyang binaba ang tawag at napatulala ako, at siguradong si sir Helcurt ang kausap niya. Agad kong binuksan ang pinto ngunit hinila niya ako.

"Harumi what are you doing? Can't you see? Delikado sa labas dahil gabi na, let's go ihahatid na kita"

"Bitawan mo ako! Val please"

"What's wrong? Tell me Harumi, bakit ka naglalakad sa gilid ng daan? Kuya Curt told me na nagkasagutan daw kayo kaya ka ba umalis sa bahay niya?" sinungaling siya! Naiiyak ako dahil sa kaba.

"Val kaya ako nandoon sa___"

"He's here"  natigilan ako nang may tumigil na tatlong sasakyan sa tabi ng kotse ni Val. Nanlamig ang mga kamay ko dahil sa takot ng makita ko siyang lumabas ng kotse niya.

"Don't be afraid with him, he's not that bad, masungit lang siya at strict but he won't hurt you. Dapat hindi ka kaagad umalis dahil gabi na, delikado alam mo ba 'yon? I'm about to go there actually" hindi niya lubusang nakilala ang pinsan niya. Nilock ko ang pinto ng makita ko siyang papalapit na sa amin.

"Huwag m-mong buksan ang pinto, Val ilayo mo ako__" napasinghap ako nang buksan niya ang driver's seat at pinalabas si Val. May pinindot siya sa harapan at bigla nalang bumukas ang pinto sa gilid ko. Umikot siya at hinila ako palabas, nagtama ang mga mata namin at tila nagbabaga ito dahil sa galit.

"Try to ask for help dahil sa mismong gabing ito ipapatira ko ang kapatid mo"  mahinang bulong niya sakin habang hindi pa nakarating si Val sa pwesto namin.

"Kuya, ano ba ang nangyari? You should not let her go outside because it's late and it's dangerous"

"I know" malamig na sabi niya habang nakatitig sakin.

"I'm sorry about earlier, pero hindi ko sinabing sinasante kita at umalis ka ng bahay ko" hindi ako nakapagsalita dahil sa takot na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi siya ang Helcurt na nakaharap ko kanina at nagsabing gusto niya ako.

"Thanks Val, pero sa akin na siya sasabay. It's just a misunderstanding, akala niya kasi sinasante ko na siya that's why I should hire more staff's para kahit umalis siya ay may matitira pa sa bahay ko" nakita kong napangiti si Val sa kaniya at napatingin sakin. Bakit ganon, hindi man lang ba niya nakikita sa mukha ko ang takot at pangamba?

"Yeah, bawas-bawasan mo narin siguro ang pagiging masungit mo kuya, para wala nang aalis na tao mo dahil sa sama ng loob"

"Maybe" sabay ngisi niya at pinanindigan ako ng balahibo dahil doon.

"Oh right, dederetso na kami pauwi, Man, ikaw na ang bahala mag settle diyan. Bye to you Harumi, mag-ingat ka" sabi ni sir Welius at umalis na sila ni sir Cruise. Inatake ako ng kakaibang kaba dahil sa sinabi niyang mag-ingat ako.


DW4 > jayewel

PLEASE VOTE THIS CHAPTER THANK YOU 😘

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon