CHAPTER 37

15.9K 326 12
                                    

Agad niya akong niyayang umuwi dahil ayaw niya na raw dito sa hospital niya. Ang gusto niya ay magpahinga sa bahay kasama ako.

“Mahal baka hahanapin ako nina Mom at Dad? Pwede ba muna tayong magpaalam sa kanila?”
Napakunot noo siya sakin nang sabihin ko 'yon.

“What? You're not a kid anymore, besides I'm your husband Mahal. Doon na tayo sa mansion dumeretso”

“Sasama naman ako sayo eh, gusto ko lang na makausap sila ng pormal. Alam ko namang hindi parin kayo okay ni Dad”

“Tsk” 'yon lang ang narinig ko mula sa kaniya at napatitig siya sa singsing na nasa kamay ko.

“You're still wearing our wedding ring wife?” hindi makapaniwalang tanong niya sakin.

“Oo, kahit gusto ko nang itapon kasi nakakainis ka na. Pinapahalagahan ko parin ang marriage natin” inabot niya ang pisngi ko at hinalikan ito.

“Thank you so much, magpapaalam na ako sa parents mo kahit sikmurahan ulit ako ng Dad mo” napatawa ako dahil sa sinabi niya.

Naalala ko, sinikmurahan pala siya ni Dad noong nagpunta siya sa bahay at nagpumilit na kausapin ako. Hindi siya umalma nang ginagawa ni Dad 'yon kahit naman isa siyang taong ayaw papatalo at talagang gaganti kapag inagrabyado.

“Sorry about that Mahal, ikaw kasi eh nasaktan kapa tuloy”

“It's okay, he's your Dad that's why hindi ako lumaban. Kasi kapag ginawa kong lumaban hindi na talaga kita malalapitan pa. Pero kung sasapakin niya ulit ako kahit marami akong sugat wife sasapakin ko rin siya pabalik”

“Mahal naman, hindi ako papayag na mangyari 'yon. Hindi ako papayag na saktan ka niya” napatawa siya sa sinabi ko kaya napangiti rin ako.

“I'm just kidding wife, hindi naman ako lalaban eh siguro kapag okay na ang sugat ko pwede kaming mag one on one” nakangisi niyang sabi.

“Ewan ko sayo, hali ka na. Umupo ka na rito” tukoy ko sa wheelchair na nasa gilid ko.

Dahan-dahan siyang tumayo at inalalayan ko siya. Umupo na siya sa wheelchair ngunit ininguso niya ang bibig niya at nanghingi ng kiss.

“Isa lang” napatawa ako sa sinabi niya. Agad ko naman siyang ginawaran ng halik sa labi kaya nagkangitian kaming dalawa.

Tinulak ko na ang wheelchair at paglabas namin ng room ay napatitig ako sa limang makikisig na devil's na nakahilira sa labas ng pinto. At nakaabang din ang ilang assistant niya pati ang driver niya.

“You look good while sitting there Belcher, para kang maamong tuta” kahit ako ay napatawa sa sinabi ng isa sa mga kaibigan niya.

“Really Develios? Parang hindi ka nakaranas nito noong sinaksak mo ang sarili mo nang iniwan ka ni Caramel ah?”

Nagkatawanan sila dahil sa sinabi niya at nawala naman ang ngisi ng kaibigan niya.

“Bull's eye Man, kung ako sayo Colt mananahimik nalang ako” sabi ng lalaking nakatayo sa gilid nito, at napansin kong kulay gray ang mga mata niya.

“Shut up Zares, parang hindi ka rin naging tanga noon” narinig ko ang pagtawa nito nang sabihin iyon ni Colt sa kaniya, ang lalaking kulay asul ang mga mata.

“Atleast ikatatlong tanga ako, mas lugi ka dahil ikaw ang pangalawang tanga sa atin.”

“Tado, atleast Lucian is still the winner. Siya kasi ang pinakauna unahang devil na nagpakatanga” napatingin ako sa lalaking tinutukoy nila. May taglay itong kakisigan na talagang mapapansin ng lahat at hazelnut eyes siya. Nakakunot noo siya dahil sa sinabi nito sa kaniya.

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon