CHAPTER 36

15.8K 370 25
                                    

Mas lumakas na ang hikbi ko habang nakayakap parin kay Hiro dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi lang dahil nakalatay na siya at walang buhay sa harap ko ngayon kundi pati narin sa babaeng humagulhol ng iyak habang yakap-yakap ang katawan niya.

Hindi ko matanggap ang pagkawala niya at mas lalong hindi ko matanggap na may ibang babae pa pala siya maliban kay Alice at Mahal din ang endearment nila. Hinahagod ni Hiro ang likod at gusto ko nang himatayin.

“Ate let's go, lumabas na muna tayo baka himatayin ka rito”

“N-No, ayoko Hiro” umiiyak na sabi ko. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko.

Nagulat kami pareho nang bumukas ang pinto, may nakakasilaw na flash ng camera mula sa labas habang sinusundan nila ang lalaking pumasok na puno ng benda ang kamay at may sugat sa gilid ng noo niya.

Napakabog ng sobrang lakas ang dibdib ko nang mapatitig ako sa kulay berde niyang mga mata, agad akong napabitaw kay Hiro at napalingon sa katawan na nakalatay sa hospital bed.

Nanginingig ang mga tuhod kong lumapit sa kaniya at sinampal siya sa pisngi. Narinig kong napasinghap ang ilang nurses na nakapaligid samin at pati mga Media na pilit kumuha ng impormasyon.

“Pinagloloko mo ba ako ha?” sa sobrang inis ko ay pinagsusuntok ko siya sa dibdib.

Napahikbi ako at nakatitig lamang siya sakin, napayuko ako nang mapagtantong nasampal ko siya samantalang puno siya ng sugat lalo na sa kaliwang braso niya, may mga gasgas din ang binti niya at sarili ko ang sinisisi ko kung bakit ganito ang hitsura niya ngayon.

“Slap me again, so that I'm aware that you're really standing in front of me my wife”

Napatitig ako sa kaniya nang sinabi niya 'yon, agad ko siyang niyakap at napahikbi ako sa dibdib niya. Akala ko siya na 'yong nakahilata sa hospital bed na pinagluluksaan ngayon ng isang babae. Curt din kasi ang tawag niya doon.

“I'm sorry Mahal, anong n-nangyari sayo? May malala ka bang sugat? Bakit naglakad ka kaagad?” nag-aalala kong tamong ngunit hindi niya ako sinagot at nakatitig lamang siya sakin.

“Wife, I'm so sorry for what I did. Nagkamali ako sa ginawa ko, sampalin mo ulit ako dahil sa katangahan ko. Nakausap ko si Val, he said__” hindi niya natuloy ang nais niyang sabihin nang bigla nalang akong kinalabit ni Hiro.

“Belcher, stop talking! Ate for pete's sake lumabas na tayo rito, can't you see? May nagluluksa rito” bulong niya nang makalapit samin.

Nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Agad kaming lumabas ng room, at paika-ika siyang naglakad habang nakaakbay sakin. Mas lalong dumami ang flash ng camera at pilit na kausapin siya.

“Guards, take them out kapag sinundan pa nila ako sa room ko malilintekan sila sakin” inis na sabi niya, kahit marami siyang sugat napakasungit niya parin.

“Yes sir, gagawin namin ang lahat mailabas lang sila sa hospital”

Pinaupo ko siya sa sofa at nakita ko ang benda sa kanang binti niya. Hinipo ko ang kamay niya at naiyak ako bigla, kumirot ang dibdib ko dahil nangyari ito dahil sa katangahan ko. Hindi ko rin masukat ang saya na nararamdaman ko nang makita siya at mahawakan ulit dahil buong akala ko siya talaga 'yong nakahiga na natatakpan ng puting kumot sa kabilang room.

“A-Akala ko ikaw 'yon eh, ang s-sabi kasi ng nasa front desk room 206” umiiyak na sabi ko. Naramdaman kong hinaplos niya ako sa pisngi.

“I'm so sorry, shh. Stop crying nagkamali lang yata sila. Mag-usap na tayo please”

“H-Hindi ko sinasadyang saktan ka M-Mahal. Mahal na mahal kita Curt, nasaktan ako sa ginawa mo kaya gumanti ako hindi ko naman akalain na umabot sa ganito, akala ko iniwan mo na ako”

DEVIL'S WRATH 4: Helcurt Belcher (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon