CHAPTER 15

18.1K 379 4
                                    

Hindi niya ako pinansin buong araw at basta nalang ito umalis. Baka pumunta siya sa hospital niya o di kaya sa company niya dahil tatlong oras na din ang lumipas ngunit hindi pa siya nakabalik. Kung naiinis siya sakin mas naiinis ako sa kaniya!

Naikuyom ko ang kamay ko, akala ko magiging masaya ako dahil pinayagan niya na akong sumama kay Val at muli ng makalabas sa bahay na ito. Ngunit mas lalo lang akong nakaramdam ng inis. Nasanay kasi ako na pinagbabawalan niya ako, ngayong hinahayaan niya na ako ay mas lalo akong nasasaktan.

Wala akong magawa kundi iiyak lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko ngayon. Oo nga pala nakalimutan ko, isa nga pala akong gamit na kapag tapos niya ng gamitin ay itatapon niya nalang. Magiging walang silbi din ang buhay ko pagkatapos ng lahat ng ito. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naisipan kong maghanap ng maisusuot para bukas. Naisipan kong may pagkakataon narin akong makatakas bukas.

Kinuha ko ang isang damit ko na hindi ko pa nasuot simula ng binili ko ito. Ito nalang siguro ang susuotin ko. Akmang ibabalik ko na ito ng mapansin ang loob ng cabinet, bakit may nakauwang sa gitna nito? Tanong ng isip ko. Sira na ba ito?  Napatutop ako sa bibig ko ng bumukas ito nang sinubukan ko itong hawiin. Napabilis ang pagkabog ng dibdib ko dahil isa pala itong pinto kaya sinubukan ko itong pasukin.

Mayroong maliit na kuwarto sa sa likod ng cabinet ko kaya namangha ako ng husto. May dalawang sofa at maliit na Glass table sa gitna, 'yon lamang ang nakapaloob sa kwartong ito.

Ngunit mas lalo akong nagtaka dahil sa wall na kaharap ko ay may isang glass shield at nakikita ko mula rito ang isa pang kuwarto sa kabilang pader. May naririnig rin akong musika sa kabila ngunit mahina lamang ito. Naglakad ako papunta sa isang pinto at ginalaw ito ngunit nakalock.

Muli akong napasilip sa glass shield at muli napakabog ang dibdib ko dahil may narinig akong kalabog sa loob at hindi ko makita dahil maliit lamang ang glass shield. Nanlaki ang mga mata ko dahil may nakita akong gumagalaw sa likod ng isang bookshelf. Hindi ko masyadong maaninag ito dahil kaunting ilaw lamang ang nakabukas at may kalayuan sa pwesto ko ang bookshelf.

Totoo ngang may iba pang tao sa bahay na ito. Siya na siguro ang anak ni Estevan na tinutukoy ni Helcurt. Ngunit hindi ko makita ang katawan niya ni kahit ang mukha niya basta ang alam ko ay may tao na naglalakad sa likod ng bookshelf na may naka pile na ilang books.

Narinig ko rin ang mahinang pagsara ng pinto na hindi na abot ng paningin ko ngunit mahina lamang ang tunog na naririnig ko dahil siguro sa kapal ng pader na nakapagitan.  Diyan pala niya itinago sa room na 'yan ang kinidnap niyang babae na anak ni Estevan twenty-one years ago. Agad akong napalingon sa maliit na pinto kung saan papunta sa room ko nang maalala ko ang susi na binigay niya sakin.

Agad akong bumalik sa loob ng cabinet at muling lumabas rito upang hanapin ang susi, napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko maalala kung saan ko ito inilagay. Wala naman talaga kasi akong plano na puntahan kung saan ang room ng babaeng 'yon. Dahil sa sinabi niyang kailangan munang dumaan mismong pintuan ng bahay ng ahas niyang si Maximo bago makarating sa kuwarto 'yon.

Hindi ako makapaniwala na may secret way pala dito sa room ko papunta sa room na 'yon. Oo nga pala, magkatabi lang kami ng bahay ng ahas niya kaya posible na may daan na papunta sa room na 'yon.

Nanginingig ang mga kamay ko dahil hindi ko mahanap ang susi na 'yon. "Salamat!" sambit ko nang makita ko ito sa loob ng drawer na nasa tabi ng kama ko. Ngunit natigilan ako ng pagsara ko ng drawer ay may taong nakatayo sa hindi kalayuan sa pinto ng kwarto kong nakabukas.

Hindi ko maipaliwanag ang tinging pinupukol niya sakin at agad din itong umalis, napahimas ko sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Buti nalang naisara ko ang maliit na pinto sa loob ng cabinet. Nandito na pala siya, hindi na muna ako makikiusisa sa kwartong 'yon. Nacurios ako ng sobra at aaminin ko gusto kong makita ang babaeng 'yon. Alam kong siya 'yong gumagalaw kanina na nakita ko sa likod ng bookshelf.

Lalabas na sana ako ng room ngunit napatitig ulit ako sa isang pinto malapit sa pinto ng banyo, hindi ko alam kung saan papunta ang pintong 'yan dahil naka lock rin ito. Marahil isa itong stock room. Natigilan ako at napaisip na baka papunta rin ito sa maliit na room na pinuntahan ko kanina? Pero hindi eh, wala na akong nakitang pinto doon maliban sa pinto na nakalock na siyang papunta sa kwarto ng babae na anak ni Estevan.

Napakurap ako at pilit na iniwaglit sa isip ang mga nakita at nalaman ko. Hindi narin ako lumabas pa dahil ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha niya! Hindi ako makatulog at nangangati akong pasukin ang kwartong 'yon ngunit natatakot ako, paano kung nandoon pala silang dalawa? Ang masama pa baka maabutan ko silang gumagawa ng milagro.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil may kirot akong naramdaman dahil sa naisip ko. Hindi malayong hindi nila ginagawa ang bagay na 'yon. At kahit anong gawin ko wala parin naman akong magagawa kung ginagawa man nila 'yon. Isa lamang akong laruan para sa kaniya.

Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko at umupo mula sa pagkakahiga, tingin ko kailangan ko paring alamin at tuklasin ang taong nasa loob ng kwartong 'yon. Kahit na masaktan ako at maabutan silang gumagawa ng kahalayan tatanggapin ko. Muli kong hinawi ang maliit na pinto sa loob ng cabinet at dahan-dahang pumasok rito, madilim sa loob ng maliit na kwartong katabi ng room ko.

At nakikita ko mula rito sa pwesto ko ang lamp shade na nakabukas sa kabilang room, ang room ng babaeng 'yon. Nanginginig ang kamay ko ng kinapa ko ang door knob at isinuksok rito ang susi na binigay niya sakin kagabi. Napapikit ako at handa ko ng buksan ito ngunit mabilis akong napadilat dahil sa mga scenario na maaari kong madatnan sa kwarto 'yon. Napaupo ako sa sahig at inalis ang susi na nakasuksok sa door knob.

And I realized, hindi ko kakayanin na madatnan sila sa ganoong kalagayan. And I hate to admit that I fall for that demon! Bakit ang tanga ko pagdating sa kaniya? Marami na siyang ginawang kagaguhan sakin pero bakit? Sa dinami-rami ng lalake sa mundong ito bakit sa kaniya pa? Magulo ang buhay na meron siya, isa rin siyang mamamatay tao at hindi lang 'yon, isa rin siyang kidnapper. Paano ko nagawang mahulog sa kaniya?

Hindi ko namalayan nakahiga na pala ako sa kama ko, ni hindi ko naalala kung paano ako nakarating rito. Sumisikip ang dibdib kakaiyak at hindi ko mapigilang masaktan. Wala akong laban sa kaniya simula noong nahuli niya ako. At hanggang ngayon wala rin akong laban, wala rin akong laban sa babaeng 'yon.

Gusto ko pang matulog ngunit kinakailangan ko ng bumangon at gawin ang trabaho ko, ewan ko nga kung saan ko gagamitin ang perang sinasahod niya sakin dahil kahit makalabas ako sa bahay na ito magiging walang silbi din ang buhay ko. Dumeretso ako sa kitchen para magluto ng agahan, at ng matapos kong lutuin ang ilang ulam ay iniwan ko muna ito upang maglinis sa sala. Ngunit naalala kong naiwan ko pala sa itaas ang blower machine kahapon.

Napatingala ako sa second floor dahil baka makakasalubong ko siya, ayoko paring makita ang pagmumukha niya. Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis, wala akong nagawa kundi kunin na lamang ito. Natigilan ako dahil nasa hagdan pa lamang ako malapit sa mini sala ay narinig ko na ang boses niya, may kausap siya sa phone niya kaya hindi na ako tumuloy dahil madadaanan ko talaga siya.

"Make it sure he won't get hurt, and make it sure he won't escape. Let him go exactly five in the morning tomorrow and make sure he doesn't know and don't show your face, did you get his phone away?"

"Just make it sure Aldon, huwag niyong gasgasan ang pangalan ko dahil baka makatakas siya at humingi ng tulong sa devil's kayo pa ang maaagrabyado, do you understand?" napakabog ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko, may ginawa na naman siyang kasamaan. Mayroon na naman ba siyang pinakidnap na tao?

DW4 > jayewel

SORRY FOR THE LATE UPDATE.

PLEASE VOTE THIS CHAPTER THANK YOU 😘

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon