CHAPTER 1

24.5K 511 17
                                    

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari, agad akong napatanga nang may pumiga ng panga ko at pinaangat ito.

Literal na nanginig ang mga tuhod ko sa kaba nang mapagtantong hindi panaginip ang lahat ng nangyari. Nahuli niya nga ako at para akong kakainin ng isang napakabangis na lion dahil sa titig niya sakin.

Nakaposas ang mga kamay ko at natatakpan ng malaking tape ang bibig ko.

"Nice plan my traitor maid. I like your spirit, you're brave, huh?kilala mo ba kung sino kinakalaban mo?"

Mabilis niyang tinanggal ang nakatakip sa bibig ko at napakasakit dahil sobrang nakadikit ito sa balat ko.

"Answer me!" tikom ang bibig ko at pilit pinipigilang umiyak. Dahil pakiramdam ko di ko deserve magmakaawa dahil sa ginawa ko. Natatakot din akong sabihin sa kaniya ang dahilan kung bakit ko ginawa 'yon dahil mapapahamak ang kapatid ko.

"Sino ang nagpadala sayo rito? Aminin mo na ngayon din bago ko ubusin ang laman nito" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hawak ng baril. Diyos ko mamamatay na ba ako.

"Sagot!" Napaiyak na ako nang tinutukan niya ako ng baril sa mismong noo ko.

"S-Si__ si_" utal-utal kong sabi at nanginginig ang mga kamay ko at tanging hikbi nalang yung sunod na lumabas sa bibig ko.

"Damn it! Tell me Harumi Puentevilla! Sinong nag-utos sayo para kunin ito?"
Nagulat ako nang banggitin niya ang totoong pangalan ko.

"Do you think you can fool me? Elise Cruz huh? Kahit ilang pangalan pa ang gagamitin mo malalaman ko parin kung sino ka! Now tell me kung sino ang nag-utos sayong pasukin ang teritoryo ko."

Hindi ko parin magawang makapagsalita pero napatili nalang ako ng dumagundong ang putok ng baril sa buong silid at narinig kong may nabasag sa bandang likuran ko.

"If I were you, magsasalita nalang ako. Pumili ka Miss, impormasyon o bala?" tanong ng isang lalaki sa di kalayuan.

"Ito ang tatandaan mo, kapag nahuli ka huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ko dahil kapag nangyari 'yon, buhay ng kapatid mo ang ipapalit ko, nagkakaintindihan ba tayo?" bigla nalang nag echo sa isip ko ang sinabi ni Don Egnacio kaya hindi ko parin magawang magsalita kahit halos hihimatayin na ako sa takot.

"Your time is up naiirita ako sayo! Your action speak louder than words,  it's very obvious that you choose this bullet than talking! Goodbye my traitor maid!" napahikbi ako lalo at ipinikit ang mga mata nang muli kong maramdaman ang lamig ng baril sa noo ko.

"Bang!" pakiramdam ko tumigil ang takbo ng puso ko nang pitikin niya ang trigger ngunit wala akong may narinig na anumang putok.

"Woah! This one is so brave Man! " narinig ko pa sa kabilang banda. Napaatras ako nang muli niyang hinawakan ang panga ko kaya nagtama ang mga mata namin. Punong-puno ng galit ang mata niya at tila hindi na ito kulay berde kundi kulay itim.

"Harry Puentevilla?" Nagulat ako dahil alam niya narin pati pangalan ng kapatid ko.

"Alam mo bang kahit ngayong araw mismo maaari siyang mawala ? Nasa Negros Island siya hindi ba?"

"Huwag m-mong pakialaman ang kapatid!" singhal ko sa kaniya. Narinig kong napangisi ang dalawa sa mga kasama niya at ang iba ay seryosong nakatingin lang sa amin at prenteng nakaupo.

"Then who send you here?!" Dumagundong ang galit boses niyang galit na galit sa buong silid. Muli akong napahikbi at hindi ko alam ang gagawin kapag napahamak si Harry at di ko alam kung tama bang magsalita nalang.

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon