Chapter 22: Indecisive

3.5K 67 1
                                    

"You seemed threatened." Nilingon ko si Niña, she's looking at me in worry.

Umayos ako ng upo. Pasimple ko namang pinaramdaman ang mga kaibigan ko na sina Jessica, Monique at Kyle na nakikiramdam lang din.

"For sure you know all of this." Dinuro ko si Kyle na nagkibit-balikat lang. I knew it! "Bakit 'di mo sinabi sa akin?" Edi sana kahit papaano, naging maganda ang trato ko kay Josaiah.

Baka bigla na lang niya ako ipatanggal dito!

"You didn't ask." His lip rose. "Pero at least, I gave you some clues 'di ba? You should be thankful for that."

Gusto ko siyang sabunutan. Bakit ba kasi napakakomplikado ng lahat?

"Hi, guys! Missed you!" Patakbo namang nagtungo sa gawi namin si Jia. She's wearing a full smile on their faces. "O? Bakit ganiyan kayo makatingin? 'Di ba kayo masaya?" Naningkit ang mga mata niya sa amin.

Since six seater ang lamesa rito sa garden area ng JHS, may extra seat naman but Jia still sat beside me. Kahit pa dalawa na kaming nakaupo ni Niña. Mabuti na lang at nagkasya kami.

"May chika ba kayo? Balita ko anak ni Pres. Armalo si Josaiah! Naging crush ko pa naman 'yon, buti three days lang at na-expired agad. Hassle magkagusto sa mayaman, eh." Ang dami niya na agad sinabi.

Nalaglag naman ang panga ko sa mga sinabi niya. Kalat na rin talaga sa buong campus ang ukol kay Josaiah sa pagiging anak siya ng nagmamay-ari nito. Mas lalo tuloy lumawak ang fanbase niya, imbis naman na matakot ang ilang kababaihan. Mas lalo lamang itong nagsisibigayan ng motibo sa binata.

"Naging crush mo pala 'yon? Why you didn't tell us?" busisi ni Kyle. Dama ko naman ang pagdapo niya ng tingin sa akin, tingin na may kasamang pangungutya.

I know there's meaning behind those stares.

"Crush lang naman, ih! I know it will fade soon. At saka, baka ma-hurt pa si Amari." Agad akong napatingin sa kaniya na may kunot sa noo.

"Why me?" I asked in irritation. Dinamay pa talaga ako! Nanahimik na nga ako. Pinagsingkitan naman niya ako ng mga mata.

"Sus! Kunwari ka pa. I know you like him... he seemed to be close to your ideal. Katulad nung nakuwento ni Kyle last time, yung Be--"

Naputol naman ang sasabihin niya nang mabilis na lumapit si Kyle patungo sa kaniya at tinakpan ang bibig. Pumekeng ubo naman ang binata. Tinaasan ko siya ng kilay. So sinabihan niya sila ukol doon kay Beau?

"Stop teasing her, Jia," natatawang ani Niña. Napairap ako sa kawalan. "She is just threatened, kasi may kalaban siya sa pagiging top one."

"Ayos lang maging threatened at uhaw sa validation, ang importante makapasok na tayo ngayon sa klase. Second semester na, kailangan natin maging bida-bida." Monique stood up, and Jessica did the same.

"Buwisit ka talaga, Kyle." Binitawan na rin naman ni Kyle si Jia. Umiling lang ako sa kawalan, at sinubukang balewalain ang usapan ngayon.

But am I threatened?

Sa sumunod na araw. I just did what I needed to do. Avoid him. Hindi naman kailangan na kaibiganin ko siya. I need to focus on my study and treat him as my rival. As long as he excels in his studies, doon dapata ako mabahala.

"Amari, tapos ka na sa MIL mo?" Saglit kong nilingon si Marcus. I was a bit surprised when I saw Josaiah's presence beside him, he was also looking at me. Pero hindi ko siya tinuunan ng pansin.

Ngumiti ako kay Marcus. "Yeah, bawal kumopya." I closed my book for MIL subject, which is also known as Media and Information Literacy.

These subjects mold us to build critical thinking skills when it comes to comprehending the media. It molds us to become "Fact Checkers". Well, sa panahon ngayon, laganap ang fake news, at uncredible sources na pinagmumulan ng misinformation.

Sweet Romantic (Loose Trilogy #2)Where stories live. Discover now