CHAPTER 30

14.4K 350 20
                                    

Nilock ko ang pinto at literal na ginawang unan ang mga basahan na hindi pa nagagamit. Iyak lang ako ng iyak at buti nalang malinis ang stock room dahil baka wala na akong matuluyan kapag may mga ipis rito.

Nakahiga lamang ako at sandaling tatahan at maya-maya ay iiyak na naman hanggang sa nakatulog ako. Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Hindi na daw ako mahal ni Curt at pinapaalis niya na ako sa bahay niya dahil hindi niya na ako kailangan.

Agad akong napabangon at napatitig sa paligid ko, unti-unting bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari, totoo pala ang panaginip na 'yon. Pumait ang lalamunan ko at hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang sinabi niya sakin kagabi.

Ayaw niya na sakin at hindi niya na raw ako kailangan. Napaiyak na naman ako at napuno ng galit ang puso ko. Paglabas ko ng stock room ay nagulat ang isang kasambahay na may hawak na susi upang buksan sana ang pinto.

"Ma'am bakit ho kayo nandiyan?"

"Huwag mo akong tawaging ma'am, pareho lang tayong katulong rito" nagtaka siya sa sinabi ko at agad akong naglakad palabas.

Hindi ako kailanman umakyat pa sa kuwartong 'yon dahil itinuring ko na ang sarili ko bilang isang tunay na maid. Ginawa ko lahat ng ginagawa nila kahit pinipigilan nila ako. Buong maghapon ang nasa kitchen lamang ako at kapag wala akong ginagawa ay pumapasok ako sa stock room.

"Ma'am pinapatawag ka po ni sir Helcurt sa taas" napairap ako sa kawalan at pinalipas ko muna ang ilang minuto bago umakyat.

Dumeretso ako sa office niya at nakita ko siyang nakaupo doon. Tumayo siya ng makapasok ako at may pinasuot siyang bracelet sakin. Napatitig ako sa kaniya at naiiyak ako, I miss him so much pero pakiramdam ko ang layo-layo niya. Parang hindi ko na siya maabot pa kahit magkaharap lang kami.

"This bracelet is a kind of tracking device. And here's your phone, call him now at sabihin mong nasa iyo na ang pinapahanap niya" sabay abot niya ng phone sakin.

Hinawakan ko siya sa braso na siyang nagpatitig sakin.

"M-Mahal, huwag mong gawin 'to. Please nagmamakaawa ako sayo Curt, alam kong hindi mo magagawa ito" umiiyak na sabi ko at wala na akong pakialam pa kahit magmukha akong desperada at tanga sa harap niya. Niyakap ko siya ngunit nasaktan ako ng lumayo siya sakin.

"You're just my toy Harumi Estevan. Wala kang puwang sa buhay ko" napahagulhol ako ng iyak nang umalis siya at iniwan ako. Parang nabibiyak ang puso ko dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas at muling bumukas ang pinto. May pumasok na dalawang lalaki na nakablack suit at inaya ako palabas. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanila.

Paglabas namin sa bahay ay may ilang kotse na nakaparada sa parking area at ipinasok nila ako sa isang kotse. Inutusan nila ako na tawagan si Don Egnacio at ginawa ko rin ito.

"Sa wakas tumawag ka rin, natanggap ko ang mensahe na ipinadala mo. So nakuha mo na ba?" nagtaka ako sa sinabi niya, marahil siya ang nagpadala ng message kay Don Egnacio tungkol sa memory card.

"O-Opo nasa akin na" napilitan akong magsalita at sakyan ang nais niyang mangyari.

"Good, you're a good girl. Oh right umalis kana diyan ngayon din at makipagkita ka sakin sa lumang gym ng Sta. Cruz and make sure na dala mo ang bagay na 'yan. Sisiguraduhin mo rin na walang nakamanman sayo"

"O-Okay po Don Egnacio" agad na umandar ang kotse at binigay sakin ng isang lalaki ang box na naglalaman ng memory card.

Para akong pinupunit habang nakatingin sa labas, sa kabila ng pagmamakaawa ko kanina ginawa niya parin ang plano niya. Totoo ngang wala akong puwang sa buhay niya, totoo ngang hindi totoo ang pagmamahal na ipinakita niya sakin.

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon