CHAPTER 2

22.2K 510 16
                                    

Unti-unti  akong nagising at ramdam na ramdam ko ang pananakit nang ulo at katawan ko parang gusto ko pang matulog.

Pero ganoon nalang ang pag-atras ko at pagtili ko nang may maaninag ako sa gilid ng kama, itim at malaking__

Sa sobrang taranta ko ay nahulog ako sa kama, sa mismong paanan nya ako nalaglag at para akong aatakihin sa puso. Akala ko kasi yung ahas, pero pakiramdam ko mas mapanganib sya makatitig kaysa sa ahas nya.

"Stand up!"
Napalunok ako at unti-unting tumayo. Napatuod ako nang tinuturo nya yung kama kinabahan ako ng sobra dahil hindi ako sanay sa mga titig nya nakakatakot at nakakatunaw.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nananatili lamang akong nakatayo. Nang inangat ko ang paningin ko ay madilim ang mukha niyang nakapukos sa mukha ko.

"Are you really that stupid? Sit down!"
Agad akong napaupo sa kama dahil sa gulat ng pagsigaw nya, galit na galit na yung mukha niya at napayuko nalang ako.

Kailangan ko parin makiusap sa kanya kahit mukha na syang demonyo. Makikiusap ako na hayaan niya na akong makaalis.

"S-Sir__"

"Shut up! You have no right to talk!" Isang malalim na katahimikan ang lumukob samin pagkatapos nyang magsalita. Natatakot ako dahil baka kung anong gagawin niya sakin, baka ipapasok niya na naman ako sa bahay ng ahas niya.

"Listen traitor! I want you to pretend that you're still spying me. If that old man wants this memory card I want him to come here to meet you do you understand?"

Napatitig ako sa kaniya at hindi ko naiintindihan ang nais niyang mangyari.

"I said do you understand?!" Nagulat ako dahil sa pagsinghal niya. Agad akong napatango sa kaniya at umiwas ng tingin.

"Eyes on me!"
Natatakot akong tumingin sa mga mata nya pero wala akong magawa nang hinawakan niya ang ilalim ng panga ko at pinaangat ito.

Nagtama ang mga mata namin at para akong napapaso sa paraan ng pagtitig nya na walang kurap kurap, napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko na naman ang ahas. Pakiramdam ko ahas din ang kaharap ko dahil kulay green yung mata niya.

"Kapag sinabi kong eyes on me at makinig ka, sumunod ka dahil hindi ako magdadalawang isip na gawin kang hapunan ni Maximo"

Agad akong napatingin sa kaniya nang muli kong narinig ang pangalan ng nakakatakot na ahas na iyon.

"Sir ginawa k-ko lang iyon dahil__"

"Shut up! I don't need your damn explanation! Just listen and cooperate with me... Ang sabi mo kay Cruise hawak ni tanda ang kapatid mo, so here's my plan. I want you to pretend that you're still searching for this"

Sabay angat niya ng box na lalagyan ng memory card na kinuha ko mismo sa vault.

"I want you talk to that old man kapag tumawag siya sayo, na malapit mo nang mahanap ang memory card. Because I want to see him in person, it's been six years and I also miss life with him"

Napalunok ako dahil alam kong seryoso siya, hindi ordinaryong tao lang ang kaharap ko kundi demonyo.

"And because you're a stupid at hindi alam ang pinasok mo panindigan mo nalang, you have to convince that bullshit na makipagkita sayo para ibigay ito pero hintayin mo muna kung kailan ako magsasabi na tatawagan mo na siya at nasa kamay mo na ang bagay na ito"

"He became desperate to imprison me, he really want me to rot in jail huh? Let see kung sino ang makukulong sa aming dalawa... Dapat nga harapin nya ako dahil ako ang pumatay sa asawa nya hindi ba? Why does he seem afraid to meet me?"

Pakiramdam ko nakatayo na mga balahibo ko sa batok nang sabihin niya mismo sa harap ko na siya nga ang pumatay kay Doc Amelia. Although he did not admit it directly pero sa pananalita nya palang, sino pa ba?

"A-Ang sabi niya ako mismo ang uuwi ng province kapag n-nakuha ko ang pinapahanap niya"
Nauutal kong sabi. Imbis na matuwa ay kinilabutan ako sa mga ngisi niya.

Mas lalo syang gumwapo sa pagngisi nya kaso mas nakakatakot parin dahil para syang binabalot ng maitim na espiritu.

"Look, stop telling me what he had told you. I'm trying to be calm kahit gustong gusto na kitang kaladkarin at ipalamon kay Maximo. Just listen and do whatever I say! naiintindihan mo o naiintindihan mo?"

"Y-Yes sir" agad akong napayuko dahil parang gusto niya yata akong sapakin.

"I didn't say my words twice kaya makinig ka Puentevella! No matter what happens you were going to convince him na siya ang makipagkita sayo para kunin ang memory card. But you will not provide information that you have the SD card until I do not say, you remember I have access to your phone and I will still know when you tell him something different."

Napatango ako sa kaniya, alam ko naman 'yon na wala na akong takas kung sakali man.

"For now, you still have to work as my maid until I ask you to call him and tell him to meet you, for now I will just sit and relax because I have to be prepared for that day. I really miss Egnacio Decador and I'm sure kapag nagkita na kami may maliligo na naman ng sariling dugo nito"

Nahugot ko ang hininga ko dahil sa mga sinasabi niya, mamamatay tao nga talaga siya!

"What do you think?" Napaatras ako ng pinasadahan niya ng daliri niya ang balikat ko padausdos sa braso.

"And always remember this"
Napasinghap ako nang mahina niyang hinaplos at inamoy ang leeg ko.

"Huwag na huwag kang mag-isip na maaari mo pa akong traidorin sa pangalawang pagkakataon, because you're not the first one I'm going to shoot, but your brother kahit sabihin mang hawak siya ni Decador"

Bulong nya sakin at mabilis ko siyang naitulak dahil ramdam na ramdam ko ang labi nya habang nagsasalita siya mismo sa leeg ko. Nanginig ako at gusto kong mapaiyak sa kaba.

Manyak! Natatakot ako dahil baka hindi lang ganoon ang gagawin niya sakin.

Nakita ko pa kung paano siya napangisi nang itulak ko siya at tumitig sakin nang yakapin ko ang sarili ko.

"Relax, I just wanna try to use the old man's toy. I'm probably going to use you against him but you know what? Mas prefer ko yung nasa isip ko ngayon kung paano kita gagamitin"

Agad akong lumayo pero agad niyang nahila ang braso ko.

"L-Layuan mo ako demonyo ka! "

Napaiyak ako nang ngumisi siya sakin parang kakapusin ako ng hininga dahil sa kabang naramdaman ko.

"Yes I am. I really am"
Mabilis na nagkadikit ang katawan nya sakin kaya napasigaw ako at nagpumiglas.

"Bitawan m-mo ako! "
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mabilis niya akong itinulak sa kama.

"S-Sir huwag p-please" humihikbi kong pakiusap sa kaniya.

Ngunit hinila nya ang makapal na kumot at bigla itong itinakip sa buong katawan at mukha ko.

"Stop dreaming Puentevella cheap women has no place in my bed!"

At ang huling narinig ko ay ang malakas na pagsara ng pinto. Ngunit napaiyak parin ako dahil sa kaba at takot na akala ko may gagawin siyang masama.

Diyos ko, hindi ko kakayanin kapag nangyari ang nasa isip ko. Siguro naging advance lang ako dahil sa kaba, hindi ko maiisip 'yon kung hindi siya ganoon makatitig na tila nanghuhubad. Bwisit siya! talagang maghahanap parin ako ng paraan upang makatakas!
.
.
.
.
.
#DW4: CONTROL YOUR HORMONES DOC, ALWAYS THINK YOU ARE A DOCTOR.
WAG MO MUNANG OPERAHAN SI HARUMI HINDI SIYA PASYENTE.

OKAY, PLEASE DON'T FORGOT TO VOTE DUDAYS THANK YOU 😘

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon