CHAPTER 42

15.5K 314 30
                                    

Hindi ako makapaniwala habang naglalakad sa aisle habang nakakapit sa braso ni Daddy, malapit na ako sa puwesto ni Curt at nagkatitigan kaming dalawa. Muli kaming ikakasal ngayon sa harap ng napakaraming tao.

Humalik ako kay Dad at niyakap niya ako bago niya ako binigay kay Curt, napangiti ako nang makita kong kinindatan ako ni Harry na siyang Best Man ni Curt.

And yes, after sabihin ng doctor na hindi siya nakasurvive ay muli bumukas ang pinto at ang sabi ng nurse sa loob ay muling gumalaw ang life machine at muli siyang lumaban. Si Curt mismo ang nagpatuloy upang marevive siya.

At tuluyan nang naputol ang kasamaan ni Don Egnacio dahil kaagad siyang binawian ng buhay dahil tinamaan siya sa ulo dahil lumaban siya sa mga NBI.

At huli na nang sinabi sa akin ni Hiro na siya ang nakatama kay Don Egnacio. Trabaho niya 'yon at isa pa sobra narin ang kasamaan niya kaya napatungan siya ng shoot to kill nang tumakas siya sa kulungan.

I'm so proud of Harry, at malaki ang utang na loob ko sa pagsagip niya sa buhay namin ni Curt. At sa pangalawang pagkakataon ay ikinasal kami sa maayos na paraan. At hindi ko masukat ang kasiyahang nadarama ko, pagkatapos ng ceremony ay kaagad siyang lumapit sakin at niyakap ako.

"Congratulations Ate"

"Thank you Harry"

"Sino ba talaga ang kapatid mo?" Singit ni Hiro at napatawa ako sa ka kaniya. Niyakap ko rin siya at pinisil niya pa ako sa pisngi. Kaagad naman siyang hinarangan ni Curt dahil mukhang guguluhin niya pa ang buhok ko.

Nakita ko naman ang mga kaibigan niya na isa rin sa tumulong noong gabing kinidnap kami ni Harry. And they're also my savior. Kasama rin nila ang mga asawa nila na naging malapit narin sa akin.

FIVE MONTHS LATER

"Are you done wife?" napalingon ako sa kaniya at tumango pagkatapos niyang isara ang zipper ng dress ko. Napatitig ako sa kaniya mula sa salamin nang haplusin niya ang malaking bulto  kong tiyan.

"I guess it's baby boy Mahal"

"Ako feeling ko baby girl" natawa ako dahil napakunot noo siya. Noong una kasi ang sabi niya kahit gir or boy okay lang, pero kalaunan gusto niya pala lalaki.

"Tsk, let's go para magkaalaman na baka nandoon na silang lahat sa venue" hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming lumabas.

Ngayon na ang araw ng gender reveal para sa anak namin, na excite ako dahil feeling ko kasi babae. Naimagine ko na kaagad kung gaano siya katupakin kagaya ko dahil sa mga nakalipas na buwan, nahirapan talaga si Curt dahil mas naging makulit ako at gayundin din hindi ko maiwasang pagsusungitan siya at maya-maya lang ay magpapalambing sa kaniya.

Pagdating namin sa venue ay kaagad niya kong inalalayan sa pagbaba mula sa kotse, napangiti ako nang makita sina Mom, Dad at Hiro the same as Harry. Nasa loob narin ang mga kaibigan niya at asawa at mga anak ng mga ito. Naglakad na kami ni Curt papunta sa unahan kung saan kami uupo. Nagsalita ang emcee upang iwelcome kami at nagpalakpakan naman ang lahat.

Maya-maya ay nagsimula narin ang program, and here it is. Dumating na kami sa puntong malalaman na namin ang gender ng anak naming dalawa.

"Are you ready? Oh right, all you have to do couple is to throw this one. At kapag nashoot ninyong dalawa ang bolang ito tatama ito sa buzzer na nandiyan sa loob okay?"

Kaagad naman kaming tumugon sa kaniya, nagkatinginan kami ni Curt nang hawak na namin pareho ang bola.

"Do you heard it wife? Ishoot mo ha?" napangiti ako at napatango sa kaniya. Nagbilang muna ang emcee at sabay kaming nagbato ng bola sa net. Nakarinig ako ng pagtawa dahil hindi ko naishoot sa net. Kapag isa lang pala ang nakapasok hindi lalabas ang result.

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon