CHAPTER 3

22K 521 42
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong napaiyak ako sa takot sa amo kong demonyong doctor dahil akala ko nahihibang na siya at kinain siya ng pagka demonyo niya.

Gaya ng sinabi niya naging maid parin nga niya ako at buong akala ko ay sa mansion niya ako ibabalik, dito pala sa bahay niya kung saan may malaking ahas na nakatira at ako lang mag isang tagalinis dito.

Mayroon namang mga guards sa labas ngunit doon sila natutulog sa kanilang station sa tabi lang ng bahay.

Napapaiyak ako kapag nakahiga na ako sa kama dahil yung kuwarto ko katabi lang ng bahay ng black phyton na si Maximo. Paano kung bigla nalang masira yung wall at pagkagising ko nasa tabi ko na siya?

At hindi lang yun, halos mamatay ako kakalinis sa napakalaking bahay niya buong maghapon.

At bawat main door ng bahay niya maliban sa pinto ng mga rooms ay passworded at may access sa computer at phone niya kaya malalaman niya agad kung ilang tao ang labas masok sa bahay niya at makikita niya rin kung sino ang taong pumasok dito.

Kaya siguro dito niya ako diniretso nang mahuli niya ako dahil wala akong takas kung sakali man. Wala akong makakausap dito dahil kapag lumabas ako ng bahay ay hindi rin ako kinakausap ng mga guards.

Bawal daw sa kanila, tanging pagbati lang yung ginagawa nila kapag nakikita nila akong naglilinis sa labas ng bahay. At si sir Helcurt ay tuwing gabi lang din pumupunta dito dahil nga doctor siya.

Kung saan saan ako pumupunta kapag malalaman kong paparating siya dahil nakakatakot yung aura niya. Madilim lagi ang mukha niya na tila papatay ng tao at lagi niya akong sinusungitan at hindi naman bago iyon.

Kakaiba yung kabang nararamdaman ko kapag umuwi siya dito dahil tagos kaluluwa siya kung makatitig sakin. Gusto ko nang umalis dito ngunit hindi ko alam kung papaano.

Hindi ko rin maaaring gamitin ang phone ko para humingi ng tulong dahil malalaman niya at natatakot ako para sa kapatid ko. Alam kong hindi siya nagbibiro, at walang imposible sa kaniya.

Kakatapos ko lang maglinis at para akong binugbog ng ilang tao, bumaba na ako upang maghanda para sa lulutuin ko para sa naka duty na anim na security guards ngayong araw.

Habang pa baba ng hagdan ay may pumasok na tatlong lalaki at may bitbit na malalaking groceries bags.

"Magandang araw po" bati ko sa kanila nang makapasok ako sa kitchen.

Napakunot noo ako dahil hindi man lang sila nagsalita kundi tanging tango lang yung nakuha kong sagot. Pati ba sila bawal akong kausapin?

Agad silang lumabas nang walang sabi sabi. Napabuntong hininga nalang ako dahil tila nakatira ako sa isang isla na malayo sa kabihasnan. Inayos ko yung mga groceries dahil kailangan ko pang magluto ngunit muli akong nakarinig ng pagbukas ng pinto.

May pumasok na namang dalawang lalaki ngunit hindi sila yung pumasok dito kanina. Napatingin ako sa tinutulak nilang tila dalawang malaking storage box na may lamang karne.

"Kuya nandito po yung refrigerator"

"Hindi po ito ilalagay sa ref ma'am, pakituro nalang ng meat cutter machine"
Agad kong tinuro ito sa kaniya.

Nakakapagtaka dahil sobrang dami ng karne na tila lulutuin para sa isang malaking handaan. Huwag niyang sabihin lulutuin ko lahat ng iyan? Sumusobra na talagang ang doctor na iyon!

" Para po saan iyan kuya?"
Curious kong tanong sa kaniya.

"Kay Maximo"

Napalunok dahil para pala sa ahas. Bakit kailangang i-cut?

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon