Chapter 23: Threat

3.4K 58 1
                                    

"What's happening to you, Amari? Don't you think, na maaaring matanggal ka sa scholarship?"

Mabagal ang bawat paghinga ko, habang tinatanggap ang mga salitang binibitawan ni Ma'am Elena. It was I, and her inside of this room. Kaya damang-dama ko ang galit niya. Hindi siya madaling magalit, but this time it seemed to be that I pulled the string to make her mad.

Pinaglaruan ko lamang ang mga daliri ko.

"Mabuti nakaatin ka pa rin ng debate competition niyo." Mabigat ang bawat paghinga niya. "Nakarating kay Sir Armalo ang iskandalong nangyari nakaraan, and he's flaming in madness. Sa tipong ayaw ka niya paatinin ng kompetisyon." Napayuko lamang ako. "Mabuti na lang napakiusapan ko siya." I bit my lower lip, feeling so guilty right now.

"Kung hindi, Josaiah Vero would be an exchange for you."

Mabilis na umangat ang paningin ko sa kaniya, dala ng gulat. Napahilot siya sa sentido niya.

"Josaiah has a background when it comes to public speaking. He can surpass you, even without his Dad's authority."

I'm aware of that. I know he can do that. He's also smart, in the fact that I honestly feel so threatened about him. Hindi lang dahil anak siya ng tinatapakan kong campus, kundi dahil sa sadyang matalino siya.

Kumurap ako ng ilang beses. "Sorry to say this, pero pag-isipan mo na ang bawat gagawin mo," she warned me. "Isa pa, you're part of the student council. Huwag mo dungisan ang council."

Unti-unti akong tumango.

"I know you have your goal to be the top of your strand, alam kong gusto mong panghawakan iyon, dahil nagawa mo last year." I breathed out heavily. "But this year is different. There can be predators that can get that from you."

. . .

"Amari, pinapatawag ka ni Ma'am Tio."

Nilingon ko si Jessica na ngumunguya pa ng french fries. Break time namin ngayon, kaya kung ano-anong ginagawa ng mga kaklase ko. Though kanina pa sila ganito, dahil wala namang umatin na teacher. Bale, we got vacant for this time. Ngayong grade 12, kumpara noong high school kami, mas madalas na hindi umatin ang teacher. Siguro dahil senior high na kami, at malapit nang magcollege.

Nagtungo naman ako sa faculty, dama ko ang pagdaloy ng kuryente sa sistema ko nang 'di sinasadyang magtama ang balat namin ni Josaiah. Tinago ko naman ang surpresa sa itsura ko.

Mukhang katulad ko, sa faculty rin ang sadya niya.

Binuksan naman niya ang pinto at naunang pumasok sa faculty, hinintay ko naman siyang makalayo ngunit hawak pa rin niya ang pintuan ng faculty na tila ba hinahantay akong makapasok. I breathed out and stepped inside. Nauna akong naglakad, habang nakasunod naman siya.

Pakiramdam ko tuloy sasabog ang puso ko. Buwisit, bakit ba ako nagkakaganito?

Good thing, nakita rin agad kami ng guro at malawak itong ngumiti sa amin.

"I'm glad that both of you are here." Hindi nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha niya. "Alam kong alam niyo na pareho kayong top students in your class."

Pasimple ko namang nilingon si Josaiah na bahagyang nakangiti sa guro. Sa nagdaang araw, Josaiah seemed to distance himself from me. Alam ko naman kung bakit... kaya hindi ko na kinukuwestyon ang galaw niya.

"I'm so happy with Josaiah's improvement. Though, hindi na ako nagulat na may ganito siyang katalinuhan, with those credentials he has during high school." Pinatawag ba ako, para marinig na purihin siya?

Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang mga sinabi ni Ma'am Elena noong nakaraang mga araw. I have honestly seen those improvements that Ma'am Tio has stated.

Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)Where stories live. Discover now